Kabanata 18

7.5K 260 14
                                    

SPG :3

Nagising na lang ako sa malakas na pagyugyog. Nang imulat ko mga mata ko ay ang bagong ligo na si Kiarr ang bumungad sa akin.

"Maligo ka na. Pupunta pa tayong ospital diba? Ililibot mo pa ako sa metro Cebu."

"Excited lang? Sige,hintayin mo ako sa dinning hall." ani ko at bumangon na.

Ngumiti si Kiarr at lumabas na. Napabuntong hininga ako. Ilang linggo pa lang kaming magkakilala pero ganito na kami kalapit sa isa't isa. At aaminin ko,attracted ako sa kanya,pero hanggang dun lang yon. Si Clive parin ang tinitibok ng gago kong puso.

"Pwede na kaming madischarge bukas.P" ang masayang bungad ni Papa ng nasa ospital na kami.

"Mabuti naman po!" ani ko.

"May lakad kayo ni Kiarr?" ang nakangiting pagpuna ni Mama. Tumango ako bilang pagsagot. "Sige na,mag enjoy lang kayo. Papunta na din si Kryann pati mga tito at tita mo."

"Sige po,basta babalik kami agad."

Una kong dinala si Kiarr sa Plaza Independencia. Panay ang picture taking naming dalawa,at pag may tanong sya ay sinasagot ko naman. Pangalawa naming destinasyon ay ang Magellan's Cross,gaya ng una ay panay picture taking pa din.

"Im sure may mga Mall dito diba?" aniya ng nag aabang na kami ng taxi.

"Oo,madami. Pero sa SM na lang kita dadalhin,para makakain na din tayo." ang sagot ko naman.

Pagdating sa SM ay nag ikut-ikot lang kami. Gusto ko sanang manood ng movie kaso may gusto pa akong puntahan,gusto kong puntahan ang McArthur sa Tinago,kung saan kami tumira nina Winji at Keejay dati.

"Anong lugar ito?" ani Kiarr ng makababa na kami ng taxi. Tumingin sya sa paligid.

"Dito kami tumira ng bestfriend kong si Winji nung may problema sya sa boyfriend nya." ang sagot ko at pumasok na kami sa eskinita.

Madami agad ang nakakilala at bumati sa akin. Saglit akong nakipagkwentuhan,natatawa nga ako kay Kiarr dahil ang tingin nya sa amin ay hindi maipaliwanag,siguro kasi hindi nya maintindihan ang mga sinasabi namin.

Palabas na kami ng eskinita ay biglang may tumigil na taxi. Napasinghap ako at bumilis ang tibok ng puso ko ng makita kung sino ang bumaba mula dito.

"Sabi ko na nga ba at nandito ka--bakit kasama mo sya?" napatingin ito kay Kiarr.

Ewan,parang bigla akong naguilty,pakiramdam ko ay ang laki ng kasalanan ko.

"Sumama lang ako,tol. Gusto ko kasing makapunta talaga dito sa Cebu." ang sagot ni Kiarr.

Huminga ako ng malalim at pinakalma ang puso kong wala ng tigil sa pagwawala.

"Anong ginagawa mo dito?" ang agad kong tanong.

"Anong ginagawa ko dito? Taga cebu ako kaya nandito ako. At hinahanap ko ang bestfriend ko na bigla na lamang nawala,and I found out na nadisgrasya mga magulang nya kaya umuwi ako ng cebu." ang mahaba nyang sabi.

Napaka traydor ng puso ko,bigla na lang tumalon talon. Pero teka? Paanong?

Ugh! Winji! Humanda ka sa akin.

"Hahanapin ka ng girlfriend mo. Okay na mga magulang ko Clive,at okay lang ako dito." ani ko at nilingon si Kiarr na medyo lumayo pala sa amin at abala sa phone nya.

"San ka tumutuloy? Babalik ka pa bang manila? Huwag mong alalahanin si Yannah. Kasama ko sya pero hindi nya alam na hinahanap kita."

"Sa bahay ng mga magulang ko. At saka pwede ba Clive? Tumigil ka na? Kasi nag aaway lang kayo ni Yannah dahil sa akin. Ano ba talagang gusto mo?!" ang pabulong ko ng sabi.

Beautiful Days (Completed)Where stories live. Discover now