Chapter 33 Bench Pov

903 27 0
                                    

Chapter 33

Bench Pov

Hindi ko alam na wala na pala akong babalikan, noong umalis ako laki ng pag-asa ko na pag balik ko andyan pa siya naghihintay sa akin. hindi naman para sa akin yung pag alis ko eh.

Bakit lahat sila galit sa akin? Mali ba yung ginawa ko? Mali ba na ipaglaban siya? Mali ba na bawiin siya?

Sobrang na miss ko talaga siya kaya noong nakita ko siya kanina nilapitan ko na agad siya at niyakap kahit gulat na gulat siya.

Andito ako ngayun sa park, madalas kami dito noon tumatakas sa klase namin para lang sa date.

Flasback...

Hawak hawak ko yung kamay niya habang nag lalakad kami papuntang park.

"Hey becnhie sigurado ka bang hindi to makakarating sa parents ko? Alam mo naman yun pag nagalit." Sabi niya napapout pa. Kaya hinalikan ko ng mabilis yung lips niya."bat nanghahalik ka?" Tanong niya.

"Diba sabi ko sayo wag kang mag pout kasi natetemp akong halikan ka at hinding hindi to makakarating sa parents natin bilis doon tayo." Hintak ko siya papunta sa malaking puno.

Umupo kaming dalawa sa ilalim ng malaking puno. Nakaakbay ako sa kanya habang siya naman ay nakapatong yung ulo sa balikat ko.

"I love you Mahal" bigla nalang siya nag salita kaya napatingin ako sa kanya. nakatingin siya sa akin nakanginti din.

"I love more Mahal" hinalikan ko yung noo niya. Tumayo siya. Tinitignan ko lang siya. Kumuha siya ng matulis na bato.

"Halika Mahal bilis." Sabi niya kaya napatayo ako. Sumusulat siya sa puno. Nakita ko yung sinusulat niya.

Lacel Mahal ni Bench ❤️

Napangiti naman ako sa sinulat niya.tumingin siya sa akin.

"No one could break us right?" Sumandal siya sa puno. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisnge niya.

"No one"sabi ko sa kanya.

"Promise?"

"Promise" sagot ko.

--

Pumunta ako sa puno na madalas kaming tumambay na dalawa. Tiningnan ko kung andun pa ba yung sinulat niya. Napangiti naman ako noong nakita ko. Mawawala lang ito pag pinutol nila yung puno.

Umupo ako sa ilalim ng puno. Naisip ko lang ayaw niya parin bang kinukurot yung ilong niya?

Flashback..

Andito kami ngayun sa Dance studio niya sa bahay nila. Pareho kaming mahilig sumayaw.

Practice kasi siya ngayun kasi may competition siya next week. Andito lang ako para tulongan siya sa ibang step. Nakangiti lang akong makita siyang sumasayaw. Sasayawin niya yung I should have kiss you na sayaw ni Chachi Gonzales.

Tumigil na siya sa pag sasayaw at lumapit sa akin. "Ano nakuha ko na ba yung steps?" Tanong niya.

"Ang galing mo talagang sumayaw Mahal, pa kiss nga" kiss ko sana siya kasu lumayo siya.

"Sabi ko nakuha ko na ba yung steps? Si Chachi na ba ako?" Natatawang tanong niya.

"Kuhang kuha na siguradong ikaw yung mananalo Mahal." lumapit ako sa kanya at pinunasan yung pawis niya.

"Sayaw tayo ng Fall please???" Sabi niya sa akin.

"Okay sige na nga." Sumayaw kaming dalawa ng fall nina Ian eastwood at Chachi Gonzalez. Ng matapus na yung sayaw hinila ko siya at kinurot yung ilong niya.

"Aaaah! Ano ba! Bench naman eh!" Kumunot yung noo niya at lumayo siya sa akin. Lumapit ako sa kanya at kinurot uli yung ilong niya. Tawa lang ako ng tawa.

"Isa! Naiinis na ako! Bench!" Saway niya sa akin, tumigil na ako. Niyakap ko siya mula sa likod.

"Sorry na Mahal, alam mo naman na gustong gusto kung makita yung mukha mo kapag naiinis eh," sabi ko habang inaamoy amoy ko yung leeg niya. kahit basa na siya ng pawis ang bango niya parin.

"Heh! Ano ba! tigilan mo nga yan amoy pawis ako, tara kain na tayo gutom na ako." sabi niya at inalis yung kamay kong nakapulupot sa bewang niya.

Na una siyang nag lakad. Ako naka tayo parin kung saan niya ako iniwan. Ng malapit na siya sa pinto. Tinawag ko siya.

Napatigil siya at tumingin sa akin." Bakit? Hali kana kaya." sabi niya.

Ngumiti lang ako at dahan dahan akong lumapit sa kanya. "Mahal, Mahal na Mahal kita." Sabi ko medyo malapit na ako sa kanya.

"At Mahal na Mahal din kita" sagot niya.

"Talaga? Sige nga kiss mo muna ako." malapad akong nakangiti sa kanya at taas baa pa yung kilay ko.

Hinila niya ako palabas. "Mamaya na! " Napakamot nalang ako ng batok ko siya naman ay tawa ng tawa.

--

Ganun kami ka sweet na dalawa, parati kaming mag kasama at umiikot lang yung mundo namin sa isat isa. Ng dahil lang sa pag alis ko nawala lahat ng yun.

Nakaupo parin ako dito sa park. Hindi ko rin naman kinaya noon umalis ako. masakit rin para sa akin na iwanan siya ng ganun na lang. Ang sakit na makita yung mga ngiti niya araw araw na alam mo na isang araw iiwan mo siya.

Hirap na hirap rin ako noong umalis ako kaya mas nahihirapan akong malaman na meron na siyang iba.napalilamos nalang ako sa inis sa sarili ko.

Pero hindi ako titigil kung hindi siya mismo yung mag sabi na hindi niya na ako kailangan na hindi niya na ako mahal.

Tumayo na ako at bumalik sa sasakyan ko. Uuwi na muna ako. Hindi ko pa alam kung anong gagawin ko para bumalik sa akin si Lacel.

Sumakay na ako ng sasakyan ko at pinaandar na agad to. Pinaandar ko rin yung Radio ko. Biglang tumugtug yung Heart Attack ng One Direction.

Super fan parin ba siya ng One Direction? Umiiyak pa rin ba siya pag napapanood yung 1D? Ang dami na bang nag bago sa kanya? O ganun parin siya?

Namimiss ko na yung mga ngiti niya, yung tawa at sigaw niya. yung pangungurot niya sa braso ko pag naiinis siya o kinikilig siya.

Naalala ko tuloy noong araw na sinagot niya ako.

Flashback...

Nandito ako ngayun sa Field at pinapalibutan ng mga student ng school namin first year high school ako at nakaluhod ako sa babaeng pinakamamahal ko.

"Lacel Faith Sandoval Can you be my Girlfriend? Sigaw ko sa kanya. Ilang buwan na rin akong nanliligaw sa kanya. Tinakpan niya lang yung bibig niya. Nakaluhod lang ako hawak yung isang bouquet ng pink roses.

"Yes" sagot niya kaya napatayo ako at niyakap siya ng mahigpit.

"Oyyy Bench nahihiya ako, tara na please"nahihiyang sabi niya.

"Wait lang." Sabi ko humiwalay ako ng yakap sa kanya.

"Yess! Girlfriend ko na si Lacel kaya sa mga lalaki diyan wag na kayong mag tangka pang makipag flirt sa girlfriend ko kasi akin lang siya AKIN LANG!" Sigaw ko sa maraming student ng school.

"Oyy! Tara na " kinurot niya ako sa braso. Kaya napatawa nalang ako. Hinila ko na siya. tumakbo na kaming umalis sa field.

--

Ayokong lahat ng yun ay magiging alaala nalang, gusto kung dagdagan pa yung mga alala na yun kasama siya.

Kung nakaya kung lahat ng hirap para makuha yung matamis niyang oo ngayun gagawin ko rin kahit anong hirap at sakit pa bumalik lang siya sa akin.

----

What can you say sa Bencel? Photo pala nilang dalawa nasa side --->

Please vote my story 😁

Last Forever (JaDine)Where stories live. Discover now