CHAPTER 71

95.2K 1.9K 64
                                    

"Chelsy.. yoohoo...Chelsy." Jelian knocked the door. Binuksan ni Chelsy ang pinto.

"Oh Jelian, need anything? " Ngumiti lang si Jelian sakanya.

Sus!! Ito nanaman tong makulit na to.

"Papasok kana?" She asked

"Yes!!" She replies sweetly at lumabas na ng kwarto. Sumunod naman si Jelian habang pababa ng hagdan.

"Chelsy palit na tayo, please!!!" Hindi parin ito tumitigil sa pangungulit na magpalit sila ng cabin. Isang linggo na ito sakanyang nangungulit.

"Chelsy Please! Please! Please! Chelsy naman ang arte mo n-- paaakkkk!!!!!! Nanglaki ang mata ni Jelian at sapu ang ulo nito dahil sa lakas ng batok sakanya ni Chelsy.

Kahit ang grupo gulat din sa ginawa ni Chelsy. Nasa baba na sila at nandun din ang lahat.

"Bakit mo ako binatukan?" Jelian asked

"Because you're annoying! Kulitin mo pa ako hindi lang batok ang ibibigay ko sayo."

"How dare you Chelsy!  wala pang kahit isang nanakit sakin ng ganyan, kahit parents ko hindi ako pinapalo tapos ikaw." Sinamaan siya ng tingin ni Chelsy.

"Well, I'm grateful na ako ang unang nanakit sayo."

"James, she hurts me, yan ba ang gusto mo, nananakit.... I told you hindi siya ganun kabait. bakit ba gusto mo siya? I'm younger than her, fresher than her. Ako na lang kasi pakasalan mo eh." She said childishly.

"Alam mo Jelian,  maybe you're younger than me, but I am prettier,.....sexier...., and smarter than you." Chelsy said at pinalo palo ng mahina ang pisngi ni Jelian.

"Ahahaha!!! I love that Chels..... Ano Jelian? Mangungulit ka pa ba?" Cassie said, kahit ang iba natatawa din sa ginawa ni Chelsy.

Nagsitayuan na ang lahat para pumasok.

"Wag kang mag alala Jelian, pag graduate namin pwedeng pwede kana dito, magisa ka dito.. ahahaha!!" Celline said at tawanan din ang lahat, Jelian pouted, irritated.

Lumabas silang lahat at nagantay ng cab, may dumating naman agad. Si Chelsy ang unang sumakay, sasakay na sana si Cassie ng hatakin ito ni James.

"Ako muna." Sabay pasok at tumabi kay Chelsy.

"Pasaway talaga!" Cassie said, at pumasok na din.

Sumiksik si Chelsy sa pinaka gilid pero sumiksik din sakanya si James. Sinamaan siya ng tingin ni Chelsy.

"Marami pang sasakay eh, kailangan mag compress." James said, sabay angat ng kamay sa may sandalan sa may balikat ni Chelsy. Kaya parang nakaakbay ito. Tumingin nalang si Chelsy sa may bintana.

Bwesit talaga to...... ayaw akong tantanan..!!!

Napatingin uli si Chelsy kay James ng masama. Dahil yung braso nito nakapatong na sa balikat niya.

"Ay, sorry dumulas... hehe!!" James said. Sabay angat uli ng braso.

"Cassie siksikin mo pa ako." Bulong ni James kay Cassie. Ginawa naman ni Cassie, sinandalan pa niya si James kaya napayakap ito kay Chelsy.

"ANO BA?! NANANADYA KA BA?!" sigaw ng malakas ni Chelsy kaya napatingin sakanya ang lahat, pati ang driver tinignan siya sa salamin.

"Si Cassie kasi, naniniksik eh." James said at nagpa cute pa.

"Haha! Inutos mo eh." Cassie said. Siniko naman siya ni James.

"Hay James, give up na kasi, wala ng pagasa." Cassie said

I'm in Love With You Heart Breaker [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon