Sketch - 15

34.2K 488 27
                                    

Hindi ko maintindihan. Bakit para bang nasasaktan ako matapos ang lahat ng masaksihan ko. Bakit ako lumuluha? Si Denise Buendia. Hindi marunong masaktan. Walang iniiyakan. Ika nga ni Mama. Pero bakit ganito? Nasasaktan ako ng walang dahilan. Umiiyak ako ng walang dahilan. Sabay sa pagluha ko ay ang matinding pagbuhos ng ulan. Tumakbo na ako palayo. Paalis ng 4th Ave. Bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Naghahanap ako ng masisilungan. May nakita akong eskinita at doon, pumasok ako para makisilong muna. Doon, may nakita akong isang grupo ng mga lalakeng pamilyar sa akin na binubugbog ang isang lalake...Teka...Si Brix ito ah! 

At yung grupo ng mga lalake, yung mga seniors na nakalaban namin kahapon! 

Walang alinlangan akong lumapit agad sa grupo ng kalalakihang yun. 

"Hoy! Hindi talaga kayo marunong madala no? Mga duwag talaga kayong lahat!" 

Nagulat ang lider nila nung makita ako. Maging si Brix ay nagulat din. 

"Denise?!" 

"Na-naku...Yung lalake este babae...Tara na! Takbo na!" 

Nagtakbuhan agad ang mga loko. Mga duwag talaga kahit kailan! Linapitan ko si Brix at tinulungan ko syang tumayo ngunit inalis nya ang kamay ko. 

"Nakakainis. Babae pa nagligtas sa akin. Anong ginagawa mo dito Denise The Menace?" 

"Ha? Ah..eh..Wala..Napadaan lang...Ikaw? Ano bang ginagawa mo dito? At bakit kaaway mo nanaman ang mga yun?" 

"Narinig ko kasi kahapon na may balak silang gantihan si Xylan. Si Xylan naman kasi talaga kaaway nila. Aabangan daw nila ang paglabas ni Xylan sa bahay nya at saka sya pagtutulungan. Syempre, hindi ko naman sila pababayaan na gawin yun, kaya inunahan ko na sila bago pa nila mapuntahan si Xylan." 

Aba, kahit pala maangas at arogante itong si Brix, mabuti rin palang kaibigan. 

Patuloy na bumuhos ang malakas na ulan. 

"Anong pumasok sa utak mo at sumugod ka sa ulan ng wala man lang dalang payong!" dinampot ni Brix ang bag nya at nilabas ang malaki nyang jacket. 

"Tara Denise, kain tayo ng mainit na noodles sa malapit na resto dyan! Treat ko! May jacket ako para di ka mabasa." 

Ano? Manlilibre daw sya? Ayos ah! 

"Paano ka?" 

"Anong paano ako? Ano ako tanga na tulad mo na magpapakabasa din sa ulan? Hati tayo!" 

hati? 

Sinuot ni Brix sa left side ng jacket nya habang ang right side naman ay pinasuot sa akin. Para kaming tanga sa ginagawa nyang ito ah! 

"O? Edi ayos! Tara...Tatawid tayo papunta sa kabila ha..Tatakbo tayo! Ready? 1...2..3...Go!" 

Sketch 1Where stories live. Discover now