Epilogue

1.3K 30 15
                                    

People say we shouldn't be together
We're too young to know about forever
But I say they don't know what they're talk talkin' about.

Ng makita ko yung sulat mo hindi na ako nag dalawang isip pa hanap yung Insititute na yun

Paul..

nakakpagtaka naalala ko ngayun ang lahat, ang William Univeristy yung Choco baby yung tindahan lahat, siguro ito na yung huling pagkakataon kaya gumawa ako ng sulat ngayun hangang kaya ko pa. Si Ms. Mendosa yung dahilan kung bakit tayo nag karoon ng deal. 37 pesos ang halaga ng choco baby na inagaw mo sa akin dati. Maayos ang lagay ko dito. Sa boracay ako unang nakaramdam ng something sayo noon. Nakita mo? kaya wag mo na akong alalahanin, December 25 naman lumalabas si Santa clause. Ang galing ko diba? Pwedi mo na akong kalimutan para patas na tayo sa paggawa kung pagiwan sayo. Maghanap ka na ng mamahalin mo at sana maging masaya ka. Wag kang laging nagagalit hindi ka magandang tignan pag nagagalit ka. Siguro hindi mo alam to pero isa kang mabuting boyfriend alam ko yun dahil.. Girlfriend mo ako. Dan Paul Villanueva wag mo na akong hanapin paalam..

Lacel :)

ito na ang huling institute siguro naman andito kana Lacel masiyasong pinahirapan mo naman si Moks sa pag hanap sayo.

Inayos ko yung buhok nag lagay ako ng pabango. bumaba na ako ng sasakyan ko at pumasasok na sa loob.

"Ms. Im looking for Lacel Faith Sandoval." sabi ko dun sa nurse.

"Wait lang hu sir." tapus may hinanap siya sa computer niya. "Genna paki assist si Sir kay Ms. sandoval." sabi niya doon sa isang nurse.

sumunod naman ako sa nurse.

"May mga araw na hindi siya makapag suot ng damit ng hindi tinutulungan." paliwanag ng nurse habang nag lalakad kami papuntang kwarto ni Lacel.

"Maliban doon maayos naman siya nakapag aadust." lumakas ang kabog ng dibdib ko ng nasa dulo na kami ibig sabihin noon malapit na kami.

naunang pumasok yung nurse sa isang maliit na kwarto, sumunod naman ako sakanya, ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Pinunit niya ang lahat ng litrato maliban lang sa isang yan." at nakita ko yung litrato naming dalawa noon sa boracay. "Dito tayo."

Lumabas yung nurse sa may terrace. sumunod naman ako sa kanya.

pagsilipi ko sa labas tumulo yung luha ko ng may nakita akong babae nakaupo at nakatingin sa malayo.

"Meron kang bisita." sabi ng nurse sa kanya. dahan dahan siyang tumingin sa nurse. ang haba na ng buhok niya.

"Bisita?" tanong niya. lumabas na ko para makita niya ako, dahan dahan niya akong nilingun.

nakatingin lang ako sa kanya ganun din siya sa akin, ngumiti siya sa akin, tumulo na yung luha sa mga mata ko.

Tumayo siya at nalaglag yung album na hawak niya. agad ko itong pinulot at nakita ko yung mga pictures namin ang laman ng album.

Inabot ko ito sa kanya. "Salamat" sabi niya, gustong gusto ko na siyang yakapin sa mga oras na ito pero hindi ko magawa nakapaku lang yung mga paa ko sa kinatatayuan ko at pinagmamasadan yung mukha niya.

Tumingin siya sa Nurse na parang naguguluhan.

"ahh, Hindi mo ba ako kilala?" tanong ko sa kanya.

"Sino Hu kayo?" parang may kung anong tumusok sa puso ko, pero alam ko na naman na ganito ang mangyayari kaya hinanda ko yng sarili ko para dito.

Ngumiti ako sa kanya. "Natutuwa akong makita ka.... ako si Dan Paul Villanueva"

Ngumiti siya. "Natutuwa akong makilala ka." sabi niya.

Last Forever (JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon