Kabanata 15

9.7K 316 26
                                    

Kabanata 15

I couldn't believe this.

Huminga ako nang malalim habang pinagmamasdan ang tanawin sa labas ng sasakyan ni Castriel. Sa huli, wala rin akong nagawa kundi ang pumayag sa gusto ng Donya.

Ang hindi ko lang talaga kinakaya ay ang katahimikan at tensyon na namamagitan sa amin ni Castriel.

Hindi ko pa rin maintindihan ang ugaling ipinapakita niya sa akin. Yes, we had some unfinished business pero hindi ko mahanap ang pinupunto ng galit niya.

Obviously, alam niya na ngayon na alam ko na nagsinungaling siya tungkol sa estado ng buhay niya. In that sense, hindi ba dapat ay humingi na siya agad ng tawad?

Kahit may kinalaman ang kasinungalingan niya sa ginawa sa akin ni Helene, that's out of his control.

I'm sure until now he doesn't know anything about it still at wala na rin rason para ungkatin pa 'yon. What I'm saying is this, he should at least act civil and stop that attitude.

"Why are you so mad at me? Hindi ba dapat ako ang magalit because you lied to me?"

Tangina.

Napapikit ako ng mariin dahil hindi ko nanaman napigilan ang bibig ko. Huminga ako ng malalim bago ako naglakas ng loob na lingunin siya.

His jaw is clenched already. His eyes were cold and hard. Itinigil niya ang sasakyan bago ako marahas nilingon.

"We'll talk later, it looks like someone is waiting for you."

Nalaglag ang panga ko habang pinagmamasdan ang mabilis niyang paglabas ng sasakyan. Sinundan ko siya ng tingin at nakita ko na mabilis siyang sinalubong ng ilang tauhan sa site.

Napailing ako.

You got to be fucking kidding me!

Isang katok ang narinig ko sa aking gilid.

Engineer Juarez flashed his signature smile. Siya na mismo ang nagbukas ng pintuan ng kotse.

"Ms. Ignacio, good morning!" bati niya paglabas ko.

Tumango ako.

Hindi ako makangiti, anong ibig sabihin ni Castriel?

Sinabayan ako ni Engineer sa paglalakad papunta sa tent, ang kaso ay malayo palang ay nakita ko na ang masayang pagsalubong ni Architect Lopez kay Castriel doon.

Umirap ako at nag iwas ng tingin. Umiinit ang ulo ko, ayoko muna pumunta doon.

Nilingon ko si Engineer.

"Bad morning?" he smirked while offering me a hard hat.

Umiling lang ako at tinanggap iyon. Tutal ay nandito na naman ako, might as well distract myself para naman mapahinga ako sa kaiisip sa isang 'yon.

"Any updates?" I asked while looking at the construction site.

"So far so good, Ms. Ignacio. We're still ahead of the deadline," mayabang niyang sagot.

Tumango ako. Dapat lang dahil gusto ko na umuwi.

"Is it possible to make it faster?" tanong ko.

Natawa siya at agad umiling.

"We don't have to do that because like I said, we are ahead of our timeline. Though construction delays can strike at any time, you don't have to worry because I always anticipate potential obstacles so that I can prepare my team," paliwanag niya.

He sounds so arrogant, pasalamat siya magaling siya at hindi pa siya pumapalpak.

"Are you single?" Curious kong tanong.

Elusive Love [ Costa Del Sol Series #1 ]Where stories live. Discover now