Chapter 31: Trails of Future's Past

5.1K 433 67
                                    

Nagtatagal na ako rito sa Botanical Garden kasama itong PJ na ito.

Nakaka-bad trip. Dagdag problema. Huwag lang talaga akong gapangan ng higad dito, sinasabi ko na, magwawala talaga ako.

Sa katunayan, maganda dito dahil maraming bulaklak at puno. Pero dahil din doon kaya ayaw ko rito. Ayoko ng higad at uod, at napakadami niyon dito. Hindi ito kasing-magical ng fountain para sa akin, pero ang iba, gustong tumambay rito kasi malamig at masarap ang simoy ng hangin. Which is totoo naman.

Saka may bad memories kasi ako rito. Lagi kasi akong hinahatak at pinagti-trip-an dito ng mga classmate ko kapag may gusto silang pagtawanan noon kaya ayoko talaga sa lugar na ito. Na-trauma na ako noong hinagisan ako rito noong Freshman days ko ng napakalaking itim na uod. At si Angelo pa ang may gawa. Wow, so memorable.

Naririnig ko ang mga huni ng ibon dito sa garden. Sumandal na lang ako sa may inuupuan kong bench at tiningnan ang lugar.

"Alam mo, hindi ko alam ang nangyayari no'ng nagising ako kanina sa room," pagsisimula ko ng kuwento habang nakatitig sa mga dahon. "Bigla na lang akong kinompronta ng dati kong friend. Kung ano-ano ang sinabi niya sa 'kin. Na malandi ako. Na makati, haliparot, mga gano'n. Hindi ko naman siya balak patulan. Sanay na 'ko sa mga sinasabi niya. Pero bigla niyang hinalbot sa akin yung kuwintas ko. Importante 'yon sa 'kin. Sobra."

Inilipat ko ang tingin kay PJ na kasalukuyang nakasandal sa puno ng santol at naglalaro ng pinitas niyang bulaklak ng gumamela dahil nabuburyong na raw siya sa katahimikan.

"Hindi niya isinauli kaya ka umiiyak?" tanong niya sa akin.

"Dinurog niya kaya ako umiiyak. Wala na siyang isasauli. Wala nang ibabalik. Wala nang pag-asa."

"Siya lang ba ang umaway sa 'yo?"

Bumuntonghininga ako at saka umiling. "Yung lalaking nagbigay sa 'kin ng necklace, pinagtanggol niya yung dumurog ng gift niya."

"Bakit niya kinampihan? Girlfriend ba niya 'yon?"

Umiling na lang ako at hindi na nagsalita. "Hindi ko alam e. Baka. Siguro. Gusto niya 'yon e. Matagal na."

"May witness ba sa nangyaring pambu-bully sa 'yo?"

"Oo, marami."

"Dapat sinumbong nila sa teacher."

"Useless. Kampi yung teacher sa kanya. Ano'ng laban ko r'on e Valedictorian 'yon?"

Tumahimik na lang siya at tiningnan ang paligid. Tumango na lang ako at bumuga na naman ng hangin.

Kahit paano kumalma na rin ako rito. So far, wala pa namang gumagapang na kung ano sa akin.

"Alam mo, favorite place ko 'tong lugar na 'to," putol ni PJ sa katahimikan namin. "Masaya ako kapag nandito ako. Lalo tuloy akong sumaya kasi nandito ka," sabi niya sabay ngiti sa akin.

"PJ, 'wag kang ma-o-offend, ha? Pero alam mo, masyado ka pang bata para sa 'kin."

At kung titingnan ang edad ko ngayon sa katawang ito, sobrang bata niya.

"14 ka pa lang, di ba? 13 na ako e. Kaunti lang ang difference."

Napakunot na lang ako ng noo.

"13 ka na?"

"Oo! Last January!"

Kung birthday ko ngayon, ibig sabihin . . . "Matanda lang pala ako ng dalawang taon."

"Bakit dalawa?" tanong pa niya.

"Birthday ko ngayon. Fifteenth."

Tumango na lang siya nang dahan-dahan. "Birthday mo. Galing."

Natahimik na naman kami. Habang tumatagal, kumakalma na ako rito. Wala pang gumagapang na higad o uod at mas malamig din kaysa roon sa quadrangle.

Napalingon ako kay PJ nang makita kong tumayo na siya. Dumipa siya habang nakatingala. Nakapikit siya at parang nilalanghap niya ang malamig na hangin sa pumupuno sa buong garden.

"Alam mo, may pinapatugtog si Kuya na kanta. Paborito ko nga 'yon e."

Nag-hum siya at nag-sway. Pamilyar ang humming tune niya.

"When the visions around you, bring tears to your eyes. And all that sorrounds you are secret and lies . . ."

Itinaas niya ang kamay niya at nag-wave na para siyang nasa concert at may sinasabayang kanta.

"I'll be your strength, I'll give you hope, keeping your faith when its gone . . ."

Kinuha niya ang kamay ko at hinatak ako palapit sa kanya. Nagpadala na lang ako sa pagkuha niya sa akin habang inaalala kong parang nangyari na ang lahat ng ito.

"The one you should call was standing here all along . . ."

Inilagay niya ang mga kamay ko sa balikat niya.

"And I will take you in my arms and hold you right where you belong . . ."

Inilagay niya ang mga kamay niya sa baywang ko.

Ang weird ng ginagawa niya kasi . . . pakiramdam ko, nangyari na ang lahat ng ito.

"Til the day my life is through, this I promise you . . ."

Hindi ko maipaliwanag. Nagkita na ba kami dati?

"I've loved you forever, in lifetimes before . . ."

Hindi na bago ang kanta pero bakit—bakit parang narinig ko na itong kantahin niya?

"And I promise you never will you hurt anymore . . ."

Malamang na may itatangkad pa siya. Nasa eye level ko ang height niya, at 13 pa lang siya. Siguro, puwedeng magkasing-height na sila ni Philip after five years.

"I give you my word, I give you my heart this is a battle we've won . . ."

Si Philip. Oo nga. Naalala ko. Kinanta din pala ito ni Philip kanina sa may santol.

Kanina?

"And with this vow, forever has now begun—"

Napahinto ako sa pagsasayaw namin at tinitigan ko siyang maigi.

"O? Napapagod ka na ba?" alanganing tanong pa niya paghinto niya sa pagkanta.

Walang pagdadalawang-isip, niyakap ko na lang siya. "Thanks, PJ. Sana makita kita sa mga panahong kailan ko ng kasama."

Naramdaman kong natawa siya nang mahina. "Oo ba! 'Wag kang mag-alala, hahanapin kita sa mga panahong 'yan. Ako pa ba?"

Huminga na lang ako nang malalim at tinapik ang likod niya.

"Sana nga, PJ. Sana nga."

Bumitiw na ako sa pagkakayakap ko sa kanya at ngumiti.

"Sana mahanap kita after five years. Sa panahong 'yon, sure akong malaki ang pag-asa mo sa 'kin. Siguraduhin mo lang na wala kang girlfriend, ha?" Ginulo ko ang buhok niya. "Kung hindi man kita mahanap, sana ako ang mahanap mo. Sa Santa Clara ako nag-aaral sa mga panahong 'yon."

Lumakad na ako paalis sa Botanical Garden. Siguro, tama na ito. Kailangan ko nang bumalik.

"Five years pa? Tagal naman!" sigaw niya.

"Nasa legal age ka na kasi sa mga panahong 'yon!" Kumaway na lang ako sa kanya. Nakalabas na ako ng garden nang marinig pa ang huling isinigaw niya.

"Happy Birthday, Stella!"

When It All Starts AgainWhere stories live. Discover now