Chapter 36 - Unimprisoned

167 6 3
                                    

All of them are now running towards the front door. Nauuna sa pagtakbo sina Faith, Maxwell, at Lexie para gabayan ang kanilang mga kasama. The three of them are now taking the lead, and making sure that it's safe out there for them to survive. Sinisigurado nila na walang nasugod na mga zombies sa dinaraanan nila upang makaligtas sila at hindi na mabawasan pa.

Jill, Richalaine, Amber, and Sir Raygon are located at the middle of the line. Nakasunod naman sila doon sa tatlong nangunguna upang masigurado nila ang kanilang kaligtasan. Some of the infectees were running towards them, ngunit may hawak naman silang mga baril kaya naman sila na ang bahala rito at hindi na nagsayang ng oras pa.

Aidan, Tom, and Flerida are located behind all of them. Sinisigurado kasi nila na walang maiiwan sa kanila sa lugar na ito. With Ethan and Devon's death, sigurado sila na sampu na lamang sila ngayong natitira. Binilisan na nila ang kanilang mga paglakad. Unti-unti na kasing dumarami ang mga infected na umaaligid sa kanila, kaya naman sigurado sila na kapag hindi pa sila umalis sa lugar na ito ay magiging pagkain na sila.

Dumiretso sina Maxwell, Lexie, at Faith sa sinakyan nilang jeep kanina. Sasakay na sana sina Lexie at Faith sa loob nito, habang si Maxwell naman sa may driver's seat, nang makita nila ang bangkay ni Francis sa loob nito. Putol-putol na ang katawan nito habang naagos na ang dugo mula sa jeepney. Nakita nila na nandoon pa ang infected na kumakain sa katawan ni Framcis, kaya naman agad na nagsigawan ang dalawang babae atsaka umurong.

Maxwell looked behind him. Takang-taka siya kung bakit nagsigawan bigla ang kanyang mga kasama. Nagmamadali na kasi siya kanina kaya naman hindi na niya ito nai-check pa. Nang makita niyang ganito pala ang sitwasyon sa loob ng jeepney ay tiyaka siya bumaba, habang nagsisisigaw na rin, atsaka tumakbo.

Bumaba ang babaeng infected mula sa jeepney atsaka hinabol si Maxwell. Nakuha kasi niya ang atensiyon nito noong nagsisisigaw siya, kaya naman siya na ang susunod nitong puntirya. Natataranta na ang lahat ng mga tao rito at nagkakagulo. Hindi na nila alam kung saan sila pupunta, dahil unti-unti na ring narami ang mga infected na pumapalibot sa kanila. They all thought that this is the end. Tila dito na magtatapos ang lahat ng kanilang mga paglalakbay.

Faith reloaded her gun and aim it on the infected whose chasing Maxwell. Nang ma-lock niya ang kanyang paningin dito ay ipinutok na niya ang kanyang baril, na sumakto naman sa sentido noong babaeng infected. Napayuko naman si Maxwell dahil sa takot. Tinakpan pa niya ang kanyang tenga dahil muntikan na siyang matamaan nito. He slowly looked behind him, and saw Faith holding out her gun. Nausok pa ang dulo nito, na siya naman nitong hinipan.

"Never doubt my aiming skills." Ani Faith atsaka ngumisi. Lumapit si Lexie sa posisyon ni Maxwell atsaka ito tinulungang maglakad. Nanginginig pa rin kasi ito dahil sa takot at dahil muntikan na siyang matamaan ng bala kanina. The three of them looked around. Hindi na nila alam kung saan sila pupunta.

Nang makita naman nina Amber, Jill, Richalaine, at Sir Raygon na ganoon ang sitwasyon sa jeep, ay sa bus naman sila dumiretso. Bukas ang pintuan nito dahil nasa loob ang pang-sarado nito. Patuloy nilang tinatawag ang pangalan nina Peter at Francis, ngunit hindi lumalabas ang mga ito upang tulungan sila. Nagtataka na sila kung bakit, ngunit dahil sila ay nagmamadali, ay tumaas na sila ng bus atsaka doon nagtago.

Sinimulan na nilang i-check ang mga rows sa loob ng bus. Inisa-isa nila ito upang masigurado na walang mga infected na nakatago, at nagulat na lamang sila nang meron nga silang makitang mga iilan-ilan at ginugulat sila. It's a good thing that the four of them are alert, dahil hindi sila nagugulat dito at binabaril na kaagad nila.

Their adrenaline rush is kicking on these moments. Kada makikita nilang may tatayong infected mula sa isang row ay binabaril na kaagad nila ito. Hindi pa man tuloy nakakalapit sa kanila ang mga infected na ito, ay butas na kaagad ang bungo nito at may tama na ng bala sa sentido.

The School OutbreakWhere stories live. Discover now