Chapter 38 - Battle Royale

590 27 14
                                    

Dahan-dahan nang lumalapit papunta sa kanila si Sir Raygon. Wala itong hawak na armas o kung ano man, ngunit nakataas na ang sleeve ng suot nitong long sleeve, at nakahanda na rin ang kanyang mga kamao. He looks like a boxer with no boxing gloves. Handang-handa na talaga siya upang makipag-laban sa kanila.

Imbis na matakot sa ganitong sitwasyon, ay napatawa na lamang ang mga magkakaibigan. Hindi nila alam kung bakit, ngunit nawala ang kanilang pagka-kaba nang makita ito atsaka nagbulungan. Tila na-adapt na nila ang coping mechanism na tumawa sa mga serious situations. Alam nila na maaaring hindi na sila maka-tawa mamaya, ngunit wala silang pakialam dito dahil sama-sama naman sila.

"Do you guys think that we could defeat him?" Maxwell asked. Tinignan niya at inilibot ang kanyang mga paningin sa kanyang mga kasama.

"May nakikita ka bang mga weapons na maaari nating gamitin? And, if we could defeat him. . . Then with what?" Sagot naman ni Lexie sa kanya.

"With the power of friendship, as easy as that!" Aidan said, sarcastically. "Well, we don't have knifes, or guns, or anything that we can use to defeat him. . . But we can use the power of our friendship to kill him!"

Napatawa naman ang lahat dahil sa kanyang sinabi. They then turned silent, afterwards. Tahimik, ngunit hindi awkward ang ambiance ng paligid. Tinignan nila ang isa't isa habang nakangiti. Tinignan nila ang isa't isa nang maluwag sa kalooban. Tila tanggap na nila ang mga mangyayare. Tila handa na silang mamatay sa pagkakataong ito.

Ginulo ni Flerida ang buhok ni Aidan nang sabihin niya ito. Napangiti naman si Aidan dahil dito. "You still don't fail to amaze us with your humor, you little freak."

Napatingin ang lahat kay Sir Raygon, na ngayon ay nagwa-warm up pa rin sa may pasilyo ng bus. Nasuntok-suntok ito sa hangin habang nakatingin sa kanila. Tila ifine-flex pa nito ang kanyang kagalingan sa boxing, kahit na hindi naman talaga siya marunong, bago kaharapin sila.

"Susugurin ba na natin siya in one take? Sabay-sabay ba tayong aabante papunta sa kanya?" Faith asked.

Napailing si Tom na nasa kanyang tabi. "Hindi tayo magkakasya sa aisle ng bus since napakaliit ng lalakaran. . . Kapag ginawa natin iyan, magkakatamaan lang tayong lahat."

"Tiyaka isa pa, there's a dead body in the middle of the bus— infront of us! Hindi tayo makakagalaw nang ayos kung susugod na kaagad tayong anim. Matatapakan lang natin ang bangkay ni Jill kapag ginawa natin iyan." Dagdag pa ni Aidan.

"So, one-on-one it is?" Flerida asked.

Napatango naman si Maxwell. "Yep! And we'll also gonna die one-on-one, if that helps."

Napatawa naman ang lahat. "Atleast, we tried!"

"Pero failed nga lang. . . But atleast, sabi nga natin, we tried!" Dagdag pa ni Lexie rito. Mas lalo lang nagtawanan ang lahat.

"I guess, good luck sa atin?" Tom said.

"Good luck kamo sa kanya! Tayo pa ang kakalabanin niya, eh may power of friendship nga tayo!" Ani naman ni Faith. Hindi na nila mapigilan pa ang pagtawa.

"Patutumbahin natin siya with the fucking power of our friendship!" Aidan assured to them. Napangiti ang lahat dahil dito. Kahit kinakabahan man, ay tumaas naman ang kanilang kumpiyansa dahil dito. Matalo man o manalo, mabuhay man o mamatay, ay buong puso nilang sasabihin na ginawa nila ang lahat at hindi sila nagkulang.

Humarap na ulit sila kay Sir Raygon, na ngayon ay nakaharap na sa kanila at handang-handa na upang kalabanin sila. It has confirmed. Kumpirmado na nga na nasiraan na ng bait si Sir Raygon, at gagawin niya ang lahat upang walang mabuhay sa kanila sa loob ng bus na ito. He is now a psychopath. A psychopath with thrill. Gusto muna niyang paglaruan ang kanyang mga biktima, bago niya ito patayin.

The School OutbreakWhere stories live. Discover now