Season 1: Textmate ♡

334K 3.5K 415
                                    

REMINDER: Gusto ko lang sabihin na yung characters ko dito ay all in 4th year COLLEGE and graduating. May 1st sem and 2nd sem so if ever highschool mababasa niyo, just PM me what chapter para maedit ko :)

*****

PROLOGUE

*bzzt bzzt*

From: Blue Bear

Uy bakit hindi ka na nagreply?

Eto nanaman siya. Hay nako! Bad timing yung pagend ng unli ko! Di bale nalang mageexplain nalang ako sakaniya! Paniguradong magpapalambing 'to.

Humiga na ako at yumakap sa mga unan ko.

Sinong mag-aakala na magbabago ang buhay ko ng dahil sa isang wrong send lang?

Ni hindi ko man sya kilala pero ang gaan gaan ng pakiramdam ko pag lumabas ang pangalan nya sa screen ko hudyat ng isang text galing sakaniya.

Kahit mapagalitan ako sa kakapuyat go pa din dahil sa ang saya sa pakiramdam pag nakakausap ko sya

Pilit ko syang hinahanap pero madaming pumipigil sakin.. Kailan ko kaya sya makikita?

Makikilala?

Napakalaki ng mundo para mahanap ko siya

Ako si Kathryn Chandria Bernardo a.k.a. Miss Loner

Sino ka nga ba BLUE BEAR??

***
Twitter: @dhanedelionWP

Textmate [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon