Kabanata 22

6.7K 235 48
                                    

Ilang araw kong iniisip yung mga narinig namin ni Jieb kay Yannah at dun sa lalaking kausap nito. Paulit ukit ko ding pinanood ang video.

Paano ko tutulungan si Clive? Gagawin ko ba ang pagtulong dahik gusto ko lang siyang tulungan o gusto ko siyang bumalik sa akin?

Pero paano? Nap;

aka tuso ni Yannah,ginamit niya ang yaman nila para mahawakan si Clive sa leeg,pati pamilya ni Clive ay nadamay. Bakit ganon sila? Tao ang pinangbabayad nila sa utang?

Sigurado akong si Yannah din anh dahilan kung bakit nalubog sa utang ang pamilya ni Clive sa pamilya niya.

Kinuha ko ang Tab ko at nag facebook,tiningnan ko ang conversation namin ni Jieb sa chat nung isang araw,ang sabi niya ay siya ang gagawa ng paraan para magkita kami ni Clive,at yun na daw ang pagkakataon na ipakita ko ang video dito.

Kinakabahan ako sa plano ni Jieb,pero hindi naman ako papayag na magdusa si Clive sa piling ni Yannah. I must do it. And I can do it.

Nasa ganon akong posisyon ng tumunog ang phone ko,pagtingin ko ay si Jieb pala ang tumatawag.

"Hello Jieb?" Ang agad kong sagot.

"Napapayag ko na si Clive. And guess what? Magiging totoong reunion ito. Sa Blue Reef tayo. At sinadya kong sa isang room kayo ni Clive." Ani Jieb. Parang nakikita ko tuloy ang mukha niya na nakangisi.

"Naplano mo pala talaga. Uhm,mag se-share ba ako ng bayad sa gastos mo?" Sabi ko na lamang.

"Hindi na kailangan,sa sabado na yun at ready to go na mga batchmates natin. Sila na lang ang sisingilin ko." At humagikhik pa ito kaya napangiti ako.

"Ikaw talaga." Ani ko. " Maraming salamat ah? Kung ako siguro mag isa hindi ko alam ang gagawin ko sa totoo lang."

"Wala yon. Gusto ko din naman makita ang mga dati nating kaklase pati na din si Clive kung ano na itsura niya."

"Baliw ka. Eh paano kung sumunod si Yannah? Hindi pwedeng hindi iyon sasama."

"Yun ba pinoproblema mo? Leave it to me."

At dumating nga ang araw ng reunion. Gabi ang time na binigay ni Jieb kaya diretso muna kami sa mga suit namin.

At sabi ni Jien mga 11pm na lang daw kami mag inom at maglangoy,masarap nga naman maglangoy sa dagat pag gabi.

Nung nasa kwarto na ako ay parang bigla akong inatake ng kaba. Paano kung bigla na lang dumating si Yannah at manggulo? At saka paano ko sisimulang ipakita kay Clive ang video?

Nakaupo lang ako sa kama ng bumukas ang pinto at pumasok si Clive. Para pa kaming nagkagukatan at nagkatitigan.

"Kloyy? Kamusta ka na?" Aniya at lumapit. Bumilis ang tibok ng puso ko at parang may kung anong bumara sa lalamunan ko.

"Uhm.. ito okay lang naman." Ang nahirapan kong sagot at nag iwas ng tingin.

"Bakit may mga galos ka?" Aniya.

"Wala ito,pawala na iyan. Uhm nadisgrasya kasi ako nung huling kita natin eh." Mahina kong sabi,nagulat n lang ako ng iharap niya ako sa kanya.

"Im sorry. Sana maintindihan mo ako balang araw,Nicolo. Hindi ko gustong gawin iyon. Totoong mahal kita at ayaw kong isipin mo na pinaglalaruan kita--" pinahinto ko siya sa pagsasalita sa pamamagitan ng halik.

Nagulat siya at hindi nakakibo pero tumugon din naman siya.

I missed him,I missed everything about him. I just love this guy na kahit anong sakit ay iindahin ko at tatanggapin. Hindi ito isang pag ibig na nabuo lang ng linggo o buwan. Isa itong pag ibig na pinatagal ng panahon at hindi ko kakayanin kung papakawalan ko pa.

Beautiful Days (Completed)Where stories live. Discover now