kabanata 2

11K 319 20
                                    

AN/ Hello po sa mga bumabasa nito kung meron man :p medyo bibilisan ko po ang phasing nito,dahil gusto kong makahabol ang story na ito sa timeframe ng "KAWAII LOVE." kumbaga parang pasilip pa lang ito,dahil ang totoong kwento ay pag bumalik na si Kloyy sa maynila,mga hanggang chapter 3 o chapter 4 na sa Cebu ang settings nito. Maraming salamat po and enjoy reading!

_____

Simula nung araw ng Question and answer ay naging malapit na kami ni Clive sa isa't isa. Nang dahil kay Clive,nagkaroon ng kulay ang huling taon ko sa high school. Kung dati reserved ang tingin nila sa akin,ngayon hindi na. Nakilala akong bestfriend nya,nasanay na din sila na Kloyy ang tawag sakin imbis na Nicolo pa din.

"Nasan si Clive,Kloyy?" ang tanong sa akin ng classmate naming si Pol ng makarating ako sa school.

"Huh? Wala pa ba? Hindi din nagpaparamdam eh. Try nyong itext." ang sagot ko naman at pumasok na sa classroom. Sumunod naman si Pol.

"Hindi nga nagrereply eh,kaya naisip namin na baka ikaw alam mo." ani Pol.

"Hindi ko alam,hindi din naman kasi sya nagtetext." muli kong sagot. Magsasalita na sana si Pol pero biglang dumating ang teacher namin sa Araling Panlipunan. Pero hindi ako doon na bothered,mas nabothered ako na wala pa si Clive.

Ano kayang nangyari sa isang iyon? Ni hindi man lang nagtext. Medyo hindi kasi ako komportable pag wala sya.

Kaya ng sumapit ang breaktime ay tinext ko agad sya.

Ako:

Clive? Anong nangyari? Bakit ka absent?

Ibinalik ko na sa bulsa ko ang cellphone at lumabas na ako ng room. Kakain na lang ako ng mag isa. Nahihiya kasi akong makisama dun sa mga classmate naming ka-close ni Clive.

Hanggang matapos ang klase ay hindi pumasok si Clive,napapaisip tuloy ako kung bakit hindi pumasok ang isang iyon.

Kaya ang nangyari,solo flight ako,ayos lang naman dahil sanay na ako.

"Kloyy,pag nagkita kayo ni Clive,pakisabi na may laro kami ng DoTA mamaya ah? Alam na nya yon." ang sabi ni Pol ng makita ko sya sa labas ng gate.

"Sige,sasabihin ko." sabi ko at tipid na ngumiti. Nakakita na ako ng jeep at pinara ito. Dadaan muna ako sa Colon para mamili ng mga kailangan ko pa. Yan ang maganda dito sa Cebu,malapit lang kami sa mga pamilihan.

Madami din akong napamili sa Colonade. Ganito talaga ang buhay mag isa,pero sabi ko nga,sanay na ako. Nakapila na ako sa counter ng may mamataan ako.

Si Clive may kasamang babaeng tisay at dito sila sa pinipilahan ko papunta. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip.

May girlfriend na pala sya? Kaya siguro sya absent ngayon.

Kaya ang ginawa ko ay humarap na lang ulit sa counter,ako na pala ang susunod. Sana lang hindi ako mapansin ng dalawang ito.

Nadidinig ko silang nag uusap at naghahagikgikan,may pinag uusapan sila na tungkol ata sa mga nangyari sa kanila noon.

"853 pesos po Maam." ang sabi ng cashier. Agad kong inilabas ang wallet ko,kumuha ng one thousand at nagbayad.

"Kloyy?" dinig kong tawag ni Clive pero nagbingi bingihan ako at kinuha ko na ang mga pinamili ko at nagmamadaling naglakad palabas ng Colonade.

Sumakay na ako ng jeep na 02B na dadaan sa mc arthur blvd. Habang nasa jeep ako ay nakatanggap ako ng text mula kay Clive.

Clive :

Kloyy,nakita kta sa Colonade,nasa iisang counter tayo,tinawag kta pero hndi mo ata ako narinig kaya sinundan kta.

Beautiful Days (Completed)Where stories live. Discover now