"Oh bakit? May problema ba?" Tanong niya sa mga ito dahil iba ang tingin sakanya.

"Princess. Bakit hindi mo sinabi ang problema mo sakin? Bakit sinarili mo?" Kumunot ang noo ni Chelsy at tumingin sa heiresses. Iniisip niya na baka sinabi nito ang problema niya.

Ngumiti nalang si Chelsy at umupo sa sofa.

"Ayaw ko kasing pagusapan eh."She said.

"Pero mahal mo si James?" Kevin asked.

"Mahal na mahal ko siya. Pero masakit ang ginawa niya, at may pananagutan siya kay  Julia."

"Chels, bakit si Julia iniisip mo kaysa sa sarili mo?" Cassie said.

"Hindi niyo naiintindihan." Mahinang sabi niya.

"Ipaliwanag mo samin, para maintindihan namin. Hindi ito ang oras para maglihim ka pa dahil alam na namin ang lahat. Now tell us, everything." Cassie said.

Wala ng nagawa pa si Chelsy pinaliwanag niya ang lahat lahat. Lahat ng sinabi ni Julia.

"Sinabi din niya na gugustuhin nalang niyang magpakamatay pag nawala si James. Because James took her." She was referring about the virginity.

"Haist!! Ang baliw niya, ang baliw niya. Bakit ka naniwala sakanya? Akala ko matalino ka eh." Nagulat si Chelsy kay Cassie na parang kulang nalang sabunutan siya nito.

"Ano bang sinasabi mo? May nangyari sakanila. I heard and I saw Julia na lumabas sa kwarto ni James. Paano siya makakapasok dun kung hindi siya pinapasok!? and James told me that he wasn't drunk that night. So, ibig sabihin alam niya na nandun si Julia. Mas matatanggap ko pa kung sinabi niyang lasing siya eh. Pero hindi."Mahaba niyang sabi at napasandal siya sa sofa.

"Walang alam si James,  hindi niya alam na nagpunta si Julia. Nakatulog siya Chels, Nahilo daw siya nun kahit konti lang ininom niya."Vince said.

"Tss... Paano nakapasok si Julia sa kwarto niya? Kung hindi niya pinapasok." Naiiling na sabi ni Chelsy.

"Walang alam si James Chels. Nalaman lang din ni James kanina lang ang mga nangyari. Dahil dito." Cassie said. Sabay angat sa phone ni James.

"Ano yan?" Kunot noong tanong ni Chelsy.  Pinarinig nila kay Chelsy ang call recorded.

"Hindi kayo ang nagsabi?" Tanong ni Chelsy sa tatlo. Umiling iling ang tatlo.

"Ito pa Chels, panoorin mo." Hinarap nito ang laptop kay Chelsy. Nakita niya ang lahat.

"See! Nawala ang susi ni James kaya ang nagbukas ang hotel housekeeper. Tsaka naman pumasok si Julia." Napahawak si Chelsy sa bibig niya.

"Hindi natin alam ang totoong nangyari, dahil si Julia ang nakakaalam." Celline said. Tumayo si Chelsy.

"Saan ka pupunta?" Cassie asked

"Pupuntahan ko si Julia." Lumabas si Chelsy at sumunod naman ang lahat sakanya.

4 cabins ang pagitan ng cabin nila. Narating naman agad nila ang cabin. Kumatok siya pinto. Si Grace ang nagbukas ng pinto.

"Grace nandiyan si Julia?" Lumingon si Grace sa loob.

"Julia! Chelsy's here." Tumayo naman si Julia at pumunta sa may pinto.

"What brings you here?" Julia asked.

"You know why I'm here." Chelsy said. Lumabas si Julia ng cabin.

I'm in Love With You Heart Breaker [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon