Chapter 38 Birthday

839 26 1
                                    

Chapter 38
Birthday

Papunta na ako ng sasakyan ko ng may naisip ako, hala saan ba ako pupunta? Bakit ganito suot ko? Aish! Nakalimutan ko saan ako pupunta. bumalik na lang ako pasok sa bahay, umakyat papuntang kwarto. hayyy! Anong araw ba ngayun? Nilagay ko yung pouch ko sa table at inalis yung heels ko. Hindi muna ako nag bihis tinatamad ako eh. Humiga ako sa kama ko may naramdaman ako sa tabi ko.

ARF! ARF!

"Cholo Baby Whyy?" Binuhat ko siya nilagay sa tiyan ko. Inaantok ako.

Pipikit sana yung mga mata ko kasi biglang nag ring yung phone ko. Nakita ko yung case ko, ang cute talaga.

RING!RING!RING

ayy sorry! May tumatawag pala. Sinagot ko na.

"Hello?"

"Hello Lacel? Asan kana ba? anong oras na oy." tarantang sigaw ni Kyla sa kabilang linya. Nakalunok naman po siya ng Microphone.

"Bakit? Sa bahay ako, anong meron?" Tanong ko, nilalaro ko si Cholo.

"Aish! Bobo! birthday ng boyfriend mo ngayun at kanina pa to nag wawala na sunduin ka baka kasi anong nangyari sayo." ah shit! Napatyo ako sa narinig ko nahulog tuloy si Cholo. Sorry baby.

"Ah ano papunta na ako may nakalimutan lang ako andiyan na bye." binaba ko na agad, at nag madali akong sinuot yung heels ko, kinuha bag ko sa table.Patakbong baba at nag madaling pumasok sa kotse. Aish! Sa lahat ba naman ng makakalimutan ko eh yung birthday pa ng boyfriend ko.

Binilisan ko yung pag mamaneho ko, masiyado na ata akong nagiging makalimutin. Nakarating agad ako sa bahay ni Moks at sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap.

"Akala ko kung anong na ang nangyari sayo." Pag alala niya yung tono ng boses niya.

"Sorry kung nag-alala ka, nakalimutan ko yung gift ko eh, binalikan ko pa sorry, kanina pa ba nag start?" Tanong ko sa kanya. Aish! Sinungaling kapa ngayun Lacel! Aish!

"Hindi pa nag sisimula, ayaw niya kasing mag simula kung wala kapa kaya tara na kanina pa naiinip yung mga bisita." walk out na si Kyla matapus niyang paliwanag yun. tumingin ako kay Paul at ngumiti pero merong lungkot yung ngiti niya. naguiguilty ako.

"I'm very sorry to disappoint you Paul, I'm very very sorry." anytime pwedi ng pumatak yung luha ko. hinawakan niya yung magkabilang pisnge ko.

"No, wala kang kasalanan, ang importante your here baby, at walang nangyaring masama sayo okay? tara na si Kyla lang naman yung naiinip eh." tumango ako at ngumiti na pumasok na kami sa loob ng bahay nila.

Pag pasok ko namin naka tingin lahat ng bisita sa amin, nahihiya tuloy ako, ang sosyal pa naman ng party niya blue and black yung color motif niya.

"Okay, all set we will start the party." masayang sabi ng MC kaya napatingin na sila sa stage.

Hawak hawak lang ako sa bewang ni Paul at masayang umakyat ng stage kasama ako. kiniss ko yung Mommy niya at daddy niya. nandito pala sila sa stage lahat ng pamilya ni Moks.

"To start we will sing a happy birthday to the celebrant." hindi parin ako binibitawan ni Moks. Ngayun hawak hawak niya na kamay ko at pinaglalaruan niya ito.

Nagpatuloy lang yung party, bumaba na ako ng stage pumunta sa table nina Kyla. nagugutom na kasi ako, habang si Moks naman busy sa pakikipag usap sa mga bisita niya.

"Friend dumadalas na ata yang pagkakalimutin mo, mag pa check kana kaya." bulong ni Kyla sa akin.

"Ayoko nga baka bigyan ng taning yung buhay ko." birong sagot ko sa kanya. Tumingin siya ng masama sa akin.

Last Forever (JaDine)Where stories live. Discover now