Chapter 1

40.2K 364 12
                                    


Nadia's POV

Katatapos lang ng shift ko dito sa pinakasikat na hotel ng may mamataan akong makisig na nilalang. Umaandar na naman kasi ang Craig radar ko bastat malapit ito. Kabababa nya lang ng sasakyan at di tulad ng mga nakaraang araw na makakasabay ko siya ay parang nakainom ito.

Tsk.. Ang papabols ko talaga alas 9 pa lang lasing na.. Tsk tsk.. Pagsasabihan ko talaga yan mamaya.. Aba't hindi pwede sa akin yang parang tutumba na siya sa kalasingan. Buti na lang at mukhang naisip nyang magpahatid sa driver kaya babawasan ko ang galit ko ang mahalaga sakin ay safe sya.. Hihihi..

Inalalayan ito ng driver nya pero tinapik nya lang ang balikat nito at sinabing okay lang siya. Tumango naman ang driver nya ng alanganin dahil gumegewang gewang talaga siya.

Gusto ko na sanang sumakay sa sasakyan ko ng mapansin kong parang hindi naman umakyat yung elevator. Tsk hindi kaya sa kalasingan ni pogi eh nakalimutan nyang pindutin ang floor nya kaya hindi umakyat ang elevator?

Dahil nagaalala talaga ako sa kanya at bilang girlfriend nya sa panaginip ko muli kong isinara ang kotse ko para lumapit sa elevator.. Pagpindot ko ay agad na bumukas iyon at nakita kong nakaupo na si pogi habang natutulog.
Kahit sa lasing na estado nitoy hindi ko mapigilang maglaway sa itsura nya feeling ko nga eh nalaglag na ng tuluyan ang panty ko sa pagtingin lang sa kanya.

Pumasok ako at pinindot ang floor kung saan siya nag iistay. Wala namang ibang sasakay dito dahil private elevator ito ni craig at ng mga kaibigan nya.

Mabilis na nakarating kami sa floor nya mabuti nga't nagising ito kahit papano dahil sa laking bulto nito tiyak na hindi ko siya maaakay papunta sa kwarto nya.

Ilang minuto kaming nagpatintero hanggang sa makarating sa tapat ng kwarto nya. Parang nagweights ako sa sakit ng braso ko. Pero worth it naman dahil nakatsansing ang lola niyo. Nayakap ko na si Mr. Dream boy na kiss ko pa siya sa cheeks at higit sa lahat nakasinghot pa ko sa leeg nya.. Ahihihi.. Promise hindi ko talaga sinasadya ang mga yun.

Nagmamagandang loob lang talaga ako dahil boss ko siya nuh.. Insert wicked grin

"pogi este sir Craig andito na tayo sa kwarto mo"

"hmmh"

"sir asan po ang card nyo?"

"hmmh"

"sir gising muna kayo ng makapasok na kayo at makatulog ng maayos"

"..."

Hanubayen...

Kahit ayaw ko ay napilitan akong kapkapan ang pantalon nya.. Tsk kainis talaga guys ayoko talaga sana eh napipilitan talaga ako.

Kapa kapa

Pasok sa pantalon este sa bulsa ng pantalon.. Tsk kainis bakit wala?

Isa pa nga baka hindi ko nagalugad ng maayos yung pants nya eh.. Hihihi..

Muli kong kinapa ang pantalon nya ng biglang itong magsalita kaya napatingin ako sa kanya.

"honey move to the left" sabi nito na sinunod ko naman agad.

"dito ba?" tanong ko habang minomove ang kamay ko pakaliwa.

"hmmh.. Yeah yeah.. There honey!! Move your hands up and down"

nalukot ang mukha ko ng mahawakan ko ang zipper ng pants nya.

"susmaryosep.. Ang tigas mo este ang bastos mo" namumulang sabi ko habang kuyom ang kamao ko. Anu ba yan.. Pwede bang umisa pa??

"tsk.. You're so cute honey.. Let's go inside" sabi nito at may biglang pinindot kung saan. Namamanghang napatingin ako sa pinto ng di ko mahanap kung san sya pumindot.

The Trapped Series: Craig De AngeloWhere stories live. Discover now