Chapter 54: Sweet Revenge

Start from the beginning
                                    

"Bakit? Iniisip mo ba, pipiliin ka ni AJ, ha?" bintang niya habang pinanlalakihan ako ng mata. Unang beses yata naming makita si Chim na umabot na sa sukdulan ang inis—unang beses mula nang maging kaibigan ko siya. Ang taas ng kilay niyang ginuhitan at kitang-kita sa mata niya ang labis na pagmamaldita. Makikita ngayon ng lahat ang tunay na ugali niya.

"Ako ba ang nag-iisip niyan o ikaw?" tanong ko sabay ngisi. Huwag niya akong hahamunin ngayon, uulitin ko ang ginawa ko noong nakaraan sa kanya kung gusto niya. "Ako ba yung lumalandi kay AJ? Ako ba yung papansin? Ako ba yung feeling aso na buntot nang buntot sa kanya kahit obvious na ayaw niya sa taong 'yon?" Nagpamaywang pa ako. "Kasi, si AJ ang lumalapit sa 'kin nang kusa. Hindi ako."

"Aargh!" malakas ang sigaw niya at padabog na lumapit sa akin para sabunutan ako. Agad ulit ang takbo ko sa aisle ng room para makaiwas.

Pinanonood lang kami ng iba. Hindi nila alam kung aawat ba o hihintayin na lang kaming magsuguran.

"Malandi ka!" tili na naman niya at halos manggigil sa kinatatayuan. "Girls! Hawakan n'yo!"

Ito na ang go signal ng amo. Mukhang pagtutulungan na ako ng tatlo.

Kumuha agad ako ng libro sa katabi kong upuan at akmang ibabato iyon kay Belle na mabilis na nakalapit.

"Sige, lapit!" hamon ko pa. "Mga bully kayo! Akala n'yo, hindi ako lalaban?"

"Belle! Grab her! Ano pa'ng tinutunga-tunganga mo, isa ka pang tanga!"

Nakasimangot kaming pareho ni Belle. Sumugod siya, tatama ang hawak ko sa mukha niya.

"Belle, pumapayag kang tawaging tanga ni Chim?" tudyo ko at saka siya inilingan. "Alam mo, papansinin ka sana ni Jasper kung naging friendly ka lang, lalo na sa 'kin. Imagine, kung ako yung kasama mo at kinakaibigan mo, e di sana, close na sana kayo ni Jasper ngayon. Hindi mo na kailangang pigilan ang sarili mong makuha si Jasper dahil lang sinabi ni Chim."

Biglang namula si Belle pagkarinig niyon at parang kumalma na siya. Napalingon siya kay Chim sabay balik ng tingin sa akin.

"Paano mo nalamang—" pabulong pa niyang sermon sa akin. Mababasa agad sa mga mata niya na hindi niya inaasahan ang sinabi ko. Mukhang nag-pa-panic na rin siya.

"Puwede ka namang mamili ngayon, Belle. Hindi ako o si Chim. Pero mamili ka kung si Chim o si Jasper."

Nakikita naming mga nasa likuran na mukhang hirap na si Belle mamili dahil sa sinabi ko.

"Isabelle!" tili pa ni Chim. "Ano ba!"

"Belle!" pagtawag pa ng dalawang nasa likuran niya.

Nagulat na lang kaming lahat kasi bigla-biglang tumakbo palabas ng room si Belle.

Puno ng pagtataka ang tingin nina Arlene at Jane. Hindi yata inaasahan ang nangyari. Napatingin tuloy silang lahat sa akin.

"Girls!" tili na naman ni Chim, mas lalong nanggigil ngayon. At mas lalong nalito ang dalawang naiwan kasama niya.

Tumakbo si Jane palabas para yata sundan si Belle. Si Arlene ang naiwan, at malas niya kasi mas malaki ako sa kanya. Si Belle lang ang kayang tumapat sa height ko. At kung pagbabasehan ang taas niyang hanggang leeg ko lang at laki kong doble ng kanya, ewan ko na lang kung hindi siya mapilayan sa posible kong gawin.

"Chim . . ." paghingi pa niya ng tulong sa kaibigan—kung kaibigan nga ba ang turing nito sa kanya.

"Isa ka pang walang kuwenta! Magsama-sama kayong mga buwisit kayo!" sigaw ni Chim at nagmartsa agad palabas ng room.

Lumingon sa akin si Arlene na halatang naiinis dahil sa nangyari. Ilang saglit pa, sinundan na rin niya si Chim.

Ang lakas ng pagbuga ko ng hangin at paglapag ng librong hawak ko sa upuan. Libro pa pala ni Allen ang nakuha ko at hindi ko ma-explain ang hilatsa ng mukha niya pagtama ng mga tingin namin.

Nagkibit-balikat na lang ako at naglakad palapit sa upuan ko. Ang tahimik naming lahat, halatang shocked pa sa kung anumang nangyari ilang minuto lang ang nakararaan.

Nakatayo lang ako sa tapat ng upuan ko at nilingon ko ang labas ng pinto. Kung saan man napunta sina Chim, hindi ko na alam at hindi na babalaking malaman pa.

"Alam n'yo, si Chim," sabi ko pa sa kanilang lahat habang nakatingin sa labas, "siya yung klase ng batang nasobrahan sa aruga." Tumango pa ako at saka sila tiningnan lahat. "Sayang siya e. Maganda sana saka may utak kaso masama ang ugali."

Umupo na ako at ngayon ko lang naramdaman ang sobrang lakas na kalabog ng dibdib ko. Ngayon lang nag-sink in sa akin ang kaba dahil sa nangyari. Late na nag-react ang katawan ko sa tensyon. Feeling ko, uminit bigla ang paligid at napapaypay ako nang di-oras.

Sakto ang pagbalik ng apat. Walang komosyon, walang iyakan, walang sumbatan. Tawanan pa sila nang tawanan nang makatapak ulit sa room.

"Hoy, Ste," pambungad agad ni Gelo at umupo sa tabi ko sabay akbay. Ang tamis ng ngiti niya sa akin. Napangiti rin ako. Hindi lang dahil nahawa ako sa ngiti niya kundi dahil walang dahilan para umiyak ako ngayong araw dahil sa nasirang pendant na regalo niya. "O, ba't pawis ka?"

Pinunasan niya ang noo kong may namuong pawis dahil sa nangyaring habulan kanina.

Kung alam lang niya.

When It All Starts AgainWhere stories live. Discover now