Chapter 34: Training

16 7 0
                                    

Third Person's P.O.V

Krystalia keeps on sighing over what she is watching right now. She doesn't know what to feel, just by looking at Bea who is trying hard on karate with Carl Andrei Dallas.

"Aww!" Bea exclaimed at napaupo sa sahig.

"20 down" anunsyo ng nasa tabi ni Krystalia na si Lamperouge at tatawa tawa pa ito. Napasinghap nalang si Krystalia sa narinig. Tama naman si Lamperouge, it's already 20 times na napapaupo si Bea. Meaning, natatalo siya.

They are now training her on karate which is pinakamadali na sa kanila dahil katawan lang ang kinakailangan. "Krystalia, pagod na si Bea" nakangusong wika ni Shanella na nakanguso pa at tila naaawa sa kaibigan.

Tinignan ni Krystalia si Bea na hirap ng tumayo. Even Carl Andrei Dallas isn't calm. Iniisip pa rin nito na kapatid ni Ezekiel ang kalaban niya kaya mahihina lang ang mga ginagawa niya kay Bea pero parang sobrang bigat na nito para kay Bea.

"She needs to learn. Kung ititigil natin 'yan dahil lang pagod siya, time will be wasted. She won't learn at all" wika ni Krystalia at tinignan ng matiim si Bea na kakaayos lang ng tayo.

"Give all your strenght Bea. Hindi ka papapasa dito sa ginagawa mo. You'll be Anne Tuazon, you must portray it well" seryosong sabi naman ni Maxwell na blanko ang itsura. Kahit siya ay nag aalala na para kay Bea pero dahil ginusto naman iyon ni Bea, they need to teach her everything.

Tila natauhan naman si Bea doon. She sighed heavily. "Para kay kuya" bulong niya sa hangin at huminga ng malalim. Pagkatapos ay pumuwesto sya ng maayos at ilang minuto pa lang ay napatumba niya s aunang pagkakataon si Carl Andrei Dallas na siyang blackbelter sa karate.

Ang mga makaupo sa loob ng training ground ay napatayo at natigilan naman sila Krystalia pati na si Shanella. Si Lamperouge na kaninang tatawa tawa ay napanganga. Natinag lang sila nang may pumalakpak. It's Maxwell. Wala silang nagawa kundi ang pumalakpak din. Pagitan lang iyon ng ilang minuto kaya't nakakamangha na napatumba ni Bea si Andrei at nakaibabaw pa ito sakaniya, patunay na si Andrei ang talo.

"Good job. Let's continue tomorrow" wika ni Maxwell.

Napanganga nsman si Bea sa gulat at tumayo agad. "Ha? e kakapanalo ko lang eh! Huhu" nagpigil ng tawa ang mga nanonood sakanila, lalo na si Lamperouge dahil sa sinabing iyon ni Bea. "Diba dapat magcollapse muna siya bago kami matapos?" inosenteng wika pa ni Bea na dahilan para matawa na ng tuluyan ang mga nanonood habang si Andrei naman na kakatayo lang ay napanganga sa tinuran ni Bea.

"That's already okay Bea. Marami pang oras" seryosong sagot ni Maxwell.

"Pero... gusto ko pa" ngusong wika ni Bea at tumingin sa gawin nila Krystalia at Shanella. Nginitian lang siya ni Shanella habang si Krystalia naman ay napailing.

"You'll have it again tomorrow Bea. You don't have to rush things. Bukas, si Lamperouge naman ang kalaban mo" wika ni Krystalia at nginitian si Bea. Nanlaki ang mata nito at natuwa sa narinig habang si Lamperouge naman ay halata ang disgusto sa mukha. Bukod kasi sa ayaw niyang saktan ang kapatid ng commander nila ay natakot din siya sa sinabi ni Bea kanina na kailangan magcollapse muna bgao matapos ang laban.

"HAHAHAHA ayos 'yan Bea! Kahit mamatay 'yang si Lamperouge ayos lang! HAHAHAHAHAH"

Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Boulstridge habang si Lamperouge ay galit na tinignan si Boul at binato ito ng plastic bottle na kanina niya pang hawak. "Aray! Pikon ka Lampe!" gitil na sabi ni Boul nang matamaan siya sa noo. Lalong nagtawanan ang lahat at si Bea ang pinakamalakas tumawa.

I'm on A Gangster World [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon