CHAPTER 24

87.1K 2K 35
                                    

Halos gabi gabing hindi nakatulog si Chelsy kakaisip kay James, tapos maaga pa siya laging nagigising. 3 days na ang nakalipas wala parin si James, 3days na rin hindi pumapasok. .

Tinawagan na nila Kevin sa bahay wala daw umuuwi doon sabi ng katulong.

Gulong-gulo na si Chelsy kung anong nangyayari? kung may masamang nangyari na dito o ano.

Sa penthouse nalang, iniisip niya kung nandun.

Nasa classroom siya ngayon.

" Ano ba kayo!! simpleng simpleng problem hindi niyo masolve." Sigaw ng prof. Na halos umaalingaw-ngaw sa loob ng classroom ay hindi sa buong 2nd floor building actually.

Ayaw naman sakanya at kay Andrew ipasolve ng prof. Dahil alam na daw nila. Yung mga ibang classmate niya ang pilit pinapasolve pero hindi naman magawa.

" Grace! ikaw nga ang magsolve nito." Sabi ng prof.

" Sorry sir, hindi ko po alam eh." Sabi ni grace.

"Ano alam mo?! magpaganda? Lumandi? Aanhin mo ang ganda kung walang laman ang utak mo. Ang bo'bobo niyo! kayo ang sisira sa reputasyon ng skwelahan na to. dapat hindi tumatanggap ang skwelahan na to ng mga katulad niyo, kung ang pamilya niyo hindi mayayaman.... ewan ko lang kung saan kayo pupulutin.."

Ano ba naman...... araw araw nalang ganito.... Nakakarindi, ang sakit sa ulo, ang daming gumugulo sa utak ko...... puro sigaw pa maririnig ko dito............ - Aa isip ni Chelsy habang nakatukod ang kamay niya sa noo niya at nakapikit.

Sa inis niya tumayo siya at pumunta sa may blackboard, kumuha ng chalk.

"The procedure you've done sir maybe it's difficult for them, because it's more complicated.... you might want to try this.... a simplier one... simplify form.."

Sabi ni Chelsy habang nagsusulat sa black board. At muling umupo.

"Ayun naman pala sir, mas madali nga yan.. di sana sir hindi na kayo nag-vocalizations. "Sabi ng isang classmate niya dahil sigaw ng sigaw ito kanina, natawa sila sa sinabi nito.

"Sana katulad kayo ni miss Sebastian katatalino.... beauty and brain.." sabi ng prof.

"Tsss matalino nga... iniwan naman ng boyfriend. ." Grace said at nilingon pa siya.

"Okay sagutan niyo to, kung mas nadadalian kayo sa solution ni Ms.Sebastian yun ang gamitin niyo.."

" Sir si Grace daw po sasagot ng problem! kaya niya na daw po sagutan yan." Sigaw ni Andrew

"Ay buti naman kung ganun...Grace solve this problem. ."

Nakayoko lang si Grace hindi man lang kumikilos.

" Ms.Grace Baldado! ano bat hindi ka tumayo? baldado kana ba?" Tawanan ang lahat sa sinabi ng professor.

"Sorry sir hindi ko po alam eh."

" Hay naku Ms.Baldado! are you sure you want to pursue this profession? you might change your mind habang maaga pa.. kasi kung ako lang, hinding hindi ako papagawa ng plano ng bahay ko sayo kahit bahay kubo.... kahit libre pa yan.."

" Wahahahhahahaha!!" Tawanan ng tawanan ang buong klase sa pagpapahiya kay Grace.

Lumingon si Grace kay Chelsy na inis na inis.

***********

" Princess!!!" Tawag ni Brian patakbong lumapit sakanya.

" Brian." Chelsy said at nagsmile lang siya ng pilit..

I'm in Love With You Heart Breaker [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon