Chapter 45 ♡

28K 598 48
                                    

Hey gawa na laptop ko hehe! At baka madalian lang 'tong Season 3 dahil focus na ako sa iba kong kwento :)). Pag wala ako dito baka nasa twitter ako lol @dhanedelionWP. See ya there!

******

Kathryn's POV:

Kasal na nina Khalil at Sofia ngayong araw at napalinga ako sa paligid dahil sa dami ng threats na pinapadala sakin ni Julia Barretto. Mga clues sila na hindi ko maipaliwanag! Una ay isang litrato ng isang cake shop, pinuntahan ko naman yun akala ko ay nakikipagkita siya pero walang Julia Barretto na dumating.

Nag-iwan lang ito ng note na nagsasabing..

"Tik tok tik tok tik tok boom! -J.B"

Pinatrace ko na sa mga police ang number na tumawag sakin, matatagalan daw sila dahil hindi naka-on ang location nung sim at mukhang galing ibang bansa pa ito. Sinabi ko naman na ayos lang at may dalawang private investigator na akong hinire. Pati body guards para kay Daniel dahil paniguradong siya ang puntirya ni Julia Barretto.

Nasabi ko na pala kina Julia Montes at Sofia ang pagbubuntis ko at sabi ko kung maari ay sekreto muna ito kila Daniel, Enrique at Khalil. Yung tungkol naman kay Julia Barretto ay baka bukas nalang pagkatapos ng kasal, ayaw kong nagpapanic sila sa araw na 'to.

"Talaga Sis?! Magiging tita na ako? YES!! Anong pangalan ni Baby Padilla?" tumawa pa si Julia Montes. Baby Padilla talaga?

"Hindi ko pa alam eh! Gusto ko sanang kami ni Daniel ang magdecide nun pag nalaman na namin kung baby boy ba o baby girl ito" hinimas ko yung tiyan ko. Ang saya sa pakiramdam na may baby sa tiyan.. nakakatakot pero mas mangingibabaw yung saya! At pag alam mo sa sarili mo na may aalagaan kang bata niyan ay parang maiiyak ka nalang.

Mood swings!!

"Kaya pala medyo chubby ka na Sis eh!!" inakbayan ako ni Sofia at hinawakan na din yung tiyan ko, nakisali na nga din si Julia M eh!

"Che! Chubby ka dyan" nagdabog ako at tinignan ang kabuuan ko sa salamin na nasa harap ko. Nakasuot na ang mga gown namin samin at hinihintay nalang namin ang organizer na tawagin kami. Natatago naman yung baby bump ko sa gown kaya ayos lang!

"Kailan mo ba sasabihin kay Daniel yan? Panigurado magugulat yun?" kinikilig na sabi ni Julia Montes. Sabi niya kasi sakin na kahit nagkatuluyan na kami ni Daniel ay fan na fan pa din siya ng KathNiel. Forever nga daw kami!

"Sabihin ang alin? Magugulat saan?" boses ni Daniel yun!

Nagulat kaming tatlo at napahiwalay at inayos namin ang gowns namin, magpapalusot palang kami ay sumingit na ang organizer samin na magsisimula na daw ang wedding march! Saved by the bell ako dun at ngiti lang ang sinagot ko dito.

Maganda ang church na napili nina Khalil at Sofia.. Solemn dahil kami kami lang ang invited sa seremonya pero sa reception mamaya dun madaming tao. Centralized ang lugar at nilamig pa nga ang likod ko sa lakas ng pagkakasindi ng aircon.

Nagmartsa na kaming lahat at pinanuod kung paano magpalitan ng vows si Khalil Ramos at Sofia Andres. Umiyak pa nga si Khalil eh!

"Bading mo pre!" sigaw ni Enrique na agad namang pinalo ni Julia Montes.

"Anong bading! Ikaw nga hagulgol ka nung kasal mo! Pakita ko pa yung video eh." sagot naman pabalik ni Khalil na nakapagpatahik kay Enrique.

Napuno ng tawanan ng mga tao ang buong simbahan, halos lahat din kasi ng invited dito ay naimbita sa kasal namin ni Daniel at kasal nina Enrique at Julia

Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni Daniel sa kamay ko, napatingin naman ako dito.

"Nung kasal ba natin umiyak ako?" bulong nito. Ako naman ang humagalpak sa tawa.

"Hmmm.. oo?" pagbibiro ko dito kahit hindi. Ngumuso lang ito.

"Kailangan ko na talagang mapanuod yung video nung kasal natin para matandaan ko na." hiniga niya ang ulo niya sa balikat ko. Hinawakan ko naman ang pisngi niya. Ang cute cute lang kasi!

Nagpatuloy ang seremonyas hanggang sa hahalikan na ni Khalil si Sofia. Natawa nanaman kami dahil humingi pa ng permiso sa magulang ni Sofia itong si Khalil halatang under de saya!

------------------------------

Nandito kami sa reception at halos mahilo ako sa sobrang dami ng taong inimbita nila. May media pa at mga paparazzi. Sabagay pinagpatuloy ni Khalil ang pagiging singer niya at si Sofia naman ay nag-artista! Nainterview nga sila agad pagkapasok nila, nakakasilaw din ang pagflash ng camera.

Lumayo ako dun at medyo nasuka sa amoy ng pagkain na nakahanda. Parang bahong baho ako dito kahit na imported naman ito at yung iba ay yung mga dati kong paborito!

"Ayos ka lang Kath? May masakit ba sayo?" inalalayan ako ni Daniel. Tumango naman ako at humanap ng pinakamalapit na silyang pwede kong upuan.

"Ayos lang.. nahilo lang sa init" sabi ko nang mahimasmasan ako.

"Mainit ba? Sige hintayin mo ako dito papalakasan ko lang yung aircon, Misis" tumayo at kinindatan niya pa ako. Kinilig naman ako sa sinabi niya!

Tinignan ko yung kabuuan ng venue. Maganda ito! Hindi nakasunod sa motif ng kasal nina Khalil at Sofia yung mga tela na ginamit kaya nangibabaw ang gowns ng mga kababihan tapos pinagpalit ng white suits yung mga lalaking nagseserve! Yung mga babaeng nasa may buffet table naman ay nakaputi din parang mga dyosa.

Sobrang halo halo ng motif na naisip nila pero hindi siya pangit tignan sa totoo lang ay napabilib pa ako! Sa 50th wedding anniversary namin ni Daniel sana dito kami. Humagikhik ako sa naiisip ko! 50th wedding agad?!

Nagsimulang magplay ang isang pamilyar na musika.A Thousand Years! Ineenjoy ko yung kanta habang naghihintay kay Daniel nang mahagip ng paningin ko si BEA BINENE!

What?! Una si Julia Barretto ang nagparamdam ngayon naman si Bea Binene? Eh di ba kampon ito ni Julia B? Bakit siya nandito? Sinali ba siya ni Sofia sa guestlist? Hindi maari dahil simula nung araw na pinahiya ako ni Bea sa adviser namin ay hate na siya ni Sofia!

Palinga linga ito sa paligid at ngumisi siya! Nakita kong galing siya sa table ng mga regalo para kina Khalil at Sofia. Bigla kong naalala yung note ni Julia Baretto.. kung talagang kampon niya ito ay may alam siya kung nasan ito!

"Tik tok tik tok tik tok boom! -J.B"

"Hala!" sabi ko. Balak ko siyang lapitan pero pagkurap ko ay wala na ito!! Nakatitig ako sa mga regalo na puro nakakahon..

"Tik tok tik tok tik tok boom! -J.B"

Tik tok? Oras

Boom? Pagsabog!

HALA!!!! BOMBA!!! Dito sa kasal? Oh no!

******

Twitter: @dhanedelionWP


Textmate [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon