Kabanata 7

9.8K 272 16
                                    

"Anong ginawa nyo?" dinig kong tanong ni Kein.

"Hindi na yan mahalaga. Salamat na lang Kein,hindi ako makikipagkaibigan sa mga ganyan." galit na sabi ni Clive. "C'mon Kloyy,ihahatid na kita." at naglakad na kami paakyat.

"What have you done? Akala ko nagbibiro lang kayo!" dinig kong sigaw ni Auel bago kami tuluyang makalayo sa basement. Dumiretso kami sa labas at nakita ko agad ang kotse ni Clive. Agad kong pinahid ang mga luha ko.

"Pasensya na. Mukhang nasira ang araw mo." ang sabi ko ng makalapit kami sa kotse nya.

"Its not your fault. Ano nga palang ginagawa mo dun?" ani Clive at binuksan ang pinto ng frontseat. Pumasok na ako,umikot sya at sumakay na sa drivers seat.

"Sinama ako ni Auel para hindi daw ako ma bored sa bahay. Hindi naman namin alam na ganun ang mangyayari." ang sabi ko at pina andar na nya ang kotse.

"Sya din yung nag aabang sa tapat ng bahay mo diba?"

"Oo,hindi ko naman alam na kaibigan nya si Kein." ang sagot ko. Nahiling ko tuloy na sana huwag na ulit akong mainsulto ng ganon. Ang sakit pala.

"You know Kein?" aniya at bumaling sa akin. "Hanap muna tayo ng makakainan." dagdag pa nya at nagpatuloy sa pagdadrive.

"Oo,kasabay ko syang nag apply sa coffee shop. At yung si Auel naman,pamangkin nung may ari ng dati kong pinagtatrabahuhan. Ikaw? Pano ka napunta dun? Pano mo nakilala si Kein?" ang sabi ko naman.

"Sa kanya dati yung unit na tinitirahan ko ngayon. Binenta nya,tapos naging magkaibigan kami. Then kanina sabi nya ipapakilala nya ako sa mga tropa nya. What a small world,tropa nya yung kaibigan mo." sabi naman nya at nagpark sa tapat ng isang pizza parlor. "Pero hindi ko alam kung bakit kailangan pa nyang magtrabaho." dagdag pa ni Clive bago kami bumaba.

"Baka tulad ko gusto din nyang maging independent." ani ko ng papasok na kami sa pizza parlor.

"Pero ang yaman na nya,mas mayaman pa ata sya sa amin. Sikat na bussiness tycoon ang mga Sy." ani Clive. Napangiti ako,ngayon lang ata kami nag usap ng hindi ako naiilang.

Hindi na ako sumagot. Nag order sya at kumain kami,halos hindi namin maubos ito. Kaya naisip ko na umorder na lang ng isa pa para kina Winji.

"Para kina Winji. Dadaan muna ako sa kanila bago ako umuwi." aniko ng magtaka sya dahil nga umorder pa ako.

"Sama ako! Gusto kong makita si Winji." aniya at tumayo na din. Pumayag na lang ako,since naging kaibigan din naman nya si Winji nung nasa Cebu pa kami.

"Pizza! Pizza!" ang masayang sigaw ni Ujie ng dumating kami. Si kuya Uriel at Winji lang ang nandun.

"Kung hinahanap mo si Leer,nakakulong sa kwarto nya,may inaaral na misyon." ani Kuya Uriel at tinanggap yung box ng pizza.

"And at the same time,nagmumukmok. Bumalik na dito si Kii pero may kasamang boyfriend." dagdag ni Winji at kinalong si Ujie na nilalantakan na ang isang slice ng pizza ."Uy Clive! Nandito ka na din?" pagpansin nito kay Clive.

"Yup. Kasama ko si Yannah." nakangiting sagot ni Clive. Parang kumirot ang dibdib ko. Nagtaas naman ng kilay si Winji.

"By the way,kuya Uriel,this is Clive,kaibigan namin ni Winji sa Cebu. Clive this is kuya Uriel ang asawa ni Winji,at yang batang yan ang anak nila,si Ujie." pagpapakilala ko na lamang para hindi na mapag usapan pa si Yannah.

"Uriel Delgado." naglahad ng kamay si kuya Uriel.

"Clive Castillo po." pagtanggap ni Clive.

"Magaling kang pumili ng mga lalaking kaibigan Kloyy ah?" nakangiting sabi ni Kuya Uriel. "Nasan si Auel?"

Beautiful Days (Completed)Where stories live. Discover now