Kabanata 9

8.1K 260 30
                                    

Kabanata 9

Sa loob ng halos dalawang taon na kilala ko si Castriel, he never did something unpredictable like this. Iyon marahil ang dahilan kung bakit kabado ako at hindi mapakali.

Rael is already driving when I glanced at him to ask where are we heading. Nanatili ang iritasyon sa kanyang mukha, kung para kanino ay hindi ko alam.

I just really hope na hindi para kay Castriel iyon o sa akin dahil kung ganon nga, baka madamay pa ang Mama niya sa kalokohang ito!

I sighed heavily dahilan para mapansin niya ako. Nahihiya akong ngumiti. This is so awkward, yari talaga sa akin ang Castriel na 'yon.

"Uhm...Saan tayo pupunta?" I asked.

Nakita ko ang mabilis na pagbabago ng itsura niya. He sighed bago tuluyang nawala ang iritasyon.

"Secret..." he smirked.

Iniliko niya ang sasakyan at agad ko natanaw ang malaking gate hindi kalayuan. It looks like we're entering a high-end subdivision.

Hindi na kinakailangan buksan ni Rael ang bintana para papasukin kami ng guard dahil mabilis sumaludo ito nang mapansin niya ang paparating na sasakyan.

"Don't worry, you're safe here. My cou-" tumigil siya at huminto sa pagsasalita. Kinagat niya ng pang ibabang labi bago nagpatuloy.

"He's waiting for you," dagdag niya.

Hindi na ako masyadong nag - isip. Nga lang ay lalong nadadagdagan ang kaba ko sa bawat bahay na nadadaanan namin.

This is really a high end subdivision, kitang kita iyon dahil sumisigaw ng karangyaan ang bawat mansion na nadadaanan namin.

Tumigil ang sasakyan sa isang malaking itim na gate. Sa gilid nito ay may dalawang security guard na nakabantay. Binuksan ni Rael ang bintana at agad lumapit sa amin ang isa.

"Ser!" sumaludo ito.

Tumango si Rael.

"He's expecting us," aniya sa guard.

What?

Bahagya akong sinipat ni Kuya dahilan kung bakit agad akong nailang. Nagmadali naman siyang bumalik sa pwesto pagkatapos.

Sinarado na ulit ni Rael ang bintana at nakita ko kung paanong tumawag si Kuya guard sa phone na nakadikit sa gilid ng gate. Ilang saglit lang ay tuluyang bumukas ang automatic na gate.

Nanlaki ang mata ko sa pagkamangha sa nasaksihan. Sobrang yaman siguro talaga nila Rael para sa ganito katinding sekyuridad.

I wonder kung pareho lang kami ni Castriel ng reaksyon noong una niya itong nakita. Ngayon palang ay excited na akong makita ang mansion ng mga Contreras.

I can't believe he's friends with someone like him. Because honestly, kung hindi siya itinuturing na kaibigan ni Rael ay malamang hinding hindi ito papayag sa ganito, given his lifestyle. He must be really kind and a good friend to Castriel.

"Why are you so silent? Balita ko ay madaldal ka ah!" Rael chuckled.

Nawala ang mga iniisip ko nang biglang magsalita si Rael. Kumunot ang noo ko pero at the same time ay hindi ko napigilan ang ngiti.

Elusive Love [ Costa Del Sol Series #1 ]Where stories live. Discover now