KIEL

53 30 16
                                    

"Kasi ako...sawa na rin eh."

Napapikit si Kiel sa nadinig.

It hurts... It hurts damn much.

"Saia, you don't have to say this. Just let me--"

"No Kiel. Let's finish what we started years ago once and for all."

Hindi niya magawang lumingon. Natatakot siya. Sobrang sakit na ng nararamdaman niya mula pa nang iniwan siya ni Saia at bumalik sa Maynila.

Natatakot siyang kapag nakita niya ang mga mata ng babae ay mawalan siya ng lakas ng luob. Baka panghinaan siya.

Baka hindi niya mapigilan ang sarili at magmakaawa na lamang dito na bigyan siya ng huling pagkakataon. Kahit maliit, kahit labag sa luob nito. Isang pagkakataon lang.

..."Iyang Saia mo, hindi basta-basta ang dinaanan. She had been alone ever since her parents died. May mga kamag-anak siya pero pinili niyang magisa sa Maynila. What she has right now? She had gotten it with her honest work. People who knows her know that she prides in herself for being strong..."

That was what Claude told him. He asked him to do background check on Saia that first time he saw her on their town dahil gusto niyang malaman kung ano ang pwede niyang gawin para lamang makuha ang luob nito.

..."Mahihirapan ka Kiel. She's one strong woman and she will resist you every turn she got just like she resisted those suitors mula nang maghiwalay sila nang huling boyfriend niya 2 years ago. She hates seeing weakness. May pagka bitter iyang Saia mo dahil balita ko, sinabihan niya yung isa sa mga nanliligaw sa kaniya na love is a weakness. Bitter sobra, di ba? Kasalanan mo ata iyon, gago."

Oo. Gago talaga siya. Kung hindi ba naman siya tanga pinakawalan niya pa ang babaeng umpisa pa lang ay alam niyang nagiisa lamang sa mundo.

But he learned his lesson. Binigyan siya ng isa pang pagkakataon ng Diyos para makita muli si Saia.

And he would never give up on her.

Never.

Hinarap niya ang babaeng buong buhay ay hindi nawala sa puso niya. "Sawa ka na Saia? Ako hindi. Hinding hindi ako magsasawa. Kahit ano pang sabihin mo. Kahit ano pang gawin mo. I love you and no one! Even you! Can ever tell me otherwise! You know what? I don't even want to hear what you're about to say. Dahil kahit anong tanggi mo gagawin ko pa rin ang lahat para lang mahalin mo uli ako!"

He had already bared everything he feels for her. And he doesn't care. Para sa babaeng mahal niya... Para kay Saia.

"Sino naman nagsabing hindi na kita mahal?"

Nanlumo si Kiel. Hindi na kita mahal... Hindi na kita mahal... Ang lupit din talaga ng babaeng--- Teka, ano nga ulit ang sinabi nito?!

"Saia--"

"Sawa na kong mahalin ka ng patago Kiel. Sawa na kong labanan ang nararamdaman ko." Tumayo ito at marahang lumapit sa kaniya. "So I will ask again. Sawa ka na bang mahalin ako? Dahil kung oo... Ako na naman ang magmamahal sayo."

My Bitter Sweet GirlWhere stories live. Discover now