vii. pets

25 2 0
                                    

In raging battles
that you will have,
What pet will you
choose?

Kabanata 7

---

Aeresthelle

I always wanted to have a pet. Once, when I was a kid, I wanted to become a vet because I really loved animals but after I discovered this curse that I have, I never thought about that again.

Ayaw kong manakit ng mga inosenteng hayop. Napaka-inosente nila para madamay sa magulong mundong ito. Minsan, mapapaisip na lamang ako, bakit mayroong mga taong nananakit ng mga hayop? Paano nila naaatim na saktan sila?

Minsan, ang mga hayop ay mas tao pa kaysa sa mga tao at ang mga tao ay mas masahol pa sa mga hayop.

Matapos ako pagsabihan ng Prinsipe Pierce na panget, ay bigla na lamang itong nawala sa isang kidlat. Hindi ko na lamang pinansin iyon dahil ang aking isip ay gulong-gulo pa dahil sa mga pangyayari.

Nakumpirma ko na ang binabagabag nang aking isipan. Sina Winona at Tristan ang dahilan kung bakit lahat ng bagay kanina ay tumigil. Ang araw, at ang oras pati narin ang estudyante kanina sa hallway, silang lahat ay tumigil.

Ngunit marami paring mga katanungan sa aking isip. Katulad na lamang ng pagsasambit ng isang professor na ang eskwelahan ay nasa panganib. Hindi ko maiwasan ang hindi magtaka. Ayon sa sulat na natanggap ko noon, ang Odyssey High is a safe environment for people that has enchantments and it cannot be harmed because of the barrier. Pero bakit iyon sinabi ng isang professor? May nalalaman ba silang hindi namin alam ng mga kapwa kong estudyante dito?

"I'll protect you. Always."

Nag-init ang aking mukha ng maalala ang yakap ni Prinsipe Kaizer. Hanggang ngayon, ay hindi parin ako makakalimot sa init ng kanyang mga yakap. Pero bakit niya sinabi na proprotektahan niya ako? Protektahan sa ano?

Ngunit ang tanong na kanina pa saaking isipan ay bakit hindi ako tumigil at naging katulad ng babae kanina sa hallway?

"Alright class. This day is free to all of you."

Natigil ang aking pag-iisip ng magsalita si Professor Donovan, ang aming professor sa Elementia, the study of the elements.

Nakita kong napatingin ito sa gawi ko at napaiwas ako ng tingin at tinitigan ang blangkong upuan ni Prinsipe Pierce.

"But." Natigil ang hiyawan ng aking mga kaklase ng magsalitang muli si Professor. "Go to the main field this instant. The school has a surprise for you."

Narinig ko ang sari-saring bulungan ng mga estudyante.

"Oh my gosh! I wonder what is it!

"Sana hindi ito maze hunt katulad ng pinagawa sa mga seniors last week."

"Ano na naman ba to?"

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Matitiyak mo talaga kung sino ang kabilang sa gifted branch at kung sino naman ang sa cursed branch.

May ilang bagay akong napansin sa loob ng isang buwan kong pananatili dito sa Odyssey High. Ang mga estudyante na napapabilang sa gifted branch ay yung mga matatahimik. Masasabi mong mga prim and proper sila. Samantala ang sa cursed branch naman ay mga maiingay at masiyahin na mga enchanters na parang walang pake sa mundo.

Odyssey High: School For EnchantersKde žijí příběhy. Začni objevovat