CHAPTER 72

93.3K 1.9K 138
                                    

Nasa classroom nila Chelsy ang heiresses para sunduin ito para maglunch. Nangbigla silang may narinig na nagtitilian sa labas.

"Bakit ganito dito sa building niyo? Laging maingay. Sa building namin hindi naman ganito, sooo quiet." Colleen said

"May heartthrobs ba sa building niyo? Eh puro girls at beki ang nandun eh. Nagtaka kapa." Celline said

"Well, nandito nga pala ang mga greek gods." Colleen said

"Oh my goddddd!!!!! You're so hot Jamessss!!!!"

"Vince you're so yummieeeee!!!!"

"Akin ka nalang kevinnnnn!!!" Nagkatinginan ang heiresses sa isat isa. Sabay lingon sa may pinto. Dahil walang patid ang tilian.

"Tara nga tignan natin." Cassie said, sabay tayo sumunod naman ang lahat palabas. Nakita nilang nakahilera ang mga tao sa railings na parang may tinitignan sa baba.

"Excuse me, pausog nga." Nakipagsiksikan ang apat para makita ang tinitignan ng mga ito.

"Oh my god! Gagawin niya Chels." Cassie said na nanglalaki ang mata, kahit si Chelsy nanglalaki ang mata sa nakita.

Si James, Vince and Kevin jeans lang ang suot. topless, naka ear worn microphone si James.

Anong iniisip niya? Gagawin talaga niya ang dare ko sakanya? Adik siya!!!!!!!!

At nagsimula ngang kumunta si James, lalong nagsitilian ang mga babae.

"Holy crap!! Opps! sorry for my language." Cassie said

"Ahaha!!! Oh my god!! Ahahaha! Ahahaha!" Heiresses are laughing over and over.

Napuno ng tawanan ang buong architecture building, hindi man nila nakikita panigurado mula 1st to 4th floor ganito ang tawanan. Dahil nagsimula na rin sumayaw si James habang kumakanta ng wiggle kasama si Kevin at Vince.

"Gosshhh!!! Jamesssss!!!! Kahit hindi ka marunong sumayaw ang hot mo parin! Ako nalang ang pakasalan mo!!!!" Sigaw ng isang babae.

"Oh my god! Ahahaha! Tignan mo si James! Ahahaha! Para siyang nakuryenteng uod. Ahahaha!" Sabi ni Cassie na hindi na maayos sa pagsalita dahil sa kakatawa na nakahawak pa sa tiyan.

Kahit si Chelsy natatawa na rin na naiiling sa mga pinaggagagawa ni James na siya rin naman ang nagutos. hindi naman nia alam na gagawin talaga nito. Akala niya sumuko na ito dahil two weeks ago pa yun.

"Okay, salamat sa panonood ng aming munting palabas." James said habang nakatingala sa building. Natapos ang pagkanta nito at pagsayaw nito.

"BABE! Ginawa ko ang dare mo ah, akin ang buong araw mo ngayon. Antayin mo ako diyan." Sabi ni James na rinig ng lahat ng tao dahil naka ear worn mic. Ito.

Tinanggal ni James ang mic. Nito, binigay kay Kevin at agad na tumakbo paakayat ng 3rd floor.

"God Chels, he really loves you, ginawa niya ang bagay na hindi niya kayang gawin." Colleen said, habang papasok uli sila ng classroom. Hindi nagsalita si Chelsy. Kinuha lang niya ang gamit niya at pupunta sila ng Cafeteria.

Lumabas sila ng classroom.

"Babe!" Patakbong lumapit sakanya si James, na habol ang hininga sa pagmamadali nito. Huminga muna ito ng malalim.

"Shall we?" He said at nilahad ang kamay nito. Tinignan ni Chelsy ang kamay nito.

"Sabi ko kakausapin lang kita." She said.

I'm in Love With You Heart Breaker [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon