ii. the school for enchanters

51 2 0
                                    

A school for Enchanters,
What's there to show?
A secret full of chambers,
Hang tight and don't let go.

Kabanata 2

---

Aeresthelle

I stared at the newly-bought clock at hinihintay na mag alas otso na ng gabi. Tumingin ako sa labas ng bintana at napatingin sa napakabilog na buwan.

It's a full moon tonight. How ironic.

Kagabi palang ay naka-impake na ako sa aking mga dadalhin kaya hinihintay ko nalang ang sasakyan na ipapadala nila saakin. I prefer to do things right away because I hated being late or lazy. Anong magagawa ng pagiging tamad mo sa sarili mo? Wala. Sabi nga nila, "It's better to do something, than to do nothing."

Uptil now, hindi parin ako makapaniwala na mayroon palang mga taong-enchanters na parehos saakin. Mga taong may mga enchantments na kung tawagin. Abilities, power, or magic.

All my life, I questioned if I was the only one out there na mayroong mga kakayahan kaya nabigla talaga ako na isang araw ay nagkaroon na lang ng sulat sa tapat ng bintana ko na nagsasaad na iniimbitahan ako sa isang paaralan na para sa mga katulad ko.

It feels,

Refreshing.

For the first time in my life, nakaramdam ako ng pagkasabik sa isang bagay. Yung tipong parang nakakakiliti na parang hindi ka mapakali. Emotionless man ang itsura ko sa labas, ngunit hindi mo lang alam na gumugulong na ako sa tuwa sa loob ko lamang.

Hindi na ako makapaghintay kung ano ang magaganap saakin sa Odyssey High. Maraming tanong ang pumapalibot sa akin simula ng matanggap ko iyong sulat.

I was a loner back in school. Nakapag-aral lang ako ng dahil sa isang scholarship para sa mga mahihirap. That's why I always maintain my grades even if I always did that effortlessly and was always avoided by the people. Sabi nila na hindi daw sila dapat makihalubilo sa mga genius at weirdo na katulad ko.

Iniiwasan ako ng mga tao at iniiwasan ko rin sila.

Kahit na medyo nasaktan ako sa pakikitungo nila saakin, I was actually glad about that. Hindi ko rin naman gustong makihalubilo sa mga tao at lalo nang hindi ko gustong magkaroon ng kaibigan dahil mapapahamak lang sila saakin.

I don't want to be attached because I'm scared of attachments or commitments. I'm scared that one day, I'll just wake up and then they were gone. Mas mabuti pang hindi ako ma-attached para hindi sila masaktan dahil saakin o hindi ako masaktan dahil sa kanila.

People are scary. One day, they love you and the next day, they act like they don't know you.

Another thing is, ay hindi ko pa kasi nakokontrol ng maayos ang Enchantment ko noon kaya takot akong makahawak ng mga tao o hayop.

One time ay dahil nagagandahan talaga ako sa mga bulaklak sa garden ng paaralan na pinapasukan ko, ay hinawakan ko ito. Hindi ko naman sinasadyang maalala ang nangyari kay Manang Lilia at bigla-bigla na lang nag-flashback saakin ang nangyari noong gabing iyon kaya nagulat ako ng bigla na lamang namatay ang parte ng bulaklak na hinawakan ko.

Odyssey High: School For EnchantersWhere stories live. Discover now