10 first meeting

48 1 0
                                    

JAYDEN POV

Sa lahat ng taong imi-meet ni Jeanie, si Ate Jianne pa. Okay na din na si ate yung mi-neet namin. Atleast hindi lalake. 

Pero muntikan na akong mabuko. I’m taking it slowly kasi nga ayokong biglain si April. Baka ma-badshot pa ako. Diba nga inis na inis siya sa akin noon? Magkaaway kami nung highschool? Magtataka yun pag bigla kong binanatan ng panliligaw. Baka iwasan pa ako nun at tuluyang hindi pansinin.

Dahan-dahan ang ginagawa kong moves pero mukhang nawe-weird-uhan na sa akin si Jeanie. Andami niyang tanong. Tapos, nagkapalagayan sila ng loob ni Ate. Para nga kaming wala ni Vernie kung magkwentuhan sila. Kaso si Ate Jianne, inaasar kami. Bigla tuloy akong nahiya kay Jeanie.

I really like her. Siya kasi yung tipo ng babae na hindi mo pagsasawaang amuhin. Okay aaminin ko, wala akong naging ibang crush noong highschool. Siya lang talaga. Tandang tanda ko pa yung first meeting namin.

FLASHBACK

Nagtampo ako ng husto kina Mom and Dad nung mag-decide silang lumipat kami ng bahay. Kinailangan naming lumipat dahil sa expansion ng business namin.  Second year na ako noon at kalagitnaan na ng school year ng sabihin yun nina Mom sa amin ni Ate Jianne. Nalungkot ako dahil maiiwan ko ang mga kaibigan ko dun. Since elementary kasi sa Westbridge ako nag-aaral.

First day ko sa East Bridge University at medyo nag-aalangan pa akong pumasok. Si Ate excited siya dahil college na siya nung time na yun at pinayagan na siya nina Mom na magdala ng sasakyan sa school. Ako? Hatid-sundo pa din ni Mang Chito. Sumama si Dad sa paghatid sa akin. Itinuro niya kasi yung mas mabilis na daan para makarating ako agad sa school.

Tahimik naman dito. Konti lang ang studyante, pagpasok ko sa classroom, nakita ko yung kumpulan ng mga lalake at mga babae. As usual pinagtitinginan nila ako. Transferee eh.

Lumapit ako sa isang lalake na tahimik at nagbabasa lang. First day na first day, busy siya agad. Arron pala name niya at napansin ko na kaibigan niya yung grupo ng mga babae at mga lalake na nadaanan ko kanina. Recess time nung ipinakilala niya ako sa mga kaibigan niya. Naging barkada ko na nga sina Vince, Mond, Leon, Patrick at Arron. Sa girls naman naging ka-close ko naman sina Trish, Michie, Leiny, Billie, Bela at si April.

Lahat sa barkada nakakausap ko naman. Pero may isang cute na babae na medyo mahiyain. Kulot ang buhok niya at petite siya. Sinundan ko siya minsan nang papunta siya sa library. May dala siyang mabibigat na libro.

“Ah April, ako na magdadala nito para sa’yo.” Sabi ko.

“Ok. Salamat ha.” Haaaaay ang cute niya ngumiti. Lumalabas yung malalalim niyang dimples. Umaarko din yung pisngi niya na mataba. Yung mata niya kaya niyang tunawin yung sistema mo. Kahit may pagka-singkit siya, alam na alam mo kung ano ang nararamdaman niya kahit hindi niya sabihin sa’yo. Ganun ka-expressive yung mga mata niya.

Naging magkaibigan kami pero dahil nga natutuwa ako sa kanya, mas madalas ko siyang asarin para kausapin. Tampulan tuloy kami ng tukso. Ewan ko na pero nakasanayan ko nang kulitin at pikunin siya. Ang ganda niya kasing magalit. Pinandidilatan niya ako at iniirapan.

Kaya pati si Michie, galit na din sa akin. Bestfriend niya yun. Akala talaga nila binubwisit ko lang si April. Hindi nila alam na crush na crush ko siya.

PRESENT TIME

Nanligaw at nagka-girlfriend man ako ng iba, special pa rin si April para sa akin. Kaya nga pinili kong Jeanie ang itawag sa kanya. Mula noon hanggang ngayon, palagi siyang may puwang sa puso ko.

Kaya gagawin ko ang lahat para ma-realize niya na gusto ko siya at hindi na ako basta nagbibiro lang.

Journey to ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon