Sketch - 36

29.5K 419 16
                                    

"Ay, on second thought. Hindi. Hindi ako nagseselos. Ayoko kay Denise. Kaya wag mo na syang ipagpilitan sa akin." 

"Ayoko kay Denise."

Sobra na sya. Ilang beses nya ba dapat ulit-ulitin yun? 

"Alam ko yun. Hindi mo na dapat ulit ulitin. Sana maging sensitibo ka naman kahit minsan Xylan. Maging sensitibo ka naman sa nararamdaman ko!" 

PAK! 

Hindi batok yun. Sinuntok ko ng malakas si Xylan. Tumilapon sya sa sahig. Hindi lang sya ang nagulat sa ginawa ko kundi maging si Brix. Pagkatapos nun, tumakbo na ako paalis ng park. Nagsisimula nanaman akong umiyak. Pagod na pagod na ako umiyak. Pagod na ako masaktan. Mas gusto ko po yung nasasaktan ako tuwing mapapaaway ako. Ayoko ng ganitong klaseng sakit. Sumusuko na ako. 

Maybe I should forget Xylan.... 

and.. 

Give Brix a chance... 

-0-0-0-0- 

Nakalipas na din ang tatlong buwan. Malapit na magchristmas vacation! Si Brix, heto naghihintay kung kailan ko sya papayagan manligaw. Actually, hindi ko pa talaga alam. Hindi ko parin magawang limutin si Xylan. Paano ba naman, lagi kami magkasama araw-araw. Pero hindi nga lang katulad ng dati. Tropa parin kami pero hindi na kami nagpapansinan. Si X-Rae na lang ang tanging dahilan kung bakit nagsasama kami tuwing sunday. Ang weird nga naming tignan. Kapag pinapasyal namin si X-Rae, may dalawang tali na nakakabit sa collar ni X-Rae. Hawak ni Xylan ang isa, habang hawak ko naman yung isa. Never kaming nagusap. Maging sila Kuya naweweirduhan sa Sunday routine namin na yun. Pero mabuti na yun para walang gulo. 

Last day na namin bago mag christmas vacation. Nakakapagtaka dahil absent si Xylan. Ayoko syempreng tanungin kung nasan sya. Pero tinanong ni Mr. De Guzman kila Brix kung asan sya. 

"Asan si Mr. De Jesus?" 

"Hindi po namin alam. Alam kasi namin, dumating na yung Papa nya galing sa bakasyon." 

Nung narinig ko yun, bigla akong kinutuban ako ng masama. Ewan ko kung bakit pero hindi ko na ito masyadong pinansin hanggang uwian. 

Paguwi ko sa amin hulaan nyo kung sino nakasalubong ko. 

Si X-Rae! 

Lumundag si X-Rae papunta sa akin. Sinalo ko sya. 

"Bakit? Anong problema? Dun kay kay Xylan ngayon. Ako na nakatoka sayo last week diba?" 

Bumatok lang ng bumatok si X-Rae. Grabe, sana naiintindihan ko sya. Tumalon sya pababa sa lupa at para bang gusto nya, ay sundan ko sya. 

Maya-maya nasa Alcantara St. Na kami. Aba, dinala nya ako sa bahay ni Xylan. Ano bang problema? Lalong lumakas ang pagbatok ni X-Rae. Para bang gusto nyang pumasok ako sa bahay nila Xylan. 

"Gusto mo ako pumasok dyan?" 

Tamang-tama nakita ko si Manang Flor sa may gate nila.Nung nakita nya ako, agad nya ako pinagbuksan. 

"Miss Denise! Pakiusap! Papatayin ata sa sobrang galit ni Don Roman si Xylan! Puntahan mo sya sa kwarto nya!" 

Tumakbo agad ako papasok ng bahay. Nagcoconflict ang pride ko at pagaalala ko kay Xylan pero syempre, nanaig ang nararamdaman ko para kay Xylan. 

Pagdating ko sa harap ng kwaro ni Xylan, nakalock ito. May naririnig akong mga kalabog at sigaw. 

"Hindi ka na nahiya! Gumawa ka pa ng gulo nung debut ni Diana! Ano na lang sasabihin ng mga magulang nya sa akin ha? Nagpapalaki ako ng isang basagulero?" 

Sinabi ko na nga ba, pag umuwi ang papa ni Xylan, paniguradong pagagalitan sya nito dahil dun sa insidente nung debut ni Diana. 

Well, walang mangyayari kung tatayo ako dito. Bahala na, eto na ang desperate move ko. 

PAK! 

Sinipa ko yung pintuan, medyo sumakit yung paa ko dun. Pero hindi umubra. Sinuntok ko na lang ito. Sinuntok ko ng ilang ulit hanggang sa bumigay 

CRASH! 

Bumagsak na yung pintuan. Tumambad sa akin ang bugbog sarado na si Xylan at ang nakakalat na mga piraso ng sketchpad nya sa kwarto. Nandilim na ang paningin ko, sinugod ko yung papa ni Xylan. Lumundag ako papunta sa likod nya para pigilan sya. Nakayakap ako sa leeg nya. Masyado syang malaki para maabot ko kaya ganun ang naisip kong paraan. 

"BAKIT MO GINAWA YUN?!" 

"Wag kang makialam dito! Sino ka ba?" Hinawakan nya ang isang kamay ko at sa isang hila lang, naihagis nya ako at tumilapon ako. Sa sobrang lakas ng pagkakahagis nya, tumama ako sa pader. Ang sakit nun ah! 

"Wag mong saktan si Denise!" 

Sumugod si Xylan. Pagtalon nya kay Don Roman, bumagsak ito at saka nya pinaulanan ng suntok. Natakot ako na baka mapatay nya ito kaya pinigilan ko sya. 

"Tama na Xylan! Tama na!" Saka lang tumigil si Xylan. Tumayo agad si Don Roman at lumayo kay Xylan. 

"Magbalot-balot ka na! Palalayasin na kita dito! Kung hindi, ipapapulis kita!" At umalis na sya ng kwarto. 

"Denise, okay ka lang? May masakit ba? Tara, dadalhin kita sa doktor." 

"Hindi ba't dapat ako ang nagtatanong nyan sayo? Mukhang nasaktan ka, lika papagamot natin yan." 

Hinawakan ko ang kamay nya pero bumitaw sya at tumayo. 

Napatingin ako sa remains nung sketchpad nya. Natira na lang ay yung last two pages. Yung isang page, punit na ang kalahati ng sketch ni Diana. Napansin ko tuloy yung last page. Yung last page ang tanging hindi nagalaw. Pagflip ko, 

Teka, ako ito ah?

Sketch 1Where stories live. Discover now