Chapter 33 ♡

76.2K 1.1K 107
                                    

Kathryn's POV:

Naguguluhan... Ako'y naguguluhan sa nararamdaman ko. Ilang araw na akong lutang at misan kung sansan napapadpad yung isip ko!

Bakit ganun? Pansin ko na may nag-iba sa sarili ko. Hindi physically, pero mentally at emotionally meron... sa tuwing makikita ko si Daniel Padilla.

Alam mo yung feeling na.....

Masaya naman ako pag nandyan sya tapos pag malalaman kong absent sya bigla nalang na para akong binagsakan ng langit at lupa.

Pag kinakausap nya ako hindi ko na halos marinig ang pinaguusapan namin dahil sa ingay at bilis ng tibok ng puso ko... daig pa ang karera ng mga kabayo!

Halos sabunutan ko nga yung mga lintang mga babaeng lumalapit sakaniya pag may basketball game sya..pero napapatanong ako kung selos ba 'to at kung may karapatan ba ako?

Ano naman ikakaselos ko di ba? Nag-uusap lang naman sila?

"Kath mukhang malalim ang iniisip mo ah! Ahon naman." natatawang sabi ni Julia Sis sakin. Napatawa na din si Sofia, nandito kasi kami sa tambayan.

"Hindi malalim... baka pogi! Ayieee! Daniel Padilla yan noh?" pagngangatyaw pa ni Sofia.

Bumilis agad ang tibok ng puso ko pagkarinig palang ng pangalan niya.

See?

Normal pa ba ito?

"Baliw kayo!" yan nalang nasabi ko at umiwas ng tingin sandali. Napansin ko na may tinitignan si Sofia sa malayo pati na din si Julia Sis at napakunot ang noo ko.

"Sis si Daniel oh papalapit" kinikilig na sinabi ni Julia M.

Ha? Si Daniel? Nasan?

Nanlaki ang mga mata ko at lumingon sa tinitignan nila

Wala naman ah?

Ehhh bat parang dismayado pa ako?

"Alam na" narinig ko na bulong ni Sofia.

Anong alam na? Maski ako naguguluhan sa mga pangyayare eh...

"Change topic tayo" may ngisi sa mukha ni Julia M.

"Ano naman?" tanong ko, nagkaroon ako ng mood swings dahil narealize ko na niloloko lang nila ako kanina na nandyan at papalapit si Daniel

"Sige ako na magbibigay ng topic... So Kathryn!!! May partner ka na ba sa Senior's Ball? Malapit na yun ah.. May nag-iimbita na ba sayo?" kinikilig na sabi ni Sofia sabay tingin sakin ng matagal.

"Senior's Ball with the theme: How do I love thee?" with feelings na sabi ni Julia. Ang layo pa ng Valentines pero pang love ang theme? Halloween muna kaya!

Hahaha. Bitter.

"Huling ball na natin 'to Kath, so who's the lucky guy na makakakuha ng first dance mo? Last JS prom kasi umuwi ka kaagad!" sabi ni Julia. Bumuntong-hininga ako.

Oo nga ano..ang sabi hindi kumpleto ang HS life mo kung wala kang first dance man lang.

"Si Albie... at Sam ininvite na ako" pag-amin ko.

Ehhh bat parang ayaw ko pa? Parang may hinihintay pa ako na magyayaya sakin? Nagkatinginan ang dalawa kong kaibigan...

"Eh si Daniel hindi pa nagyaya?" sabay na sabi nila tapos sabay ding nanlaki ang mga mata nila. Umiling ako at ngumiti sakanila.

"Okay lang yun noh!!! Baka may partner na sya. Wala eh gwapo" natatawang sabi ko..pero parang pilit ang tawa ko tapos masakit sa puso.. alam mo yun?

Ang tanong: bakit ganito?

******

Daniel's POV:

"Tol nahihiya nga kasi ako!" pilit na sabi ko sa kabanda ko. Kulang kami, wala si Kuya JC.

"Asowwwws! Ang sabihin mo takot ka" inakbayan ako ni Lester!

"Takot san? Daniel Padilla, takot? Asa ka brod!" sabi ko sakaniya sabay hagis ng unan sa mukha niya. Nandito kami sa kwarto ko dahil sa bigla nilang pagbisita!

"Takot kang mareject" diretchong sabi ni Katsumi... nadali nya ah!

Napatigil ako.

Oo, maaring takot talaga ako.

Eh pano kasi hindi sa pag mamayabang, sanay ako na ako ang nagrereject pag may nagtatapat sakin ng feelings nila... pero in a good way naman! Good boy kaya ako..

"Ehhhh..." napakamot ako sa ulo. "Ano bang gagawin ko? Nauna na sakin si Albie at Sam eh"

"Nako pare, na kay Kath ang desisyon di ba?" singit ni Seth.

Tama... tama sya.

"Kung di mo sasabihin, di nya malalaman. Ayun nganga ka na lang.. kung mahal mo talaga, ipagsigawan mo! Mas torpe ka pa sa torpe pare eh! Padilla ba yan?" pang-aasar pa nito.

"Bading ka yata pre." tumatawa pa yung bwisit na si Katsumi!

"Torpe na kung torpe!!!" asar na sabi ko... kinuha ko ang phone ko at itetext ko na sana si Kath ng maalala ko na wala pala akong number nya. Nakalimutan kong hingin nung minsan! I cursed... pero sa kalagitnaan ng tensyon...

Naalala ko si Ms. Loner. Ang tagal na nun ah.. tapos siya pala si Julia B?

"Alam mo pare, sabihin mo na kasi bago pa mahuli ang lahat" ngising aso na sabi ni Katsumi. Ibang meaning ng ngisina yan eh alam ko

"PARA SA PAG-IBIG!!!!!!!!!!!" tumayo sina Lester at Seth at sumigaw sabay taas ng kamay nila at nagpose parang Power Rangers!

"Mga siraulo" bulong ko nalang. Di ko alam kung bakit ko sila naging kaibigan eh.

Bahala na... hintayin mo ako Kath

Textmate [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon