CHAPTER 73

89.6K 1.9K 57
                                    

Nagising si Chelsy at mukha ni James ang nakita niya pagkadilat na pagkadilat ng mata niya. Magkayap parin sila, pinakatitigan ni Chelsy ang mukha ni James.

Hinaplos niya ang mukha ni nito, ang kilay, ang pisngi, ang ilong, ang mga labi. She traces his face na parang kinakabisado ang bawat parte ng mukha nito.

I'll miss you James!  It's over. -May pumatak na namang luha sa mata niya. Gumalaw si James,  kaya dali dali niyang pinunas ang luha niya at bumangon.

Nagising at bumangon na rin si James at umupo.

"Good morning." Hinawakan ni James ang kamay niya.

"Hindi ko alam kung magiging masaya ako na nagising ako ngayon na ikaw ang kasama ko. Pero hindi eh, ito na ba talaga ang huli? I was praying that we'll end up together. Mangyayari pa kaya yun?" Ramdam ni Chelsy ang lungkot sa tinig nito.

"James please!"

"Okay, sorry." James said. Tumingin si Chelsy sa wall clock.

"9o'clock na James, may pasok pa. Sige na." She said at binawi ang kamay niya pagkakahawak ni James.

"Pagamit muna ng bathroom. May extra toothbrush ka?" Walang ka sigla siglang tanong nito.

"Yeah, sa bathroom cabinet." Tumayo si James at pumasok sa bathroom. Washing his face, kumuha ng toothbrush at nag toothbrush. Humarap sa salamin at pinagmasdan ang sarili.

Hindi parin ako susuko, hindi ako titigil hanggat hindi mo ako napapatawad. Alam ko mahal mo parin ako, galit ka lang, hahayaan muna kita ngayon. Pero hinding hindi ako susuko. - lumabas muli si James.

"Sige na James,  una ka ng lumabas." Chelsy said at pumasok rin sa bathroom. Naghilamos at nag toothbrush lang siya. At muling lumabas.

Pero nagulat siya ng bigla siyang yakapin si James, akala niya lumabas na ito.

"James sabi ko lumabas ka na eh."

"Saglit lang please,  please!" He said while hugging her tightly. Yumakap nalang din siya dito. They're hugging each other for a moment.

He pulled away at pinakatitigan siya nito. Bigla siyang hinalikan ni James. Nagulat siya sa ginawa nito.

Pero napapikit nalang siya at tinugon ang halik nito. She couldn't help but to be affected.  May pumatak na luha sa mga mata niya habang humahalik dito.

Gusto niyang tumanggi pero ayaw ng puso at katawan niya. They're kissing for a moment hanggang siya na ang kumalas. Dinikit ni James ang noo niya sa noo ni Chelsy.

"Babe, hindi ko kayang mawala ka pa. Please! wag mo naman gawin sakin to." Sabi niya habang nakadikit ang mga noo nila.

"James please! Wag mo na akong pahirapan pa."

"I love you, I love you, I love you so much." Kumalas na si Chelsy sa pagkakahawak sakanya ni James.

"Labas na James, sige na labas na." Pinagtulakan na ito ni Chelsy palabas ng kwarto.

Wala ng nagawa si James kung di ang lumabas. Bumaba siya ng hagdan na nanglulumo.

"Dude! Nandito ka? Okay na ba kayo? Nagkaayos na kayo? Ang aga mo naman dito." Sunod sunod na tanong ni Kevin. Nasa dining ito at nag b'breakfast

Umupo si James sa dining na nanglulumo.

"Tsk. Sa itsura mo mukhang wala parin." Kevin said.

"Hayaan ko na muna siya, yun ang gusto niya." James said.

"Sumusuko ka na?" Vince asked

I'm in Love With You Heart Breaker [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon