Chapter 43: WATCH

Comincia dall'inizio
                                    

Anong kinalaman ni Kuya Rain dito? Hindi naman niya alam yung about dito ha.

“Si Kuya Rain? Bakit siya?”

Mukhang nagulat siya sa sinabi niya. Parang may regrets sa mga nasabi niya.

 

“May dapat ba akong malaman, Tito?”

“A-ano’ng dapat mo malaman?Alam mo,” Tumayo siya at hinawakan yung shoulder ko para makatayo. He pushed me until we got out of his office.

“Remember to watch your W.A.T.C.H.” Binitawan na niya ako.

“Watch my WATCH?”

“Words.Actions.Thoughts. Character. Heart.”He closed the door and left me hanging.

"Rian! Ubos na yung ice cream! Wala ka nang mahahanap dyan!"Sigaw sakin ni Ivy.

Nandito ako sa bahay nila Ivy kasama si Fen. Wala yung parents niya eh. Laging nasa business trip. Pero kasama naman niya yung tatlong maid at isang driver-slash-gardener nila.

Bumalik na ako sa mesa kung saan may nagkakaabalahan.

Nagpeprepare silang dalawa para sa project sa Home Economics. Nasa Row one silang dalawa kaya Main course ang gagawin nila. Yung partner niyang si Nico palaging absent. Kapag may exam lang pumapasok.

Kaya heto si Ivy, aligaga sa gagawin niya sa Lunes. BUT! Huwag niyo siyang i-small-in, sobrang galing niyang magluto! Parang nilalagyan ng gayuma yung niluluto niya. Hahaha

Si Fen naman, ayun aasa na lang daw sa ka-partner niya na si George. Hanggang kain lang daw ang kaya niya. Hahaha. Tagahalo na lang daw siya ni George.

Ako? Bahala na si Lance. Nasa kanya naman yung ingredients namin.

"Anong nangyari sa probinsya?" Tanong ni Ivy.

"More like: Anong ginawa niyo ni Lance?" Fen. Nagtawanan lang sila.

 

"Wala. Nakifiesta lang kami. Kumain, nakilaro nung fiesta. Inalagaan si Lola." Kinain ko yung cube na cheese na nasa saucer.

"Yun lang jums? I think that's impossible!" Fen.

Sinubuan ko siya ng carrot para manahimik siya. She glared at me.

"Mga baliw ba kayo? Bakit naman sinabi niyo kay Lance na magtatagal ako dun? Ayan tuloy, sumugod siya."

"What do you want us to do? Watching you like a pitiful girl? You're our bestfriend. Hindi pwedeng patagalin yung away ninyo ha." Ivy.

Tapos na siyang magluto kaya naghain na siya para sa tanghalian. Nagdasal kami at nagsandok ng kanin at ulam.

"Ano nga palang nangyari kay Yumi?"

Nabilaukan silang dalawa kaya uminom sila kaagad ng tubig. Nang nahimasmasan sila, bigla silang tumawa.

"Hahahaha!" Sila.

"Anong nakakatawa sa tinanong ko?" Ako. Nakakainis silang dalawa. Pinagkakaisahan ako.

Two Different Worlds (2DW)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora