CHAPTER 22

110K 2.5K 43
                                    

" We will pass by at our house.. I'm just gonna get something."

" Okay, dahan dahan lang sa pagdrive ah."

" I will, don't worry."

Pabalik na sila sa laguna dahil sunday na at pasukan na kinabukasan.

Narating nila ang bahay nila James. Pinagbuksan sila ng gate ng katulong.

"Good morning everybody!!!" Sigaw ni James pagpasok nila ng bahay at hawak hawak ang kamay ni Chelsy.

"Parang lalo ka atang gumaganda manang ah.."

Bati ni James sa katulong na nagpupunas ng mga muebles.

"Manang ano po ulam for lunch? dito kami kakain ng girlfriend ko. Siya nga pala this is Chelsy, my girlfriend. " Pakilala ni James kay Chelsy habang hawak parin ang kamay nito.

"Good morning ma'am Chelsy....... Pero sir, sorry kasi po hindi namin alam na uuwi po kayo.... Caldereta po ang u---

"CALDERETA!!" Sigaw ni James

" Sorry po sir,sorry po sor--

" That's good! favorite namin yun ng girlfriend ko...... Cici dito ka muna ah may kukunin lang ako sa taas."

Bago umakyat si James hinalikan muna siya nito sa noo niya. Umupo si Chelsy sa sofa na nagtataka sa mga kilos at reaksyon ng mga katulong.

"Ano kaya ang nangyari kay sir? bakit ganun yun? Favorite daw niya ang Caldereta, eh diba ayaw na ayaw niya yun. Bulyaw nga inaabot natin dun pagnagluluto tayo ng caldereta eh." Sabi ng isang katulong.

"Ewan!!!tapos lagi nakangiti, tapos gumaganda ka daw manang Salve."

" Wahahahaha!." tawa ng dalawang katulong..

" Bakit may nakakatawa ba na gumaganda ako?" Tumahimik ang dalawang katulong dahil pinangdilitan sila ng mayorduma.

" Hindi kaya alien yun? hala! Baka kinuha na ang totoong sir James, pero okay na rin atleast wala ng bubulyaw sa atin."

Natawa si Chelsy sa narinig kaya napalingon sakanya ang tatlong katulong.

"Hala! narinig tayo baka isumbong tayo...... Ma'am wag niyo po kami isumbong! pasensiya na po."

" Wag po kayo mag-alala hindi ko po sasabihin. Bakit po ba parang nagtataka kayo sa kilos ni James ngayon?"Tanong ni Chelsy, lumapit sakanya ang dalawang katulong.

"Kasi ma'am para siyang nasaniban, hindi po yan ngumingiti eh. Tapos pag nasa harapan kami niya pinapaalis kami, kasi ang pangit daw namin. Tapos ngayon si manang Salve gumaganda daw, eh mas maganda nga kami kay manang salve. ahahahha!!" sabi ng isang katulong

Binatukan naman ang isang katulong ng mayorduma kaya nagtawanan silang lahat. Tawa sila ng tawa ng bumababa si James.

"Hey! mukhang ang saya niyo ah? Kain na kami manang, please."

" Wow!! may please pa." bulong ng katulong at humagikgik pa.

" Ano po yun?" Tanong ni James

" Wala po sir. Ang ganda po ng girlfriend niyo, bagay po kayo."

" Syempre! pipili ba ako ng pangit... ahahaha!!" Nanglaki ang mata ng mga katulong sa pagtawa ni James.

" Hoy kayong dalawa maghain na kayo dun." utos ng mayorduma.

Nasa dining na sila at kakain na, nilagyan ni James ng pagkain ang plato ni Chelsy at nagsimula silang kumain...

I'm in Love With You Heart Breaker [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon