suminghot singhot siya. "Ang amoy na yun, na amoy ko na yun dati sa uncle ko, sa bus, sa isang lugar ang naalala ko parang.... yung...huh, hindi ko na maalala" napayuko siya, tapus tumingin namna sa akin. " bakit umiiyak ka?" tanong niya.

agad kung pinunasan yung luha sa mga mata ko.

"Nurse pwedi ba siyang mag byahe?" tanong ko

~~~

Someone POv

Naglalakad si Lacel kasama ang nurse niya papasok sa East West School, nilibot lang ng dalaga yung paningin niya, naisip niya na nasa pamilyar na lugar siya.

inalalayan siya ng nurse papasok sa Cafeteria , pag pasok niya pinapila siya ng nurse sa counter.

may nakita siyang pamilyar na tao.. sinuri niya lang ang mga mukha nito.

Nakita niya sa Pila sina Leo, Kyla at Bench nakangiti sa kanaya..

tapus tumingin siya sa likod niya nakita niyang naka upo sa isang table yung parents niya kamasa yung parents ni Paul.

Tumulo yung luha sa mga mata ni Lacel, hangang naka abot na siya sa counter at nakita niya na si Ms. Mendosa. ngumit ang dalaga kay Ms. mendosa.

Bigla may kumuha ng isang bagay sa harap niya at nakita niya ang isang lalaki na may hawak na Choco baby nakangiti sa kanya..

Lumapit siya kay Paul "Langit ba ang lugar na to?" tanong niya kay Paul.

"OO langit nga." sagot naman ni Paul. ngumiti ang dalaga.

hinawakan niya ang pisnge ni Paul

"Moks?" Tumulo yung luha sa mga mata ni Paul Tumango ito.

Hinigit na ni Paul si Lacel palabas ng Caf hindi alam ng maga tao doon kung saan dadalhin ni Paul si Lacel.

~~~

Paul Pov

Hindi ko alam kung hangang kailangan niya ako maalala basta ang gagawin ko lang ang matagal ko ng planu kailangan ko tanggapin lahat ng mangyayarin.

andito na kami ngayun sa Labas ng Beach nandito kami sa Boracay kung saan unang nakaramdam ng mabilis na pag tibok ng puso ko pag malapit si Lacel sa akin.

"Lacel papalipadin natin tong Lantern." sabi ko sa kanya.

"Wait lang Moks,." ngumiti ako namiss ko din tawaging niya akong Moks. hinawakan niya ang kabilang dulo ng lantern.

"Moks pangako mo sa akin na matapus ang araw na to ay magiging masaya ka at tatanggapin ang lahat ng mangyayari please mag hanap ka ng mamahalin mo pag hindi na uli kita maalala. Masaya ako at binigyan ako ng pag kataon na maalala ang lahat ng ganito katagal, tandaan mo Moks ang mga alaala lang ang mawawala sa akin hindi ang nararamdaman ko kasi ikaw lang ang nilalaman nito at wala ng iba. Please Moks maging masaya ka at tanggapin mo ang lahat." Tumulo yung mga luha sa mga mata niya.

"P-pinapangako kong magiging masaya ako pero hindi ako mag hahanap ng ibang mamahalin kasi ikaw lang ang mahal ko hayaan mo lang ako mahalin kahit hindi mo man ako maalala, tatanggapin ko lahat Lacel tatangggapin ko pero wag mo naman akong pag bawalan na mahalin ka."

"I love you Paul."

"mahal din kita Lacel." at hinalikan ko siya ng buong pag mamahal at dahan dahan naming pinalipad yung lantern.

Those memories of our love will last forever in our heart and no one can change it.

~~~~

2 Years Later

"Sir kailangan niyo na pong pirmahan ang lahat ng ito." tumango lang ako sa secretary ko at nilapag niya naman sa mesa ko ang mga papelis.

tambak ang trabaho ko ngayun pero kailangan namin siya puntahan.. Tinawagan ko na si Cheska na maghanda na kasi susunduin ko na siya ngayun after 15 mins.

Tinapus ko na lahat ng gawain at pipirmahan ko ngayung araw na ito. at lumabas na ako ng office ko..

~~~~

"Mommy Happy Birthday" nakangiting bati ni Cheska sa kanya.

"Happy Birthday." Inabot ko sa nurse yung Cake para ihanda niya.

"Sino kayo?" tanong niya. tumingin sa akin si Cheska parang nalungkot sa narinig niya.

"Mga kaibigan mo kami Lacel wag kang matakot." sabi ko kay Lacel

"Mommy Are you okay? Its your birthday dapat masaya ka." ngumiti naman si Lacel Kay Cheska at sininyasan niya itong lumapit sa kanya.

"Ang ganda mo, How old are you?"tanong ni Lacel kay Cheska, tumingin sa akin si Cheska at ngumiti nag go sign nalang ako.

Ang saya nilang tignan na masayang nag uusap, 2 dalawang taon na ganito ang ginagawa namin, Cheska siya yung batang nakasama namin noon sa mall pamangkin ni Lacel. malaki na siya ngayun.

Napatingin ako sa kamay ni Lacel, napangiti ako na hindi niya inaalis yung bracelet na binigay ko sa kanya noong birthday niya.

Simula noong umuwi kami galing Bora nawala na lahat ng aalala niya, kaya binalik ko na siya sa institute nalaman ng lahat ng pamilya ni Lacel.

1 time nakasabay ko si Cheska at yung pamilya niya kaya pag pumupunta ako kay Lacel kasama ko na siya.

2 taon mahirap maging masay pero yun ang pinangako kay Lacel kaya kinaya ko, Masaya akong nag mamanage ng Hotel namin..

sina Leo at Kyla naman Happy couple na ngayun.

Sabi ko nga hayaan niya akong mahalin siya kaya hangang ngayuns iya parin ang nialalman ng puso ko hindi ko magawang mag mahal ng iba dahil nasa kanya lang ang puso ko.

Hindi ko pa alam kung may mamahlin pa ba ako sa dadting na panahon pero ngayun ang gustong gawin ko lang ay alagaan at mahalin siya hangang kaya ko.

Hindi lahat ng Storya ay may happy ending wala tayo sa Faitytale na sa totoong buhay na tayo, matapus ang pag papaalala ko kay Lacel ng Lahat ay naging masaya ako.

Dahil sa huling pagkakataon nakilala niya ako at nasabi niya ang magatagal ko ng gustong marinig sa kanya.

Yun man ang huling araw na alala niya ako hindi paring mawawala ang nararamdaman ko sa kanya.

Nahihirapan man ako sa mga araw nadadaan na wala na siya sa tabi ko pero alam ko na nasa puso ko siya and the memories of us will last forever in Our Heart.

THE END...

Last Forever (JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon