Chapter 30 - Having Some Fun

547 33 9
                                    

Nakaalis na silang lahat mula sa kanilang eskwelahan. Hindi na nila maitago pa ang kanilang kasiyahan, dahil sa wakas ay hindi na nila kailangan pang humarap sa napakaraming mga zombies na iyon, na halos pumatay na sa kanila. They made it out there alive, and even if they are just less than twenty, ay marami pa rin sila at walang naiwan sa kanila sa Tagaytay.

Magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman ngayon ng circle of friends nina Tom. Ngayon lang kasi nila na-realize na wala na palang nakaligtas sa mga kaklase nila. Napakarami pa nila noong unang araw ng outbreak na ito, ngunit ngayon ay napunta na lamang ito sa kanilang lima. Sa hinaba-haba ng kanilang mga paglalakbay ay dito lang pala mapupunta ang lahat. Na sila na lamang ang matitira. Na sila na lamang ang mabubuhay. Hindi naman niya maiwasang mapa-iling, habang nakatingin sa kanilang dinaraanan sa labas, dahil sa pagkalungkot.

Masakit isipin para sa kanya na ang kanyang mga kaklase sa halos dalawang taon ay hindi na niya makikita pa. Hindi rin niya maiwasang maisip ang mga napagsamahan nila, before or even after tumama ang virus na ito sa kanila. Naaalala nila ang mga tawanan nila habang nasa classroom sila. Naaalala nila ang mga pag-aagawan nila sa pagkain noong mga unang araw ng outbreak na ito, ang pag-go-grouphug nila, at ang mga kantahan nila tuwing hatinggabi kapag hindi pa sila makatulog.

Inilabas ni Tom ang cellphone ni Jaydee mula sa kanyang bulsa. Wala na itong battery, ngunit dito naka-save ang pinaka-huling group photo nilang magka-kaklase kaya naman hindi niya ito magawang itapon. Ito na lamang kasi ang tanging ala-ala niya sa kanila. Lahat ng mga gamit niya ay naiwan na sa Tagaytay, at tipong kahit piso ay wala siyang dala. He have no clothes, no bags, no things, and no anything! Tanging itong cellphone na lamang talaga ni Jaydee ang nailigtas niya mula sa lahat ng sakuna, at hindi na niya hahayaan pang mawala ito sa piling niya. Ipapa-frame niya ang kanilang picture na magkakaklase. Hindi niya hahayaang mawala sa ala-ala niya ang mga pinagsamahan nila.

"Bakit parang hindi ka masayang naka-alis na tayo mula sa Tagaytay?" Napalingon si Tom sa kanyang gilid nang marinig niya na may nagsalita. Nakita niya na si Flerida ito. Nakatingin lamang ito sa kanya, habang nakatingin din sa cellphone na hawak niya.

"No. . . I mean, yes. . . I mean— Oo, masaya ako. . . Pero namatay ang mga kaklase namin nang hindi man lang nila nararating ang lugar na ito. . . They have super high hopes that they will gonna survive this zombie outbreak— pero hindi nila nagawa. . . Looking back, napaka-positive nila dahil gagawin nila ang lahat para lang makaligtas kami sa mga sitwasyon namin dati. . . Pero kung sino pa ang hindi deserving— which is ako, since pag-uutos lang naman ang alam ko— ay nakaligtas at naka-alis pa sa lugar na iyon."

"If there is one person here that is not deserving, siya iyon." Tinuro ni Flerida gamit ang bibig si Sir Raygon. Patuloy pa rin ito sa kanyang pagda-drive na tipong hindi na sila napapansin nito dahil dito. Focused na focused ito sa pagda-drive niya na tipong hindi na siya kumukurap. Napailing na lamang si Tom dahil dito. "And, I saw everything that you did from the start! From leading them, to leading us, from saving them, to saving us, kaya bakit mo sinasabing hindi mo deserve iyan? You deserve it more than anyone else here. Even me."

"You saved our lives from those two gardener infectees back there! Kaya, bakit sinasabi mo na mas deserve ko pa ang spot mo kaysa sa'yo? Tsaka, kung hindi mo lang sana ginawa iyon, baka putol-putol na rin sana tayo sa dalawa at may mga saksak na. You're the real deserving here. Not us."

Napangiti naman si Flerida dahil sa kanyang mga narinig. "Sabi ko kasi sa inyo, eh! Ayaw niyo lang kasi talagang magtiwala sa mga kakayahan ko. . . Sabi ko na nga ba at maililigtas ko pa ulit kayo sa pangalawang pagkakataon! Masyado niyo lang minamaliit ang fighting skills ko, pero hindi niyo alam, sobrang lakas neto!"

Napatawa naman si Tom dahil sa kanya. Kahit papaano ay nabawasan nang kaunti ang kanyang kalungkutan. "But, magiging maayos din naman ang lahat nang ito, diba? Maybe, after some few years, or even just months, ay mawawala na rin ang lahat nang ito. The world is not ending yet, right? We are still not under a post-apocalyptic event."

The School OutbreakWhere stories live. Discover now