Chapter 5 - Havoc

1.1K 49 11
                                    

Habol na ang paghinga ni Tom nang matapos na ang lahat. Hindi na ulit bumangon pa si Dentrix, na nakamulat pa rin ang mga mata hanggang ngayon ngunit hindi na nagalaw.

Ngayon lang na-realize ni Tom na grabe na pala agad ang mga napagdaanan niya. Hindi niya alam kung magtatagal pa siya sa ganitong set-up. Hindi niya alam kung makakaya pa niyang mabuhay sa ganitong mundo. Napasandal na lang siya sa pintuan at umiyak, at dahan-dahang pinadausdos ang kanyang likod rito pababa dahil hinang-hina na siya sa lahat. He cried silently. Ilang minuto rin siyang nasa ganoong puwesto bago siya bumalik sa dati at tumayo.

Lumapit siya kay Dentrix at pinagmasdan ito. Ipinikit niya ang mga mata nito atsaka siya umupo sa tabi nito.

"Hindi ko inaakalang sa ganito pala magtatapos ang lahat. . . Sorry ulit." He said. Hindi niya lubos-maisip na siya pala ang papatay kay Dentrix. Ayaw tumatak sa isipan niya na siya pala ang tatarak ng matulis na bagay sa ulo nito at siya pa ang makakasama nito sa huling sandali ng buhay niya.

Hinubad ni Tom ang necktie na pahiram sa kanya ni Dentrix at ipinatong ito sa chest niya. Tinanggal rin ni Tom ang kanyang uniform vest, at itinakip ito sa itaas na bahagi ni Dentrix, mula ulo hanggang sa may bahagi ng dibdib nito.

Umupo siya sa tabi nito at walang sinasabing kung ano. He stayed like that for a long time, bago siya tuluyang tumayo at lumakad papuntang pintuan.

"You should have lived." Aniya kay Dentrix nang hindi ito nililingon. Tom looked back again one more time, not because he is making sure Dentrix that is dead, but because this is the last time he'll see him again.

--------------------------

Dumiretso si Tom sa banyo ng mga lalaki pagkalabas niya ng classroom. Sinigurado niya muna na walang ka-tao-tao sa loob ng banyo sa pamamagitan ng pagchecheck isa-isa ng mga cubicle nito, bago niya i-lock ang pintuan para walang makapasok rito. Sakto naman at narinig niya na nag-ring na ang bell pagkatapos niyang gawin ito, kaya naman lumayo na siya sa may pinto. Hudyat kasi ito na break na at maaari nang lumabas ang mga estudyante sa kani-kanilang mga classroom.

Tumayo si Tom sa harap ng salamin at naghilamos. Nag-inhale-exhale siya sa harap nito habang tinitignan niya ang kanyang sarili kung nakalmot ba siya ni Dentrix o nakagat nito nang hindi niya namamalayan. When he was sure that he's safe, kinuha niya ang panyo sa likod ng kanyang uniform slacks at itinali ang saksak ng swiss knife sa kanyang kaliwang kamay.

Hinugasan muna niya ito ng sabon. Napapangiwi siya dahil sa sakit kapag pumapasok rito ang tubig, ngunit hindi na niya ito ininda para matapos na. Using his right hand and his mouth, nagawa niyang ibuhol ito nang mahigpit. Umagos pa ang dugo mula rito pagkatapos, at napasigaw pa siya sa sakit. Inikot niya pa ang panyo nang ilang beses upang ma-secure niya at malagyan ng pressure ang kanyang sugat.

His uniform is still bloody, but his face and his skin are now clean. Lumayo pa siya sa salamin upang makita ang itsura niya sa malayuan. Bubuksan na sana niya ang pintuan ng banyo nang makarinig siya ng sigawan.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at sumilip nang bahagya. Nakita niya na may mga estudyante at mga guro na nagtatakbuhan papuntang clinic. Ang ilan sa mga ito ay duguan ang leeg, ang mukha, at ang tagiliran. Nakakakita pa siya nang iilan-ilan sa mga ito na putol ang mga daliri, o kaya naman ay inaalalayan ng mga kaklase dahil iika-ika kung maglakad, na kung titignan mo nang mabuti ay dahil may kagat na ito sa paa. Hindi na siya napansin pa ng mga ito dahil nagkakagulo na sila sa lobby papuntang clinic.

Lumabas siya ng building at nilakad ang pathwalk. Balak na sana niyang umalis at tumakas mula sa school na ito at iwan na ang lahat. Narating na niya ang guardhouse kung saan marami ang mga nagkukumpulang estudyante kaya naman napatigil siya rito. Nang makasingit siya sa mga ito, nakita niya na si Mang Patrick pala ang nakahiga sa loob ng bilog at ang pinagkakaguluhan nila.

The School OutbreakWhere stories live. Discover now