Chapter 6

15.1K 151 3
                                    



Nadia's POV



Magkahawak  kamay kami ni Craig habang nasa elevator. Hinatid nya kasi ako sa apartment ko at gusto nitong hanggang sa pinto ay samahan ako.

Ang sabi nya ay liligawan pa din naman nya ako kahit kami na. He doesn't want me to feel cheap daw lalo na sa mga nangyari samin. He wanted to show his clear intention din daw kaya masayang masaya ako.

Nang makarating kami sa pintuan ko ay inaya ko pa itong pumasok.

Medyo clinging pakinggan pero ayaw ko pa kasing umalis sya. Iniisip ko pa nga lang ay namimiss ko na agad siya.

Hindi ko alam kung ganito ba talaga ang magkaboyfriend o ako lang. first time ko kasi ito at wala pa talaga akong idea. basta sinusunod ko lang ang nararamdaman ko.

"Sigurado ka bang gusto mo akong papasukin? baka kasi hindi na ako lumabas dyan" nakangiting sabi nito na nakatanggap ng mahinang palo sakin.

"Kung ayaw mo edi wag. Sige na papasok na ko. Ingat ka sa pagdidrive" nakapout na sabi ko sabay talikod

Medyo comportable na ako sa harap nito simula kanina. Paanoy hindi talaga kami mapaghiwalay at parang bagong kasal na nagsusubuan pa kami.

Agad na yumakap naman ito sa likod ko at ipinatong ang baba nya sa balikat ko.

"Joke lang hon. Actually kanina ko pa nga pinagpipray na sana papasukin mo ako. Yun din kaya ang dahilan kaya hinatid kita dito." sabi niya sabay halik sa pisngi ko.

"Kung di mo naman ako papapasukin may susi naman ako kaya makakapasok pa din ako" ngingisi ngising sabi nya sabay bitaw sa akin

Inirapan ko na lang ito kunwari para hindi nya mahalatang naeexcite ako.

"Wala naman pala akong choice eh" sabi ko pa habang binubuksan ang pinto ng apartment ko

"Right wala kang choice kundi makasama ako buong gabi" sagot nya at nauna ng pumasok

"San galing yan?" Tanong ko ng makita kong may dala siyang bag at papasok na sa kwarto ko.

"Ahh pinadala ko to kaninang umaga kasama nung breakfast natin para may damit naman ako dito"

"So handang handa ka pala talaga"

"Yes hon lagi akong ready para sayo" sabi niya sabay kindat na naman

Syete heart relax ka lang wag kang tatalon palabas!

Habang naliligo sya sa banyo ko ay naligo na din ako sa banyo sa sala. Medyo inaantok na din ako at may pasok pa bukas kaya hindi ko na siya hinintay matapos.

Nang matapos akong maligo ay naabutan ko itong may kausap sa cellphone nya. Nauna na akong humiga sa kama para matulog dahil mukhang matatagalan pa siya dahil maya maya ay hiniram nya ang laptop ko at may ginawa doon.

"Tapusin ko lang to hon. Matulog ka na" sabi niya at humalik sa akin

--

Naalimpungatan ako ng tumabi ito sa akin at niyakap ako.

"Tapos ka na sa work mo?" Inaantok na sabi ko habang sinisipat ang oras. 11:30 na pala

"Yeah. May pina urgent lang si dad atsaka sumagot na din ako ng mga emails"

"Umhh..  pahinga ka na hon may pasok pa bukas" inaantok pa rin na sabi ko at mahigpit na yumakap dito.

Narinig kong mahinang napaungol pa ito sa inis na ikinatawa.

The Trapped Series: Craig De AngeloDove le storie prendono vita. Scoprilo ora