"Ugh! Anong sinabi mo kay Chelsy Julia? Anong ginawa mo? Kaya pala ganun siya, kaya niya ako tinanong kung lasing ako that night. Kaya pala, kaya pala, kaya pala. Nasaktan ko siya ng husto na hindi ko alam." Nilipat niya sa flash drive ang video. Tumayo agad si James. Nagbihis at lumabas.

*****

Pagkalabas ni James ng cabin pumunta agad siya sa classroom ni Julia to confront her.

"Let's talk Julia." Agad na hinawakan ni James si Julia sa braso at hinila palabas.

"Ano ba yun James?" Julia asked while dragging her out of the room.

Pagkalabas nila. Huminto si James at hinarap si Julia na hindi parin binibitawan ang braso.

"Bakit mo ginawa yun? Anong sinabi mo kay Chelsy? Paano ka nakapasok sa kwarto ko? Paano mo nakuha ang susi?" Sunod Sunod na tanong ni James. Nagulat naman si Julia sa sinabi nito.

"God damn it magsalita ka!" Pigil na Pigil ang boses ni James. Binawi ni Julia ang braso mula sa pagkakahawak ni James.

"Did she tell you?" She asked instead.

"No! ako mismo ang nakaalam, kaya wag ka nang magsinungaling. Napaniwala mo ako sa mga sinabi mo. Napakasinungaling mo. Ayusin mo to Julia, ikaw magpaliwanag kay Chelsy ng lahat. Sabihin mo kung anong ginawa mo?"

"Why should I?" Taas noong sabi ni Julia. Lalong tumiim ang bagang ni James sa sinabi ni Julia.

"Ganyan ka talaga kasama." Pigil na pigil ang galit niya.

"The two of you deserve it." Sabi nito na parang wala man lang pagsisisi.

"Julia wala akong ginawa sayo alam mo yan?"

"Every time you rejected me, you make me feel like I'm worthless. Ano bang nagustuhan mo sakanya? Nachachallenge ka lang sakanya James kasi masyado siyang hard to get."

"Mahal ko siya."He said.

"Mahal ka niya?"tanong ni Julia. Hinawakan ni James ang kamay ni Julia. Nagulat naman ito sa ginawa niya.

"Nagmamakaawa ako sayo, inaayawan ako ni Chelsy dahil akala niya may nangyari satin. Siguro iniisip niya na may pananagutan ako sayo. Ipaliwanag mo ang lahat sakanya. Kung anong nangyari nung gabing yun." Mahinahon na sabi ni James. Lalong nagulat si Julia sa ginawa ni James. Lumuhod ito sa harap ni Julia.

"I'm sorry kung nasaktan kita. Ikaw lang Julia makakaayos nito. Kahit sabihin mo nalang sakin ang ginawa mo nung gabing yun. Kung paano mo nakuha ang susi. Kung ano ang nangyari sa loob ng kwarto. Ipapaliwanag ko sakanya lahat. Kailangan kung maipaliwanag kay Chelsy ang lahat." Pagsusumamo ni James habang nakaluhod.

"Gosh! Ganun mo siya kamahal? Para lumuhod ka pa sakin at magmakaawa. Unbelievable!" She said.  She gritted her teeth sa sobrang inis.

"Gagawin ko lahat para sa--

"Tama na James! tumayo kana diyan. Kung mahal ka talaga niya, dapat pinakinggan ka niya! dapat nagtiwala siya sayo. Pero mas naniwala siya sa sinabi ko, hindi ka niya kayang ipaglaban. Mas inintindi pa niya ang mararamdaman ko, ang kapakanan ko kaysa sa kaligayahan niyong dalawa. Isn't it obvious James?  Hindi ka niya ganun ka mahal." Tinalikuran na siya ni Julia. Pero tumigil uli ito at humarap sakanya. Nailing nalang sabay alis uli. Tumayo si James na nanglulumo.

****

Kakababa pa lang ni Chelsy ng cab at papasok na siya ng cabin.

Pagpasok niya nakatingin sakanya ang lahat, nandun ang grupo.

I'm in Love With You Heart Breaker [Complete]Where stories live. Discover now