Kabanata 17

7.3K 245 9
                                    

Pagdating sa Cebu ay agad kaming kumuha ng taxi. Para sa akin,walang panahong dapat masayang,mga magulang ko ang pinag uusapan kaya kung kaya ko lang lumipad ay lumipad na ako.

"ChongHua hospital,noy." sabi ko sa taxi driver ng makasakay kami. Napalingon sa akin si Kiarr.

"Im sorry,sumama pa ako. Pakiramdam ko ay pabigat ako." aniya. Nginitian ko sya at sinagot.

"Ano ka ba? Diba gusto mong pumunta talaga dito? Hindi ka pabigat." ani ko.

"Salamat ah? Huwag kang mag alala,hindi kita iiwanan." ani Kiarr at ngumiti. Somehow,may ibang meaning sa akin ang sinabi nya.

Pagbaba sa taxi sa tapat ng ospital ay nakita ko agad ang pinsan kong si Kryann na may kausap na binata.

Bakit dito sila sa labas nag uusap?

Tinanguan ko si Kiarr at lumapit na kami sa dalawa.

"Nasan sina Mama at Papa?" ani ko kaya napatigil sa pag uusap ang dalawa.

"Oy! Gaw? Naabot na pala ka!" (uy! Insan,dumating kana pala.) ani Kryann,tiningnan nito si Kiarr at tiningnan ko naman ang kausap nyang binata. "Kinsa ni?." (Sino to?)

"Aw! Kiarr,meet my cousin,Kryann and..." hindi ko kasi alam yung pangalan nung isa.

"Coshie po!" anito at ngumiti. Hmmn,emo? Punk? Rocker? Gwapo sya ah? Napaka gothic ng porma.

"Ah,Ako naman si Kloyy?At ito si Kiarr." at bumaling ako sa pinsan kong biglang nanahimik. "Nasan sila?"

"Unsa na? Uyab nimo?" (ano yan? Boyfriend mo?) ani Kryann kaya hinampas ko sya sa braso.

"Dili oy! Kaw ba,napaka hugaw ng imong utok!" (Hindi! Ikaw ba,napaka dumi ng utak mo.)

"Nahawa lang. Okay,tara na sa loob."

Tiningnan ko si Kiarr,at mukhang hindi naman nya naintindihan ang pinag usapan namin.

Pagdating sa private room ay may dalawang hospital bed. Parehong tulog sina Mama at Papa. Sinabi ko kay Kiarr na ilagay muna sa gilid ang bag nya,saka ako lumapit sa mga magulang ko.

"Anong nangyari?" ang paglingon ko kay Kryann. Lumapit sya at tumabi sa akin,samantalang si Kiarr at Coshie ay naupo sa sofa.

"Dinalaw nila ang isa sa mga planta nyo. Nagkaroon ng aksidenteng pagsabog. Mabuti na lamang at may humila sa kanila palabas,nagkaroon ng 3rd degree burn ang mga hita nila." ang sagot ni Kryann.

Napatakip ako sa bibig. Salamat na lang sa Diyos at nakaligtas sila. Kung hindi,hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Ang mga tauhan?" pagkuway tanong ko ulit.

"Wala namang namatay,lahat mga minor injuries lang at naayos na naman ng abogado,pati ang mga damage." sagot ni Kryann. "One week na sila dito,after two o three days pwede na silang maka uwi."

"Ganon ba. Salamat sa Diyos." ani ko. "Ikaw? Baka naaabala ka na?"

"Okay lang. Mahal ko kayo eh. Nag resign na ako,at nagprivate tutor na lang dyan kay Coshie,and at the same time binabantayan sya. Hindi ako makatanggi sa parents nyan eh." at lumingon kami sa sofa kung saan tahimik na nag uusap si Kiarr at Coshie.

Ilang saglit pa ay nagpaalam na si Kryann at Coshie. Tumabi ako kay Kiarr sa sofa.

"Salamat sa Diyos at okay naman pala ang parents mo." ani Kiarr at humikab.

"Oo nga eh. Pero pagod ka na. May malapit na hotel dito,samahan kitang mag check in." ani ko at tumayo.

"No,huwag na. Dito na lang ako sa sofa. Diba sabi ko sayo,hindi kita iiwanan." aniya,sa sinabi nya ay parang may humaplos sa puso ko. Hindi ko maipaliwanag,but it felt warm hearing those words.

Beautiful Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon