v. the lightning bolt

28 3 0
                                    

The fiery prince of madness,
And the voice of sadness.
The prince and princess of cold,
And last but not the least,
The Lightning Bolt

Kabanata 5

---

Aeresthelle

Sinubukan kong makinig kay Professor Shia Mc'rain sa kanyang mga sinasabi tungkol sa mga mythical creatures pero parang hindi gumagana ang utak ko ngayon.

Hindi parin mawala sa isipan ko ang sinabi ng lalakeng iyon. Alam ko at aminado ako sa sarili kong hindi ako maganda pero hindi niya kailangan ipamukha saakin yun. That's why I don't like having friends because they could be your greatest enemy.

Ang sarap kutusin ng lalakeng iyon. Hindi ko alam ang kanyang pangalan at wala akong gana at interes na malaman iyon.

The bell ringed at senyales iyon na lunch break na. Mayroong pahintulot dito sa Odyssey High. When the bell rings, you must go to the main hall to eat together. I mean, dapat sabay-sabay kayong lahat kumain. At yung cafeteria ay para lang sa mga snacks o kung magugutom ka man na hindi pa tumutunog ang bell.

Nakita ko na yung main hall kanina at napag-alaman ko na mayroong dalawa at napakahabang table ang naroon upang ma identify kung gifted or curse ang enchantment mo. Cool right? I don't think so.

Pumunta na lamang ako sa main hall kasama ang mga kapwa kong estudyante. Pagkapasok namin doon, ay hindi ko parin maiwasang mamangha sa interior ng main hall.

May mga fireflies na nakakalat sa paligid na nagsisilbing ilaw ng silid at may mga lanterns na nakalutang sa itaas ng mga mesa. Magkaiba ang kulay ng mga carpet sa ibabaw ng mesa ng dalawang branch. Ang sa gifted enchanters, ay kulay puti at itim naman ang cursed enchanters.

Seriously, what's with the black and white scheme?

The room was rich on wood garments. Ang mga upuan ay galing sa kahoy pati narin ang mga mesa. May mga paintings na gumagalaw na nakasabit sa wall at mayroong limang throne na kulay gold ang nasa harap. Sa likod ng mga thrones ay may mga bakanteng upuan na hindi ko mabilang dahil natatakpan ito ng mga thrones sa unahan.

Nagsimula nang umupo ang mga estudyante and I felt embarassed kung saan ako dapat maupo since I didn't know where I belonged.

Ako na lang ang nakatayo sa pintuan at ramdam ko ang mga mata ng mga estudyante na nakatingin saakin. I bit the inner sides of my cheeks, a habit of mine, to calm myself.

Sa huli, ay napagdesisyonan ko na umupo kasama sa mga cursed enchanters dahil sila lamang ang tumatawa at parang at ease. Pero ang mga gifted enchanters naman ay parang hindi alam ang salitang ngiti.

Nakatingin saakin ang mga cursed enchanters nang umupo ako sa mesa nila. The place suddenly got too quiet.

"The new girl is on our side?" A girl shouted. Not with fear but with excitement laced in her voice. Marami akong narinig na mga bulungan at napayuko ako.

"Hey, welcome to the branch. What's your name?" A boy at my age smiled. He has brown hair that's been neatly combed at kung isa lamang akong babaeng naniniwala sa love at first sight, ay malamang nakakapit na ako sa braso niya ngayon. Tch, typical fangirls.

I managed to speak, "Aere. Aeresthelle." He smiled at hindi na makita yung mga mata niya. Chinito.

"Hi Aeresthelle. My name's Leviathan O'hare. But you could call me Levi." I noticed his eyes were red and that freaked me out a bit. This is the effect of reading too much Wattpad novels.

"Are you a vampire?" Huli na bago ko napagtanto ang sinabi ko. I held my cheeks with both of my hands as I felt my face burned. He smiled again, "No, Ris. I'm an enchanter."

He said it with a poker face but then laughed. Nahawa ako sa tawa niya and I smiled. Ang mga estudyante ay nagsibalikan sa mga kanilang mga ginagawa and I breathed in relief. I always viled attention. Maybe other girls will love it, but not me.

Lumipas ang minuto at nag-uusap lang kami ni Levi. Well, he's the only person I knew in this table. I also saw Nikki on the other table and she's glaring at me. I shrugged it off.

Levi wasn't so bad. He was actually nice, the total opposite of Nikki and let me remind you, that guy who called me ugly earlier.

I wonder what's that guy's name and what is his enchantment. Or maybe what branch do he belong-

"Ris. Hey."

I looked at Levi and smiled a bit. He decided earlier na bigyan ako ng nickname and that's 'Ris'.

"By the way, what's your enchantment?" He asked. I blinked twice when he said that. I still haven't told him that I still don't have a branch either.

Magsasalita na sana ako ng makarinig kami ng parang isang alulong ng aso at napatingin kami sa dulo kung saan nakapwesto ang limang golden thrones na inuupuan ngayon ng dalawang lalake at dalawang babae. The center golden throne doesn't have someone sitting on it. Bakit may kulang?

Napatingin ako sa mga higanteng aso sa bawat gilid ng thrones. Ito yata yung nag-alulong kanina. Wolves.

May pumunta sa gitna na isang lalakeng may mahabang bigote na siguro ay aabot na sa paa niya.

"Good evening everyone. First and foremost, I would like to welcome Miss. Aeresthelle Zira for joining Odyssey High. I hope you will like your stay here." Tumingin naman saakin ang karamihan kaya napayuko ako ng kaunti. "So without further enchando, I'll start off by introducing the members of the royal enchanters."

"First, the lady with the most gifted voice in Mauritius, Melody Ysabelle Castianelle." Tumayo ang isang magandang babae. Itim na itim ang kanyang buhok. Kulay asul ang kanyang mata at ang ganda ng kanyang ngiti. Matangos ang ilong nito at maputi ang balat.

"The yin and yang twins of Mauritius, the princess who holds the darkness, Winter Ysabelle Castianelle and the prince who owns the light, Frost Leovanni Castianelle." Sabay na tumayo sila at alam kong hindi nalalayo ang edad ko sa kanila, baka nga parehos lang. Walang emosyon ang mababakas sa mata ng babae, napakalamig ng kanyang mga mata at mukhang mapaglaro naman ang mga mata ng lalaki. Kulay itim ang buhok nilang dalawa ngunit may puting strands sa mababang parte ng buhok nilang dalawa. Kulay asul din ang mga mata nila at maputi ang kanilang mga balat.

"The fiery prince of Mauritius, Kaizer Leovanni Castianelle." Tumayo ang isang lalaking napakakisig at narinig ko ang ibang babae na napa-sigh. Seryoso ang mukha nito at hindi maikakailang sobrang gwapo. His hair was pitch black with red strands at maputi ang kanyang balat. His aura screams hot and danger. Ang kanyang asul na mga mata ay parang nakakalusaw kung tumingin.

"And lastly-"

Naputol ang pasasalita ng matanda ng biglang kumulog ng napakalakas. Nahulog ang mga kubyertos at mga nilalaman ng lamesa. It feels like we're in the middle of an earthquake. Maya-maya ay tumigil ang pagkulog at biglang tinamaan ng kidlat ang isang trono.

And in the blink of an eye nawala rin yun. Ang kaninang bakanteng trono sa harap ay may umuupo na.

Hindi ako makapaniwala nung namukhaan ko ang umuupo doon. Hindi maaari. His hair that was pitch black and his eyes that were a light shade of blue na parang puti nang tignan.

"Am I late?" Ngumisi siya.

"And last but not the least, the lightning bolt of Mauritius, Pierce Leovanni Castianelle."

---

BlackenedLight

Odyssey High: School For EnchantersWhere stories live. Discover now