Chapter 8

13.9K 181 4
                                    




Craig's POV

Nang makatulog na si Nadia ay agad kong tinawagan ang driver ko na siyang maghahatid samin para naman makatulog ako sa byahe. Nagpadala na din ako ng konting damit at naghanda ng dadalhin ni Nadia.

Halos hindi ako huminga para hindi ito magising habang inaayos ko ang dadalhin namin. Bawat kilos nito'y naiistatwa ako sa ginagawa ko. Maliban kasi sa ayaw kong magising ito ay nais kong kahit papano ay masorpresa siya mamaya.

Nang dumating ang driver ko ay agad kong pinadala ang gamit namin sa sasakyan. Maingat ko namang binuhat si Nadia para hindi ito magising.

Nang maayos na ang lahat ay umalis na kami. saktong 1:30 am ay bumabyahe na kami tulad ng plano ko.

--

"Goodmorning hon" bati ko dito para agawin ang pansin nya. Nagising kasi ako ng humiwalay ito sa yakap ko

"Asan tayo?" Disoriented pang tanung nito habang kusot kusot ang mata. Nasa sasakyan pa din kami at bumabyahe.

"Sabi naman sayo di ba we're going to batangas." Nakangiti kong sabi na ikinakunot ng noo nya.

"Bakit di mo ko ginising wala akong susuotin tsaka tignan mo nakapajama pa ko" nakapout nitong sabi na ikinatawa ko

"I handle it already hon nasa likod ang gamit mo" tumingin naman ito sa likod kung nasaan ang mga bag bago tumingin sa labas.

"1 hour pa bago tayo makarating matulog ka muna para pagdating natin makapag gala tayo agad" sabi ko dito at muli syang hinila pasandal sakin.

Di naman ako nabigo dahil agad na pumulupot ang kamay nito sa bewang ko at muling pumikit.


Nang maramdaman kong normal na ang paghinga nito ay hinayaan ko na ding makatulog ang katawan ko.




Nadia's POV

Naligo muna kami ni Craig bago lumabas para magbreakfast.

Totoo nga ang sinabi nito na pinakialaman nya ang damitan ko para kumuha ng dadalhin ko.

Buti at puro dress ang kinuha nya dahil hindi ko maeenjoy ang pantalon dito. Though walang shorts ay madali naman na akong makakabili dito. Ang di ko lang kinaya ay ang undergarments ko na pinili nya. Buti at bagong laba ang magaganda kong bra at panty kung hindi ay baka na turn off na yun sakin.

"What's your favorite food?" Out of nowhere ay tanong nito habang kumakain kami ng breakfast.

"Sa ulam.. Crispy pata at chicken. Ang hilig namin ni Mara sa chooks to go. Nung nagaaral pa kami parang magkakapakpak na ata ako dahil bili kami ng bili nun." Natatawa kong sabi habang inaalala ang mga panahong nagkaroon ng kati kati si mara

"Pero mahilig din ako sa kahit anong gulay lalo na yung broccoli. Eh Ikaw?"

"Hmmmh.. chooks to go? i should try that. Anyways i love putchero. Actually paborito yun ni mommy nasalin na lang samin ni daddy kasi the best talaga ang putchero ni mommy. Ang sabi ni daddy yun daw ang pinaka unang natutunan lutuin ni mommy at bago nya naperfect yun ay ilang beses kumulo ang tyan ni daddy to the point na muntikan na siyang maconfine" Nakangiti nyang sagot na parang inaalala din yung luto ng mommy nya at ang expression ng daddy nya.

"Talaga? Wow grabe pala ang pinagdaanan ng daddy mo maperfect lang ng mommy mo ang putchero" natatawang sabi ko na ikinatawa nya din

"I know.. may point pa nga na nagkaphobia na siyang tikman ang putchero ni mommy pero yun naman ang dahilan kung pano na perfect ni mommy ang putchero. After kasing dalhin sa ospital si dad ay dun naman nakuha ni mommy ang lasa ng putchero"

The Trapped Series: Craig De AngeloWhere stories live. Discover now