xiii. the enchant exams 2

5 1 0
                                    

White flame covered her body as she glowed,
Not one dared to move as they watched her enchantment grow.

Kabanata 13

---

Aeresthelle

Halos hindi na ako humihinga dahil pakiramdam ko, kasabay ng pagtama nang aming mga mata ay ang pagsimula ng kakaibang tunog sa puso ko. Hindi ko alam kung paano niya ito nagagawa. Ngayon lamang ako nakaramdam nang ganito.

Narinig ko na lamang ang sigawan at singhapan ng mga tao kaya bumitaw na ako sa aming titigan para tumingin sa malaking screen. Hindi na ako nagulat nang makita ko ang malaking rank 1 na nakasulat sa screen. May isang ginintuang korona pa sa gilid nito.

"Tss." Malayo iyon pero narinig kong naiiritang sinabi iyon ng walang iba kung hindi si Pierce. Tumingin ako sa kanya at nagulat ako nang tumingin rin siya sa akin. May nakita akong dumaan na emosyon sa kaniyang mga mata ngunit napakabilis noon kaya hindi ko mawari kung ano ba ang tawag doon.

"Pierce Leovanni Castianelle." Sambit ng speaker. Iniwas niya na ang tingin niya at tumayo. I even saw him clench his left hand.

Nang makapasok siya sa arena ay narinig ko ang napakalakas na hiyawan. Nakalimutan ko na kahit ang tawag sa kanya ay ang black sheep ng pamilya ay sikat pa rin ang lalaking ito sa academy.

Nagsimula na ang palabas and it's my very first time to see Pierce this serious. Bigla niyang ikinuyom ang kanyang kanang kamay and sparks of lighting began to emit around the arena. Kung walang barrier siguro tusta na ako ngayon. Napakalakas ng mga kidlat niya dahil nararamdaman ko ang pagyanig ng lupa dahil sa pagtatama nito sa barrier.

Unti-unting napapatumba niya na ang mga kalaban at nagiging mga abo ito ilang segundo lamang pagkatapos sila matamaan ng mga kidlat ni Pierce.

Napasinghap ako nang makitang unti-unting kumukulay magkahalong light blue at black ang kanyang itim na itim na buhok. Even his eyes turned completely white.

Nararamdaman ko rin na parang mas lalong lumakas pa yung mga kidlat niya kumpara kanina. Yung kanang kamay niya kanina na nakayukom ay unti-unti niyang itinaas hanggang sa nilamon ng kulay puting ilaw na nakakasilaw ang nasa loob ng barrier.

Nang humupa ang lahat nakita ko siyang nakatayo sa gitna habang bahagyang hinahabol ang paghinga. Nakataas pa rin ang kanyang kanang kamay pero wala ng mga kidlat na nakapaloob sa arena.

Tumingin ako sa screen at lumabas doon ang rank 2. Umigting ang panga ni Pierce at unti-unti nang naglakad palayo.

"Aeresthelle Zira."

Nanigas ako sa aking upuan ng marinig ko ang aking pangalan. Napatayo ako ng wala sa oras nang mapagtantong tinatawag nila ang pangalan ko para pumunta sa stage. Nakita ko ring tumigil sa paglalakad si Pierce ngunit ipinagpatuloy pa rin niya pagkaraan ng ilang segundo.

"Good luck Aere." Rinig ko pang bulong ni Helius. Lumipat muna sa kanyang ulo si Radiant na nakatingin sa akin ng may pagtataka.

Tumingin ako sa mga Professors at nakita ko ang naguguluhang tingin ni Prof. Liam. Unti-unti na akong naglakad papunta sa arena. Hindi ko alam ngunit naririnig ko ang malakas na pagkabog ng aking puso.

Ni hindi ko pa nga alam kontrolin ang aking enchantment. Akala ko ba na hindi ako papayagang sumali rito dahil baka may masaktan ako pero bakit ito nangyayari?

Naririnig ko pa rin ang mga bulungan ng mga tao pero mas malakas yata ang kalabog ng aking dibdib kaya hindi ko masyado pansin yon.

Nang makapasok ako ay unti-unti nang nagsira yung barrier kaya napalunok ako. Tumingin ako sa harapan ko at nakita ko ang pag appear ng mga parang robot na kalaban.

Ai ajuns la finalul capitolelor publicate.

⏰ Ultima actualizare: Apr 06, 2020 ⏰

Adaugă această povestire la Biblioteca ta pentru a primi notificări despre capitolele noi!

Odyssey High: School For EnchantersUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum