CHAPTER 66

80K 1.7K 136
                                    

Nagising si James at kinuha ang cellphone na nasa side table.

" 1 am na." Anas niya habang nakahiga, binitawan niya ang cellphone sa kama.

Tumayo siya, at pumunta ng bathroom, hindi nagtagal lumabas din uli at umupo muli sa kama.

"Bakit wala si Chelsy? Sabi ko dito siya matulog eh, bakit ba ako nakatulog agad? Konti lang naman ang nainom ko." Tumayo siya sa bed at lumabas ng kwarto.

Pumunta siya sa kwarto ni Chelsy at kinatok. Until it opened.

" Oh James! Bakit?" Si Vince ang nagbukas ng pinto, na mukhang galing sa pagtulog.

" Diyan ka natulog?"

" Oo."

" Si Chelsy? "

" Wala ba sa kwarto mo?"

"Magtatanong ba ako kung nandoon." Napakamot ng ulo si Vince sa sagot ni James.

"Wala dito, kanina pa yun umalis dito, sabi matutulog sa kwarto mo, baka nandiyan kila Cassie. " Tumango lang si James at sinara na uli ang pinto ni Vince. Pumunta siya sa room nila Cassie at kinatok.

" Oh James." Si Cassie ang nagbukas ng pinto.

" Si Chelsy nandiyan?"

" She's not here, baka sa room nila." Cassie said, na Naniningkit ang mata dahil mukhang nakatulog na din.

" Wala sa kwarto nila eh."

"Baka sa kwarto ni kuya."

" Ano naman gagawin niya dun?" She just shrugged.

" Tignan mo dun." Tumango nalang din si James at sinara na uli ang pinto ni Cassie.

Pumunta naman siya sa Kwarto ni Brian, kinatok din. nakailang katok siya bago bumukas.

"Dude, si Chelsy nandiyan?" James asked, kumunot ang noo ni Brian.

" Anong gagawin niya dito? Baka sa kwarto niya."

" Wala dun, wala din sa kwarto nila Cassie. " Medyo kinabahan bigla si James kahit si Brian.

" Si Andrew ba nandiyan?" James asked.

" Nandito, baka may ginawa ka na naman James. "

"Pwede ba Brian! wala akong ginawa, tara samahan mo ako hanapin natin." Sinara uli ni Brian ang pinto.

"Chelsy, asan ka na naman ba?" James mutters, habang naglalakad sila papuntang elevator.

Nakalabas sila ng hotel.

"Doon ka Brian, dito ako." They went in opposite direction.

Naglakad si James ng naglakad hanggang makarating siya sa bar. Pumasok siya, nagpunta sa may bar counter.

" Excuse me." James said

"Sir James, iinom po kayo?" The bartender asked.

" No, kilala mo si Chelsy diba? Yung kasama ko dito nung nakaraan?"

" Opo, yung girlfriend mo po." Tumango si James.

" Hindi mo ba siya nakitang nagpunta dito?"

" Nandito po siya kanina sir."

"Talaga!? anong ginawa niya dito? Sino kasama niya? Asan na siya?" Sunod sunod na tanong ni James.

I'm in Love With You Heart Breaker [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon