LAST

112 9 12
                                    

This is Nathan's Diary

________________

October 21, 2009

Dear Diary,

           Hello! Di ko alam kung paano ko to gagawin hehe. 1st time kong magsulat sa Dairy ko.. Nakita ko lang si Sepsep na ginagawa niya to. Ang sabi niya sa akin, masaya daw kaya dapat gawin ko din. Kaya heto ako ngayon Diary. Mula ngayon, ikaw na ang magiging bestfriend ko! Syempre iba kay Sepsep. Bestfriend ko yun eh! Iba ka. Kasi ikaw, sasabihan ko ng secrets. Siya, hindi. Di siya mapagkakatiwalaan eh. Ang daldal niya kasi nakakainis lang

Binugbog nanaman ako ni Tatay mgayon. Nakita niya kasi na palihim kong kinakain yung pang gabihan namin na sardinas. Nagugutom na kasi ako Diary eh. Di ako kumain nung umaga. Tapos konti lang kinain namin kaninang tanghali. Nagugutom na ako. Kaya kukuha lang sana ako ng kahit na idang piraso sa sardinas. Pero nakita ako ni tatay kaya binugbog ako

Iyak ako ng iyak. Ang sakit ng suntok sa akin ni Tatay. Nandito ako ngayon kina Sepsep. Ginamot ng mama ni sepsep ang sugat ko. Pinakain din nila ako. Buti pa dito, pinapakain ako. Pero sa amin hindi diary eh

March 12, 2010

Dear Diary

            Ngayon may lumipat sa katabing bahay namin diary. Nakita ko na ang dami nilang gamit may TV pa sila! Nakakainggit naman. Kasi kina sepsep labg ako nakikinood ng TV eh. Pero sila meron din. Pwede kaya akong makinood sa kanila?

May babae Diary. Kasing age ko lang siya. Siguro 10 din siya. Kaka 10 ko lang nung February eh. 10 kaya siya? O baka 9? Diary ang ganda nga niya eh. Ang taba ng pisngi niya diary parang may kinain siyang marshmallow. Makikipag friends ako sa kanya

Pwede naman aking makipag kaibigan diba? Atlis mas malapit ang panonoodan ko ng TV. Ang layo kasi ng bahay nina Sepsep eh.

Sige Diary anjan na si Tatay. Lasing nanaman siya 😞 kawawa nanaman si Mama nito

July 30, 2012

Dear Diary

          Kahit kailan talaga epal tong si Sepsep Diary. Nakakainis eh! Kinain lang naman niya yung cupcake na gawa ko para sana kay Tammy. Pinaghatian pa nilang dalawa ni Yenyen. Sa inis ko, di ko sila pinansin!

Si Tammy naman okay lang daw yun. Atleast natikman daw niya. Tsk nakakainis parin! Ginawa ko yun para sa kanya tapos iba ang kakain? Masyado kasing mabait si Tammy eh. Ang ganda ganda talaga niya.

Nga pala Diary crush ako ni Tammy! Hahahha. Noon pa naman eh. Crush ko din naman siya eh. Basta kami ang magpapakasal sa hinaharap. Bubugbogin ko ang susuway at pipigil sa amin.

Pero naiinis parin ako kina Sepsep. Kung di lang talaga ako pinilit kanina ni Tammy na kausapin sila, baka di ko na talaga sila kausapin

January 22, 2013

Dear Diary,

            Nakita kong binubugbog nanaman si Tammy ng Papa niya. Naawa ako sa kanya Diary. Ang sama sama ng papa niya. Bakit kailangan niyang gawin iyon? Di man lang siya naawa sa anak niya? Babae pa naman siya

Kahapon naabutan ko siyang umiiyak sa park. Punong puno siya ng pasa Diary. Kaya nang makita ko kanina na binubugbog siya, tinulak ko yung papa niya. Kaya tuloy, ako ang nabugbog.

Okay lang.. Di naman ito ang unang beses na pinagtanggol ko siya sa papa niya eh. Talagang masamang tao lang ang papa niya tsk!

Ginamot ni tammy ang sugat at pasa ko. Ang sabi ko, okay lang ako pero pinilit niya ako na gagamitin daw niya ang sugat ko

Du har nått slutet av publicerade delar.

⏰ Senast uppdaterad: Dec 10, 2019 ⏰

Lägg till den här berättelsen i ditt bibliotek för att få aviseringar om nya delar!

Because I Love YouDär berättelser lever. Upptäck nu