Chapter 10

12.4K 208 14
                                    


Ang tagal ko ng di nag uud sabaw ata eto. Hinugot ko lang sa kasuluksulukan ng brain cells ko kagabi.

Sorry guys hindi talaga ako nakakapag edit ng UD minsan lang pag mataba ang utak ko kaya pasensya na kung sabaw ang UD ko.


O siya VOMMENTS please!!




Craig's POV

Nginitian ko lahat ng bumati sa akin na empleyado ng bumaba ako para salubungin si Nadia. Hindi ko alam kung bakit para akong natatae na sinasakitan ng tiyan habang pababa.

Pagbukas pa ng elevator ay nagmamadali akong lumabas na parang may hinahabol. Naabutan ko itong papasok ng hotel at busy sa paghagilap ng kung ano sa bag nya.

"Hon" tawag ko dito na nagpatingala sa kanya.

May mga empleyado pang napatingin pero dahil hindi naman ganun kalayo ang pagitan namin ay kaunti lang ang nakarinig sakin.

Nakita kong napangiti si Nadia at agad naman akong lumapit para hagkan ito sa noo.

"I miss you hon"

"I miss you too" sagot nito at yumakap sa akin.

I can feel it again parang may kung anong tumatambol sa dibdib ko at para din lumiliwanag ang paligid ko. Mukhang tama nga desisyon kong subukan namin ang magkaroon ng relasyon.

Naalala ko tuloy nung una ko siyang nakita. Simpleng corporate attire lang ang suot nya at lipstick lang ang nakalagay sa mukha nya. May hawak syang magazine na ang feature ay ang hotel namin at ang isang kamay nya ay nasa cellphone niya kung saan may kung ano din syang binabasa.

May badge id sila kaya alam kong nag aapply pa lang ang mga ito siguro ay 5 sila na magkakasamang pinaakyat. Siya lang ang napansin ko noon dahil siya ang unang pumasok sa elevator. Ngumiti siya sa mga nakasakay bago tumalikod at umayos ng tayo. Doon siya nagsimulang magbasa habang abala ang iba sa pag aayos ng sarili.

Nanghinayang ako noon na hindi ako nakasama sa mag iinterview sa kanila. May meeting ako at flight ko din noon papuntang singapore.

After 3 months ay doon ko lang siya uli nakita suot ang company uniform. Nalaman kong sa hr pala siya kaya hindi ko siya nakikita. Sa lobby kasi ang hr at minsan ko lang itong madaanan. Hindi naman ako ganun ka interesado sa kanya noon but when something happened with us doon ko na napagtanto na may sparks kami.

"Si Nadia ba yun at si sir Craig?"

Napangiti ako ng mapabitaw si Nadia at nakita kong pulang pula ang mukha nito. Napatingin ito sa paligid na nahihiyang yumuko. Mukhang ngayon nya lang napansin na nasa lobby kami at may iilang empleyado ang pinag uusapan na kami.

"Ang pula ng mukha mo hon. Mamaya ka na pumunta sa hr maaga pa naman umakyat muna tayo" sabi ko habang ginagaya na siya sa elevator.


Napapatingin ang mga kasabay namin sa elevator na gustong gusto ko naman dahil lalong sumisiksik sakin si Nadia.

"Hon wag ka ng mahiya, sooner they will know that we're an item mas mabuti ng ngayon na para malaman nilang taken ka na"

"Craig yang bibig mo" saway nya sakin

"What?"

"May mga nakakarinig" bulong nya sakin kahit rinig din naman ng malapit samin

"And so? Kinahihiya mo ata ako eh," nagtatampong sabi ko sabay tingin lang ng diretso

Naalarma ito at agad na yumakap sakin ng patagilid.

"Hon" mahina na namang bulong nito

"Sorry na hindi naman yun ang dahilan"

The Trapped Series: Craig De AngeloWhere stories live. Discover now