At nasaisang park sila ngayun kung saan sila madalas ng dalaga.

"Bench, I miss you." sweet na sabi ng dalaga at bigla niya itong niyakap. Nagulat naman si Bench sa ginawa ng dalaga.

"Okay ka lang ba Lacel?" Tanong ni Bench kay Lacel, humiwalay sa pag yakap ang dalaga.

Hinawakan ng dalaga ang kamay ni Bench. "Mahal punta tayo doon oh" masayang sabi ni Lacel. Mas lalong nagulat si Bench sa sinabi niya.

"Ako na po bahala sa kanya salamat po." sabi ni bench sa mamang pulis.

Umupo silang dalawa sa bench.
"Ah Lacel ano ba ang nangyayari sayo? May ginawa ba si Paul sayo?" Tanong ni Bench.

"Paul?" Nagtatakang tanong dalaga. Malalim itong nag isip, nakatingin lang si Bench sa kanya.

"Anong iniisip mo?" Tanong ni Bech sa kanya.

Nagulat lang ito ng biglang tumayo si Lacel at nag mamadaling tumakbo pumara ng taxi at umalis na.

Sa isip ng binata, ano ba talaga ang nagyayari? Naguguluhan na ako.

--

Paul Pov

Hinanap ko na siya sa buong park pero hindi ko siya makita.

Saan kana ba Lacel nag alala na ako sayo. Baka ano na ang nangyari sayo.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Saan ka ba nag suot.

Napaisip ako secret place? Nasa secret place. Doon siya pumupunta pag may problema siya.

Tumakbo na ako papuntang sasakyan ko. Pinaandar ko na ito.

--

Paul Pov

Pag dating ko nakita ko na agad si Lacel nakaupo at tahimik na tumitingin Sa baba.

Lumapit ako sa kanya. "sabi ko na nga ba dito kita makikita eh." napatingin siya sa akin. Tumayo siya.

"Bakit ba nag iba na yung daan papunta dito? Ginabi na tuloy ako." naiinis na sabi niya at may namumuong luha sa mga mata niya.
"Alam mo na yung totoo?" At pumatak na ang luha sa mga mata niya.

"Anong totoo?" Masakit na makita na umiiyak siya na nahihirapan siya.

Ngumiti siya tapus tinuro ang ulo niya "na merong pambura sa loob ng utak ko." Napayuko siya. " Mag hiwalay na tayo." at doon doon ko na ramdaman na may tumusok sa puso ko sa mga narinig ko.

"Anong hiwalay?" Naiiyak na ako sa mga nangyayari.

"Tama nga yung sinabi mo hindi ka magiging masaya habang buhay." mas lalo na siyang umiyak. Hahawakan ko sana yung kamay niya pero pinigilan niya ako.

"Ano ba ang sinasabi mo?!" Naiinis na sabi ko sa kanya. napahilamos nalang ako.

"Wala ng mangyayari." sabi niya habang nakatingin sa malayo. tumulo na ang luha sa mga mata ko. Tumingin siya sa akin .

"sige isipin mo nga, sabihin mo ano pa ang silbi ng pagmamahal kung wala akong maalala?" Nakatingin lang ako sa mga mata niya mga mata na puno ng kalungkutan, hinawakan ko na kamay niya."wag ka ng maging mabait sa akin Paul makakalimutan ko rin yun eh." humigpit ang hawak ko sa kamay niya.

Hinawakan ko ang mag kabilang pisnge niya." Alalahanin ko para sayo, matalino ako diba?"nanginginig na sabi ko sa kanya.

"Masiyado kang kampanti pweding maging malupit ang buhay." tumawa siya.. Inalis niya yung mukha niya.

"Please baby trust me, wag tayong maghiwalay"

"Napakaiyakin mo kalalake mong tao para kang namatayan. lalayu nalang ako payagan mo na ako." Pinaharap ko siya sa akin, hinawakan ko yung magkabilang braso niya.

"Nakakainis! Anong iniiyak mo? ako ang aalala sa lahat, naiintindihan mo?! P-pag n-nakalimut ka darating ako agad, K-kagaya ngayun. L-lagi tayong magkikita, hindi mo ako matatangihan. Araw-araw tayo mag sisimula. Ang galing diba? Araw-araw Date--" hinawakan niya yung magkabilang pisnge ko. Nakatingin lang ako sa mga mata niya ganun din siya.

"Wag ka ng magpagod. Maghiwalay na tayo habang maaga pa, habang masaya pa tayo."umiling ako. Ayoko! Ayoko! Yan ang sinisigaw ng pusot isip ko. Hinalikan niya ako. matapus hinawakan niya ulit ang magkabilang pisnge ko.

"Makakalimutan ko raw ang lahat, hindi ko na maalala kung bakit mag kasama tayo. hindi na kita makikilala, makakalimutan kita, naiintindihan mo ba yun? Pagwala na ang alaala ko pati kaluluwa ko mawawala na rin. Na-natatakot ako."unting unti siyang lumuhod pero nakayakap sa tuhod ko.

Ang tahimik ng paligid ang tanging naririnig ko lang ang iyak naming dalawa.

Tinayo ko siya."hindi yun mangyayari. Ipaubaya mo yun sa akin ha? Ako ang puso mo at ang alaala, maliwanag? Tahan na." pinunasan ko yung pisnge niya. niyakap ko siya.

This time ako na ang alaala sa lahat para sa kanya. Gagawin ko ang lahat wag lang siya mawala sa akin.

---

Aray ko po! Sakit naman sa puso. Bakit ganun? Chos please vote and comment guys. Kunting push pa matatapus ko na.

Last Forever (JaDine)Where stories live. Discover now