Chapter 25: The day before tomorrow

27 8 0
                                    


Cindy Aleah Forester's P.O.V

Ilang araw na ang nakalipas after that conversation with him. Hindi ko siya pinapansin o kinakausap man lang. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap ang mga gusto niyang mangyari. He's decided and no one could stop him. Kailangan ko na labg siguro tanggapin 'yon kahit ayaw ko?

I still don't want to support him. Ayoko din i-open up yung about d'on kahit pa kay Maxwell kahit pa nagkakausap naman kami. Even Sandra and Shanella, they want to know what happened.

"Krystalia, ayos ka lang ba talaga?" makailang ulit ng tinanong ito saakin ni Shanella at ngayon tinatanong na naman niya ulit. Binigyan ko siya ng bagot na bagot na tingin.

She pouted after she saw my reaction. "I'm just you know, curious and worried" aniya at nag-pout ulit.

"You're always curious Shanella, tigilan mo na nga 'yan" tugon ko sakaniya kaya lalo siyang napanguso. "I'm hungry, tara na" yaya ko sakaniya. Sabay kaming lumabas ng kwarto ko dito pa rin sa Secret Place at dumiretso sa dining area kung nasaan ang mga kasama namin.

Kami na lang din pala ang hinihintay. Umupo na ako sa upuan na katabi ng kay Maxwell, sa kaliwa ko naman ay si Shanella. Gusto kong maubo nang mapansin ko kung sino ang nasa harap ko.

He's seriously looking at me and I hate it. "Let's eat!" bigla ay sigaw ni Sandra na katabi lang ng kaharap ko. Yes, it was Ezekiel sitting in front of me.

Hudyat na 'yon para magsimula kaming kumain. We're having our lunch silently. Hindi na nakakapagtaka kung bakit hindi sila gaanong maingay dahil may napapansin na sila. Alam kong napapansin na nila na hindi kami ayos ni Ezekiel.

"Here, try this" napatingin ako sa katabi ko. He's handing a plate na may kung ano doon. May hipon at iba pang seafood pero may sabaw. I don't know what is that.

"It's sweet grilled seafoods" ani Maxwell at nginitian ako.

Tumango ako at kumuha doon at nilagay sa plate ko, ngumiti ako sakaniya at tinikman yung bigay niya.  Nagpatuloy kami sa pagkain, ako din ang unang natapos kaya ako na ang unang tumayo para magpaalam.

"Krystalia" natigilan ako sa seryosong tawag na iyon. Lalong natahimik ang buong dining area sa pagsasalita niya.

Kahit naiilang ako at medyo kinakabahan ay humarap ako sakaniya na may bagot na tingin. "Magpapahangin ako. Anything to say?" seryosong tanong ko at bumuntong-hininga.

Seryoso lang siyang nakatitig saakin, hindi ko alam kung bakit hindi ko pa magawang tumalikod at iwan sila.
"We need to talk" seryosong aniya habang nakatitig sa mata ko. I felt a bit nervous about that pero tinanguan ko na lang at tuluyan silang iniwan. Umupo ako sa mahabang bench na nasa labas ng secret place at ninamnam ang sariwang hangin.

Ilang oras ang lumipas ay naramdaman ko na may nasa likod ko. I don't need to ask kung sino 'yon. Hinintay ko lang siyang makaupo sa tabi ko. Nanatili akong tahimik at nakatingin sa kawalan.
"Krystalia" aniya tsaka siya tumikhin.

Hindi ako sumagot, hinayaan ko lang siya at hinintay siyang magsalita ulit. Narinig ko ang pagtikhim niya bago siya nagsalita.
"I'm sorry" halos matulala ako sa sinabi niya. His words were sincere, I can feel it.

"Damn it, I just really need to do this" aniya pa pero hindi ko siya tinignan. Baka maiyak na lang ako kapag binalingan ko siya ng tingin. "Forgive me Krystalia, I won't ask for full support but please forgive me okay?" doon na ako napatibgin sakaniya. Napalunok ako nang makita ko ang malungkot na mga mata niya.

He sighed heavily at nagsalita ulit. "I can't stand, you not talking to me" seryosong sabi niya kaya lalo akong napalunok. Nabigla ako nang hilahin niya ang kamay ko at sinalubong niya ako ng yakap. Yung yakap na pang-kapatid. Yung yakap na lagi niyang binibigay sa'kin. Nangilid ang luha ko.

I'm on A Gangster World [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon