Chapter 55: Unforgettable Memories

4.6K 371 43
                                    

Sobrang unexpected ng lahat ng nangyari, at ngayon ko lang na-appreciate ang company nina Gelo mula nang magpabalik-balik ako sa past. Sobrang kukulit nila, mas lalo na si Carlo. Dati, makulit na siya. Hindi ko naman in-expect na triple ang kulit niya ngayong close na kaming dalawa.

"Stella, my loves, kain ka pa," sabi pa ni Carlo habang sinasalinan ako ng maha blanca sa plato ko.

"Hoy, tukmol," putol agad ni Gelo sabay tapik sa kamay ni Carlo palayo sa plato ko. "Tigilan mo gelpren ko, ha?"

"My loves, inaaway ako ni Gelo, o!" sumbong pa ni Carlo sa akin.

"Um!" Ako naman ang humampas kay Gelo sa balikat. "'Wag mo ngang inaaway si Carlo."

"Aba!" Hindi pa siya makapaniwalang tiningnan ako. "Talagang kakampihan mo 'tong mukhang kuhol na 'to?" Binato pa niya ng kalamansi si Carlo.

"Mukhang kuhol? Ikaw, mukhang tubol. Stella, my loves, o!"

Nagtawanan na lang kami nina AJ sa kalokohan nilang dalawa. Ang saya ng lunch namin, panay tawanan kami sa table. Kahit kailan—kahit sa panaginip—hindi ko talaga inaasahang mangyayari ang ganito sa aming lima. Kung alam ko lang na mas mabuti pa silang kaibigan kaysa kina Chim, sana noon ko pa naisipang magpakatotoo sa sarili ko at piliin ang tamang mga tao para maging tama ang lahat ng maling pananaw ko.

Ilang beses din akong binati ng mga teacher ko. Ang active ko raw ngayon sa klase. Panay ang participate ko at tama pa ang lahat ng sinasagot ko.

Sina Chim? Halos magngitngit sa galit sa puwesto nila. At hindi siya makalapit sa akin para gumanti. Panay ba naman ang dikit ni Gelo sa akin, ewan ko na lang kung madampi pa ang kamay niya sa akin.

"Yiiee! Excited na 'kong makikain!" sabi pa ni Carlo at panay ang kembot sa puwesto niya. Magkakasama na naman kaming lima at hinihintay lang nila akong mag-ayos ng gamit para makauwi na kami—at para makakain na sila ng handa ni Mama sa bahay. Ilan na lang kaming natira sa room, paalis na rin ang iba.

"Parasitikong tunay ka talaga, Caloy!" sabi ni Jasper. E, kung tutuusin, isa rin siya sa masibang kumain.

"Kakapal ng apog n'yo, mga boy! 'Wag kayong kakain mamaya, ha!"

"'De, Carlo, patay-gutom ka lang talaga," sabi pa ni AJ at sabay-sabay kaming nagtawanan.

"Stella."

Sabay-sabay kaming napatingin sa pintuan. Nandoon si Belle, naiilang na nakatingin sa amin.

Umayos ng tindig ang apat. Mukhang alam nila na kapag isa sa apat kong ex-best friends ang nasa paligid, mapapahamak ako. Kaso, mag-isa lang si Belle.

"Ano . . . kasi . . ." Napahimas siya sa kaliwang braso niya. Nahihiya pa siyang magsalita.

Sige, sabihin na nating may atraso silang apat sa akin, pero baka may napag-isip-isip si Belle matapos ang mga sinabi ko kanina.

At kung lumapit man siya dahil lang kay Jasper at hindi para makipag-ayos, siguro, tama na ang samaan ng loob para gumanti sa ganitong paraan na ipagdadamot ko ang chance sa kanya. Kasi hindi naman nagdamot ang buhay sa akin noong hinayaan akong makabalik sa past para baguhin ang lahat. Kung ang buhay nga, binigyan ako ng second chance kahit hindi ko alam kung deserving ako, ako pa kaya para kay Belle?

"Birthday ko ngayon, Belle," sabi ko pa, nakangiti nang kaunti para timplahin ang mood naming pare-pareho.

Tumango siya nang bahagya at matipid na ngumiti. "Alam ko. May reminder sa phone ko lahat ng birthday n'yong apat nina . . ." Matipid na ngiti lang ang ginawa niyang panapos sa sinasabi niya.

May reminder pala ang birthday ko kahit na nagkagalit-galit na kami. Napangiti ako nang kaunti dahil doon.

"May handa sa bahay, gusto mong sumama sa 'min?" alok ko pa.

When It All Starts AgainWhere stories live. Discover now