Chapter 5

15.2K 200 4
                                    

Nadia's POV

Pagdating pa lang namin ay sinalubong na agad kami ng isang babaeng waitress at ginaya sa VIP room

"Serve the foods after 30 minutes" sabi ni Craig at sinenyasan ang babae na lumabas na.

Pagsara ng pinto ay hinila ako ni craig paupo sa sofa. Magkatabi kaming naupo habang nakapatong ang kamay nya sa likuran ng upuan namin.

"So where do we start?" Tanong nito habang titig na titig sakin.

Nagaalangang tumingin ako dito at yumuko.

Pano ko nga ba sisimulan? Awkward naman kasi pagusapan yung mga nangyari. Bakit ba kasi hindi sa magandang way kami nagsimula?

"Relax hon" bulong nito sa tenga ko at tinap ang kamay ko.

Tumango naman ako dito at nirelax ang kamay ko dun ko lang kasi napansin kung gano kahigpit ang hawak ko sa uniform ko na ngayon ay lukot na.

"So?"

"Ummmh.. Pano mo ako nakilala? Di ba lasing ka?" Alanganing tanong ko habang paunti unting sumusulyap sa kanya

"May CCTV ako sa buong room ko at yes lasing talaga ako nun. Nang maalimpungatan ako at makita kita akala ko isa ka lang sa mga babaeng inuuwi ko. I'm so turned on that night kaya hindi ko na napigil ang sarili ko. Nang may mangyari na nga satin dun ko napagtanto na iba ka."

"Ang sabi ko i would make it up to you pag gising mo pero nang magising ako wala ka na. Nung time na yun alam kong gulong gulo at takot na takot ka kaya ka umalis ng walang pasabi at dahil hindi naman kita kilala ay agad kong pinakuha ang CCTV sa hotel ko."

"What do you mean!!? So y-yung nangyari nacapture sa CCTV???"

" Yes, gusto mo panoorin natin?" Nakangising sabi nito habang parang natuklaw naman ako ng ahas.

Oh my! Ibig sabihin may scandal na ko???? Whaaaa!!!!!! Patay na talaga ako kay Inang at Mara.. huhuhu..

"Relax hon personal copy ko naman yun aside from me wala naman sa security team na makakakita nun. Sa labas ng room ko at sa elevator lang naman ang hawak nila pero yung nangyari sa loob sa akin lang yun"

"Sigurado ka ba?"

"100%"

Tumango ako at huminga ng malalim. Maswerte pa din ako at mabuting tao si Craig. Kung iba siguro yun ay ginamit na yun pamblackmail o kaya pinakalat na para ipagmayabang.

"Pwede bang burahin mo na yun? Hindi kasi ako kumportable sa ganun"

"Don't worry hon binura ko na yun after ko panoorin ng 4 na beses. Ayoko rin naman na mapunta yun kung kanino man lalo na't ang ganda ng performance natin dun. Atsaka masyadong malinaw kitang kita ang parte ng katawan mo na di dapat makita ng iba maliban na lang sakin" sabi nito sabay kindat, agad namang namula ang pisngi ko

4 times talaga? Ano kayang itsura ko dun?

"Alam mo hon ang cute mo magblush natuturn on tuloy ako sayo lalo nat naalala ko nanaman yung unang gabi natin"

"Yang bibig mo Craig baka may makarinig satin" saway ko dito dahil sa hiya

"Walang magtatangkang pumasok dito hon atsaka soundproof to kaya kung gusto mong maground 2 pwedeng pwede" taas kilay nitong sabi.

Hindi ako nakapagsalita kaya yumuko na lang ako. Mukhang nakaramdam naman siya na hindi na naman ako kumportable sa usapan kaya tumikhim ito.

"Okay sorry na back to the topic. Ano pang tanong mo?"

The Trapped Series: Craig De AngeloWhere stories live. Discover now