Chapter 28 ♡

82.5K 1.3K 100
                                    

Kathryn's POV:

"Miss Bernardo, alam mo naman na ang pamilya ni Miss Binene ang funder ng school natin. Sa isang pitik lang ay pwede nila tayong ipaclose dahil sa laki ng investment na binigay ng parents niya sa school natin. Bakit mo siya pina-iyak?" tanong nung adviser namin. Nangongonsensya pa sya. Nandito ako ngayon sa office niya dahil confidential daw ang matter na pag-uusapan namin.

"Uhm... Miss Dimapaniwala (Hehehehe), hindi ko po siya pina-iyak!" paliwanag ko. Tinitigan lang niya ako ng masama.

"So you're saying na SINUNGALING si Bea?" tanong nito sakin na nakataas na ang kaliwang kilay nito. Halatang nasa panig siya ni Bea dahil nga dun sa investment ng pamilya nito kay Bea.

"Hindi naman po sa ganun Ma'am. Ang sinasabi ko lang po ay bigla lang po siyang umiyak nung sinagot ko yung tanong niya. Wala po akong sinasabi na maarte at panget siya." sagot ko dito. Well, sa isip ko lang naman kinonclude na may ugali siyang hindi maganda. Don't tell me mind reader na din siya?

"If that's the case... Teka" parang chismosa na inilapit niya ang mukha niya sakin. As in super lapit kulang nalang magkiss kami. "Ano ba ang tinanong sayo ni Miss Binene? At ano naman ang sagot na nakapagpaiyak sakaniya?" pag-uusisa nito.

Bipolar lang teh? Kanina hindi mahulugan ng karayom sa room. Ngayon naman para ako nakasalang sa The Buzz at iniintriga sa pribado kong buhay!

Sa pagtanong ni Ma'am, naalala ko nanaman yung mga banat ni Daniel. Yung mga banat niya na aaminin ko na nagpakilig sakin

PERO!

Konti lang ah!

Konti lang as in 0.000000000000000000000001% lang!

Wala ng hihigit pa dun! Swear!

"Stop spacing out Ms. Bernardo. Ano na?" parang chismosa sa kanto na tanong nung adviser namin.

"TinanongpokasiniBeakungnililigawanakoniDanielsabikopoOOkayaumiyakposiyasabiponiyawalanadawposiyangpag-asataposayunpoumiyaknalang bigla!" mabilis na sabi ko.

Hiningal pa ako dahil dugtung-dugtong ang pagkwento ko. Napanganga nalang si Miss Dimapaniwala tapos ay balik sa pagiging serious na siya.

"Ha?"

Sabi sainyo BIPOLAR siya ehhh. Naibalik agad niya yung poise niya na nawala kanina. Pinagpag niya yung uniform niya tapos inayos yung salamin niya. Si Miss Dimapaniwala ay bata palang, agad siyang kinuha sa school namin dahil sa super galing niya at top notcher pa siya.

"Sa ngayon, bibigyan muna kita ng warning. Wag mo ng uulitin 'yun Miss Bernardo. Nagkakaintindihan ba tayo?" seryosong tanong ni Miss Dimapaniwala. Tumango nalang ako at pinalabas na niya ako. Ni hindi ko alam kung naintindihan niya ba ako.

Sa paglabas ko, tumambad sakin si Daniel na nakasandal sa pader at nakasuot ng Beats niyang headphones. Umiindak pa siya ehhh.

"Na sa iyo na ang lahat

Minamahal kita pagkat

Na sa iyo na ang lahat

Pati ang puso ko!"

Napangiti ako sa ginawa niya. Abot pala niya yung mataas na nota? Sabi kasi sa scrapbook niya hilig lang talaga niya ang pag-gigitara. Wala namang sinabi dun na pagkanta!

Pero don't get me wrong ah! Di ko siya iniistalk. Ano... Kasi... Nabasa ko lang. ACCIDENTALLY! Promise! Hindi ko talaga sinasadya!

"Na sa iyo na ang lahat

Minamahal kitang tapat

Na sa iyo na ang lahat..."

Mukhang napansin niya na ako kaya umalis siya sa pagkasandal at cool na cool na lumakad papunta sa direksyon ko.

"PATI ANG PUSO KO..." at naglipbite ang loko!

"Kathryn Chandria Manuel Bernardo..." nagsalita ito. Alam pala niya fullname ko?

"Ano?!" taray effect pa akong nalalaman.

"Kadiri ka!" sigaw nito. Napatingin ang mga tao sa corridor. Kahihiyan nanaman ang dulot ng lalaking ito sakin! Inamoy ko ang sarili ko, ang bango ko naman ah! Tsaka de-aircon ang room ni Miss Dimapaniwala kaya wala naman akong pawis.

Malakas ang tawa ni DJ tapos ay mas lumapit pa sakin. Napaatras ako dahil siguro isang ruler nalang ang layo ko sakaniya.

"Hindi ka talaga kadiri

Gusto lang kitang YUCK-apin. Kung pwede lang!"

Haladyuskupo! Ito nanaman yung mga wagas niyang banat! Kinilig yung mga nanunuod. Para bang nasa sinehan sila at isang blockbuster movie ang pinapanuod nila. Yung iba nga vinideohan yung kacornyhan ni Daniel ehhh

"DANIEL JOHN FORD PADILLA!" sigaw ko. May halong inis dahil panigurado kami nanaman ang topic niyan. Kasi naman ee!

"Hep hep!" pagpigil niya sakin. "Wag kukunot ang noo, papanget ka!" sabay hawak sa noo ko.

Tinaasan ko siya ng kilay. Tapos ay tinapik ko yung kamay niya para alisin ito. Tumawa nanaman siya.

"Bahala ka nga diyan! Baliw!" sabi ko sakaniya at nagsimula na akong maglakad papalayo sakaniya.

Sinundan niya ako sa paglalakad. As in pinantayan niya yung bilis ko sa paglakad kahit na may nabubunggo na siya. Panay ang sorry niya sa mga tao.

Nung medyo naging stampede na, nagkabody-contact kami dahil sa sobrang sikip. Yumuko siya sa tapat ng tenga ko tapos may binulong siya.

"BALIW NA BALIW SAYO..." naramdaman ko pa ang hininga nga! GOSH! Tama na po Lord. Tama na ang isang banat. Nanghihina na ang tuhod ko!

*badump*

Ano ito?

*badump*

Shet na malagket!

*badump*

Tumigil ka nga heart!

*badump*

*badump*

*badump*

Halos kabugin ko ng malakas ang dibdib ko. Kasi naman ayaw tumigil sa pagbadump! Stampede pa din kaya nagpawis na ako. Nilabas ni DJ ang panyo niya ang pinahid sa beads of sweat ko. Naks!

"Alam mo, kadiri ka talaga!" paninimula nito. Eto nanaman po ang banat niya. Hindi nalang ako kumibo

"Hindi kasi kita kayang EWWWWWWWWWWWWWWWan"

Textmate [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon