Chapter 16

2.1K 44 22
                                    



Anong oras na pero hindi pa din tapos sila Craig uminom. Pinuntahan ko pa siya kanina para sunduin na pero hinarang lang ako ni kuya. Matulog na daw ako at uumagahin sila.

Halatang lasing na si amang kaninang pumunta ako. Ganun din ang iba pa naming kamaganak na kainuman nila. Si Craig at ang iba kong pinsan mukhang may tama na pero di tulad nila amang. Nagawa pa nga akong kindatan at itext ng kung ano.

Di tuloy nakaligtas sa mga pinsan ko ang ginawa nya. Kinantsawan pa kami na masyado ko daw atang inuunder si Craig. Mukhang takot daw ito sa akin kaya kailangan pa akong itext.

Susko kung alam lang nila ang tinext sakin ni Craig. Siguradong maglalabas ng itak sila amang at hindi pauuwiin si Craig ng di kami kinakasal.

Ang lalaking iyon nagawa pa akong sabihan na magpahinga na muna at bibinyagan daw namin ang kama ko.

Hindi naman namin pwedeng gawin yun at baka masira ang kama ko ano.

Ayun talaga ang naisip mo Nadia?

Ehh!! Ano na lang ang sasabihin nila amang at inang kung masira namin iyon. Si Craig pa naman kung umano eh parang mauubusan lagi. Sobrang kahihiyan siguro ang aabutin ko kung mangyari yun. Isa pa kahit na sementado ang mga kwarto ay siguradong maririnig kami.

Napairap ako sa sarili ko sa mga naiisip ko. Kasalanan ito ni Craig. Ano ano kasi ang pinagsasabi.

Hindi ako dinadalaw ng antok dahil nakaidlip ako kanina. Wala din akong magawa kaya inilabas ko na lang ang binigay na PT ni ate. Binasa ko yun ng ilang ulit bago ibinalik sa lagayan.

Saktong pumasok si Craig habang isinisilid ko ito kaya muntik ko pa itong mahila palabas. Agad kong sinara ang drawer na pinaglagyan ko noon at sinalubong si Craig.

"Akala ko matatagalan ka pa buti at natapos na kayo"

"Hindi pa nga sana kung di lang dumating si inang para patigilin kami"

"Dapat talaga sinama ko si inang kanina nung pumunta ako para di ka ganito kalasing"

"Di naman ahh" sabi nito habang ang kamay nya ay nakayakap na sa bewang ko at nakahilig naman ang mukha nya sa leeg ko.

"Kaya pa nating binyagan ang kama mo" mahinang napalo ko ang braso nya dahil sa sinabi nya

"Hon yang bibig mo ha!"

"Bakit? Gusto ko pag andito ka at wala ako lagi mo akong maalala. Lagi mong maaalala kung pano kita pinaligaya" nakangisi itong umalis sa pagkakasandal sakin para tudyuin ako

"Ewan ko sayo. Matulog ka na para matigil ka na sa mga pinagiisip mo."

"Ayaw ko pang matulog. Gusto ko pa binyagan tong kama mo. I want to know how long can you keep your moans para di tayo marinig"

"Nakakainis ka." Mataray na sabi ko bago tumayo. Balak kong maginit ng tubig para mapunasan ko si Craig.

"San pupunta ang honey ko?" Parang batang sabi nito

"Magiinit lang ako ng tubig para mapunasan kita. Mahiga ka na dyan"

"Bilisan mo ha baka una pa akong maginit kesa sa tubig mo" muli ko itong inisnaban bago lumabas ng kwarto

Naabutan ko si inang sa kusina saktong mainit na ang tubig na iniinit nya ng dumating ako.

"Balak ko sanang iakyat sa inyo itong tubig. Kamusta naman si Carig?"

"Salamat po. Okay naman lasing na lasing nga."

" ang itang mo buhat buhat na nila papasok." Natatawang sabi ni inang habang naglalagay ng tubig sa 2 maliit na planggana. Ang isa ay para kay amang at ang isa ay para kay Craig.

"Wag mong kakalimutan ang pregnancy test na binigay ng ate mo. Pagalis ni Craig sinabihan ko si leah na samahan ka sa ob nya para matest ka ng maayos."

"Sorry po inang" naiiyak na sabi ko.

Hinawakan nito ang kamay ko at nakangiting tumango sakin.

"Wag mo ng isipin yun. Kung ano mang maging resulta ay susuportahan ka namin. Alam kong bago pa lang ang relasyon nyo at marami pa kayong pagdadaanan. kaya nga mas mabuting maging maingat kayo. Gusto ko sana maikasal muna kayo pero kung iba ang kalooban para sayo ng Panginoon ay tatanggapin namin. Mahal na Mahal ka namin Nadia wag mo sanang kakalimutan yan." Hindi ako nakapagsalita dahil napupuno ang puso parang gusto kong umiyak sa sinabi ni inang pero pinipigilan ko.

Isang mahigpit na yakap ang binigay nito bago ako pinaakyat dahil lalamig na daw ang tubig.

Napakaswerte ko sa pamilya ko. Hindi naman perpekto ang pamilya namin minsan ay sumasama din ang loob ko kina amang at inang pero sa huli nananaig ang pagmamahal namin sa isat isa.

Ano man ang mangyari alam kong may pamilya akong susuporta sakin. Sapat na yun para maging matatag ako na harapin ang mga pagsubok na darating sa buhay ko.

Tulog na si Craig ng umakyat ako. Hindi naman na ako nahirapan na alisin ang suot nya dahil naghubad na ang loko.

Maingat ko itong pinunasan para hindi na siya magising. Nang matapos ako ay mag aala una na kaya't nagpasya na akong matulog.


Nagising ako ng magvibrate ang cellphone ko. Inalarm ko ito para siguradong magising ako ng maaga.

4:30am pa lang pero heto ako at nasa banyo namin habang naghihintay ng resulta. Actually kanina pa na tapos ang 5 minutes pero hindi ko pa din tinitignan ang resulta.

Sa isip ko ay may mga desisyon na akong nabubuo kung ano man ang mangyari. Muli akong himinga ng malalim bago tinignan ang pregnancy test sa lababo. Nangininig ang kamay ko ng abutin ko ito para muling tignan ng malapitan.

Napapikit ako ng mariin. Tinignan ko ang mukha ko sa salamin. Ang putla putla ko. Kung may makakakita sakin ay iisiping may sakit ako. Hindi naman din kasi maayos ang tulog ko.

Naghilamos ako ng mabilis at lumabas. Parang kailangan kong uminom ng tubig dahil biglang nanuyo ang lalamunan ko.

"Anak?" Nasa sala na si inang at mukhang hinihintay ako.

Inabot ko sa kanya ang pregnancy kit dahil alam kong yun ang gusto nyang malaman.

Tumingin siya sakin at tumango ng makita ang resulta.

Her assuring smile makes me at ease. Di ko na napigilan at yumakap ako ng mahigpit kay inang habang nagsosorry.

Hinayaan nya lang akong umiyak na parang bata habang hinihimas ang likod ko.

"Tama na ang iyak anak. Alam kong kulang ka sa tulog. Umakyat ka muna at matulog uli"

Tumango ako habang pilit pinipigil ang luha ko.

"Sasamahan ka ng ate mo sa ob pag alis ni Craig. Dapat masiguro natin na hindi ka nga buntis bago ka uminom ng pills" tumango lang uli ako at kinuha ang tubig na inabot ni inang.

Yes i'm not pregnant. Negative ang lumabas sa pregnancy test ko. Pero tulad ng sabi ni inang kailangan kong masigurado bago ako mag take ng contraceptive.

Hinatid ako ni inang sa taas. Nang makapasok ako sa kwarto ay agad na humiga ako sa tabi ni Craig. His arms automatically envelope me into a tight hug which i know i need this time.

It was disappointing but at the same time I'm relieved na hindi ako buntis. I just can't push this to Craig lalo't hindi pa kami handa.

With another sigh i decided to let the darkness take me for a good rest.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Trapped Series: Craig De AngeloWhere stories live. Discover now