Sketch - 17

34.2K 527 164
                                    

Kinabukasan, pumasok na ako sa school. Basa pa din yung cap ko na pula kaya yung kulay blue naman ang ginamit ko. 

Ng nasa gate na ako ng school, nakita kong nakatambay doon ang grupo ni Xylan. 

"Good morning Denise!" Bati ni Brix sa akin. 

Napatingin ako agad kay Xylan. Nakatingin lang si Xylan sa akin at as usual, walang expression ang mukha. 

"Uy~ Good morning din! Bakit kayo andito?" Bati ko sa kanila. 

"Naku, paano kasi itong si Brix, sabi antayin ka daw namin!" sagot naman ni Jojo. 

Antayin ako? 

"Syempre, you're one of us! Ganito kaming magbabarkada, naghihintayan bago pumasok sa klase. Tara na! Sabay-sabay tayong umakyat!" 

Umakbay sa akin si Brix habang paakyat kami sa hagdan. Mukhang masayang masaya sya ngayon ah! 

Ako ang nauna sa pagpasok na classroom ng biglang, 

SPLASH! 

Isang timbang may lamang waterbased paint ang tumapon sa akin. Naku, paano na uniform ko?! 

"Grrrr..Kayo may kagagawan nito ano?!" Humarap ako sa grupo ni Xylan. 

"Ha? Hindi ah! Kita mong kasabay ka namin sa pagpasok!" 

Lumakad papuntang platform si Brix at, 

"Sino sa inyo may kagagawan nito? Para sa inyong impormasyon, wala ng maaring mangtrip kay Denise! Kami ang makakalaban nyo! Umamin na kayo kung ayaw nyong masaktan!" 

Wow, hanga naman ako kay Brix. Pinagtatanggol ako! 

Si Xylan naman, kinuha ang timba na may laman pang konting pintura at?. 

BINUHOS NYA SA ULO NYA? 

"O yan, para patas. Kami rin meron. Naniniwala ka pa bang kami ang gumawa nyan sayo?" 

"Tama! Tropa tayo! Kaya damayan tayo!" Gumulong gulong si Mikee sa natapon na pintura. 

"Haha! Kulang na lang maging kulay brown ang pintura at mukha ka ng baboy na naglalaro sa putikan!" 

"Ewan ko sayo! Lika nga dito!" Hinila ni Mikee si Alfred papunta sa pintura. 

Sumama na rin si Jojo. 

Naks, touched naman ako kila Xylan. Kahit maangas, sobrang tibay ng pagkakaibigan nila. 

Pero kay Xylan talaga ako nagulat. Hindi ko akalain na siya pa ang magsisimula nito. 

Sketch 1Where stories live. Discover now